ESA43

60.2K 1.5K 766
                                    

ESA43

"Hoy! Akala mo makalimutan ko iyon!" singhal ko sa kanya sabay hampas sa kanyang dibdib habang nakayakap siya saakin at parehas kaming nakahiga sa duyan.

We both calmed down after long minutes of just quietly hugging each other, whispering sweet nothings.

Umupo ako mula sa pagkakahiga. Hinayaan naman niya akong makawala habang nakahiga pa rin siya. I glared at him who's not even pressured now. Nakaunan siya sa kanyang braso habang nakatingin saakin.

He looks very peaceful now than ever. Medyo mapula pa rin ang kanyang mata dahil sa kaninang pagluha na kahit kailan ata ay hindi ko na makakalimutan pa. Together with that memory is my promise that I will try my best not to make him cry like that again.

"it's not important..."

I glared at him.

Kumikirot pa rin ang aking puso kapag naiisip ang kanilang larawan ngunit matapos kong marinig lahat ng sinabi niya kanina? I came into a lot of realization and slaps towards the holes of my decisions I never noticed before... ngayon... hindi na ako muling magdededsisyon ng hindi ko naririnig ang parte niya.

"The kiss was real right?" tanong ko sa kanya.

Hinuli niya ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri.

"I met her in the lobby that night when I was about to go home. Sabi niya nahihilo daw siya and I can't let a friend just be alone like that..."

"Did you even know her feelings for you?" sakastiko kong tanong.

Sa dami-daming babaeng dumaan sa kanya, huwag niya lang sabihin saakin na hindi siya marunong makiramdam!

He sighed.

"Of course... but I treat her as a friend."

Mas lalo akong sumimangot noong maalala ko ang kanyang sinabi noon na nagustuhan niya raw si Ara.

Tss!

"Inalalayan ko siya sa parking lot. I asked if she can drive and she said no... wala naman akong choice hindi ko naman pwedeng iwan nalang."

So that's the reason why he went late huh? May halik na nga, may paghatid pa? Huh!

I sneered.

"Before I enter her driver seat, she pulled me and kissed me... I was shocked and I don't know how to react."

I laughed mockingly and glared at him. I just wanna express my piss toward them. Seryoso ba siyang iyon ang dahilan niya?! Everyone's instant reaction is to push! Bakit sa kanyang pull?!

"Ah, kaya mas hinigit mo pa papalapit?" mas lalong sarkastiko kong tanong sa kanya.

Naalala ko kung paano siya kumapit sa bewang noong bruha!

Kumunot ang noo niya na tila ba wala siyang alam sa kung ano man ang sinasabi ko. Playboy!

"I gripped on her waist so that I can remove her away from me..."

Umirap ako sa kanya. Hindi ko pa rin makita ang logic na gusto niyang sabihin saakin. Through our connected hands, he pulled me so I could lay again on his chest. Uupo sana akong muli dahil nag-uusap pa kami at gusto kong makita ang mukha niya ngunit hindi niya ako pinakawalan. His arm tightly secured me to keep me in my position now.

"Shall we talk about you now?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko.

"What about me?" bahagya akong umahon mula sa pagkakahiga sa kanya upang makita ang kanyang mukha.

Every Step Awayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें