Sobrang simple namang tingnan ng kanilang bassist na si Kert. Nakasuot sya ng jeans at navy blue shirt na may print na "LIVE" sa harap. Mapapansin na bilugan ang mga mata nya, at sobrang tangos ng ilong nya. Nagpe-play lang sya ng kanyang instrument sa sobrang simpleng paraan.

Kapansin-pansin rin ang kanilang keyboardist na sobrang energetic tingnan, si Felix. Naka-black shirt sya na may malaking print na letter S sa harap at naka-jeans din sya. Hawig sila ng mga mata ni Raven, singkit sya.

Ang kanilang drummer naman na si Ezno ay sobrang skilled tingnan sa kanyang pagda-drums. Makapal ang mga kilay nya at marami syang suot na silver necklaces. Mapapansin na sya ang pinakamaputi sa kanila at lalo syang pumuti sa suot nyang black polo shirt at black jeans.

"Medyo matagal na 'tong song na 'to, kaya EQUIMILI, SABAYAN NYO AKO!!!" Sabi ni Adrian at pagkatapos ay tinaas nya ang kanyang mic.

"Here is Somedaydream's Hey, Daydreamer."

Naghiyawan ang attendees at sumabay sa pagkanta ng Satiata. Kuhang-kuha nila ang atensyon ng mga attendees, hindi lang dahil sa makikisig nilang muka, kundi dahil na rin sa kanilang talent. At compared sa ibang bands na puro papogi at birit ang ginagawa, iba ang Satiata. Mula sa vocalist hanggang sa drummer, ipinapakita nila kung ano ang kulang sa ibang mga rockbands, na para bang pinupunan nila kung ano ang kulang sa tunog na pinoproduce ng mga banda.

Natapos ang kanta at ang lahat ay nagsasabi ng "next song na".

Adrian: Next song na ba?

Raven: 'Yoko pa.

Adrian: Kaw Kert?

Kert: Next song na 'yaaaan.

Adrian: Sige mag-solo ka, baba muna kami.

Nagtawanan ang audience.

Kert: H'wag gano'n.

Raven: SIGE NA NGA NEXT SONG NA, PAGBIGYAN NATIN SI ATENG MATANGKAD NA HUMIHIYAW SA BABA NA MAY HAWAK NA MALAKING PICTURE KO.

Nagtinginan ang mga attendees at hinanap kung sino si ateng mahiwaga. Hinanap ko rin sya at na-shock ako, hindi dahil hindi ako 'yon, kundi dahil si Kitrana Hernandez 'yon na nasa gilid ko.

"I LOVE YOU RAVEEEEEN!!!" Hiyaw ni Kit habang winawagayway ang tarpaulin na picture ni Raven.

Hiyang-hiya ako sa ginawa nya at di ko alam san nya napulot yung tarp, parang wala naman syang dala kanina na gano'n. Pero wala e, frenny ko, support kita dyan.

"Here's the second song."

"Oo nga no? Ba't di na lang, tayo na lang dalawa?"

Naghiyawan ang attendees lalo na nang magstart ng mag-intro ang Satiata ng Tayo Na Lang Dalawa ng Mayonnaise. Sa mga songs na headbanging tulad nito, si Kuya Alnair ang naaalala ko. Mahilig sya sa mga songs na masarap magwala at lahat kami nag-aalala na baka biglang lumambot leeg nya.

Ang lahat ng nasa baba, pati na rin ang ibang nasa bleachers, ay nagtatalunan. Meron ding mga magjowang nakahawak kamay pa habang tumatalon.

"Nagustuhan n'yo ba 'yon?" Tanong ni Adrian pagkatapos ng 2nd song.

"SYEMPREEEE!" Masiglang sagot ng audience.

"May tanong ako sa inyo."

Naging seryoso ang tingin ni Adrian, at nagbago rin ang kanyang postura.

"Did you ever helped someone? Like lending a hand kasi halata naman na kapos na?"

Pagkasabi nyan ni Adrian ay tumugtog si Felix ng soft instrumental music na mahina lang, sakto lang para sa isang taong may sasabihing mahalaga.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jun 05, 2020 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Live At The ConcertUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum