Chapter 7

286 13 3
                                    


"How's Kyle? Okay na ba siya? Do you want me to call my dad? He can help him and in every way possible," Clarice said while looking to me. Sunod-sunod niyang sabi sa akin. I know that she's just concern and I understand her. She loves my brother and she's been doing everything she could just to help him. I smiled to her.

"He is okay na, Clarice. Huwag ka nang mag-alala. Tsaka 'yun pa! Alam mo namang hindi nag papatalo yung ugok na 'yon," ani ko sa kanya. I'm trying to assure her na okay na talaga si Kyle. She's been bugging me noong nalaman niya na sinugod si Kyle sa hospital. She even made me came here para lang makausap ng maayos.

"Why didn't you call me? I could always talked to Avin so that he will be able to transfer Kyle in a private hospital or something," iritable niyang ani sakin. Tumawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya. "Why?" She asked and rolled her eyes on me.

"Okay na nga, Clarice. Nakauwi na magaling at maayos si Kyle kahapon. Ano pa bang ine-emote mo diyan?" Natatawa kong ani sa kanya. Hindi niya ako pinansin at kumuha nalang ng pagkain na nasa harap namin.

She's Clarice Dela Cruz, a great friend of mine. We met sa isang event na hinandle ng UP at Ateneo. It's for the street children here in Katipunan. They were helping them by giving them food and supplements. She's a Nutritionist, that's why nandoon siya. While me, being a Journalist, I was documenting the whole thing for them.

Sa isang taon naming pag-kakaibigan, mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. We were able to witnessed each other's downfall, but also, we also saw how we overcome those nightmares in our lives. Naging mas malapit siya kay Kyle noong mga panahong iniiwasan niya ang mga kapatid niya. Hinayaan ko nalang siya dahil alam kong sanay siyang palagi niyang nasa tabi ang mga kapatid niya.

Pero masaya naman ako dahil maayos na sila ngayon. They're happy family again.

"Ah, basta. If anything like this happens again, you have to call me agad," ani niya. 'Tong conyo girl na 'to. Nginisihan ko lang siya. "Yes po, Madame," magalang kong tugon habang may pag-tungo pa.

Ilang minuto ang lumipas ng mag-salita siya ulit. Busy kasi kami kakakain dito. We used to do this. Ito yung way ng catching up namin.

"Si Ricci ba 'yun?" Tanong niya sabay nguso sa isang direksyon. Kumunot ang noo ko at tinignan din ang direksyong itinuturo niya. Nanliit ang mga mata ko nang makumpirma kong siya nga ito. Huh? Bakit naman? Kung titignan ko pang mabuti, dire-diresto niyang nilalandas ang daan patungo sa amin.

"May appointment ba kayo ngayon?" Tanong niya ulit. Agad akong umiling sa kanya. "Wala. Wala naman kaming napag-usapan na mag-kikita kami ngayon e," katwiran ko. Sinabi niya kasi sakin na next week nalang namin gawin yung interview, kailangan ko daw kasi umuwi ng maaga para mabantayan at maalagaan ang kapatid ko.

"So, bakit siya nandito? Ikaw ha. Baka may hindi kana sinasabi sakin. Nako, sasabunutan talaga kita ng malutong," ani niya habang nag papa-cool pa. I glared at her. Kung ano-ano na namang naiisip nito.

"Hindi ko alam at wala," agad kong sagot sa mga tanong niya. I've told her some details about Ricci and I so she have a clue what's happening here. Tsaka, hindi pa ako ready sa mga commitments. Alam kong makakasakit lang ako. Inaamin ko 'yun ng buong-buo.

Mahirap mag-mahal kung hindi mo mahal ang sarili mo.

Nang makarating si Ricci sa aming harapan ay tinignan ko lang siya. Sinusuri kung ano ang sanhi nang pag-punta niya dito. Hindi naman ako kinakabahan dahil wala nama akong ginawang masama tulad noon.

"Can we talk? Urgent lang talaga," he said while facing both of us. Urgent? Hindi ko alam kung bakit dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya. "Oo, naman. Saan ba?" Tanong ko sa kanya. He showed a little smile. "Yung tayong dalawa lang sana."

Only You Where stories live. Discover now