Chapter 8

2K 56 8
                                    

Byun Baekhyun's POV

"Unahin ang pinakamadali. Bumili muna tayo ng food color." Sabi nitong maliit na 'to. Napakunot naman ang noo ko.

"Baliktad ka nga pala. Dapat unahin natin yung mahirap." Sabi ko saka naglakad na. Iniwan ko na yung maliit dun, may paa naman yun.

"Hoy! Hintayin mo nga ako!" Sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Wala ehh, malakas trip ko ngayon, "Talaga 'tong Baekla na 'to." Napataas naman ang ki-- este napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Napalingon ako sakanya only to find her running towards me. Bigla ko naman naramdaman na may sumakay sa likod ko na maliit na tao.

"Uyy! Wag ka ngang malikot! Kung gusto mong masugatan, wag mo kong idamay!" Reklamo ko sakanya. Naramdaman ko naman na yumuko siya. Yung para bang namamahinga yung ulo niya sa likod ko. Haayy.

"Punta na tayo sa Computer shop." Sabi niya na parang walang gana. Kinunotan ko naman siya dahilan para kunotan niya rin ako. Aigoo~

"Computer shop? Para saan? Don't tell me na nagdodota ka o kaya GTA?" Nakakunot noong tanong ko sakanya, "Kababae mong tao, baka may biglang maki-FC sayo na mga jeje dyan. Bahala ka." Sabi ko naman dahilan para batukan niya ako. Problema neto?

"Pabo! Kala ko ba gagawa tayo ng powerpoint presentation, edi malamang kailangan natin ng laptop or computer!" Haaay, hindi man lang ba tumatak sa isip niya na boy scout ako?

"May dala akong laptop sa bag. Boy scout kaya ako.. ang kakaibahan lang, ako mabango at gwapo pa." Sabi ko ng pataas-baba ang kilay. Binatukan niya uli ako. Grabe talaga problema neto..

"Ibaba mo nga ako." Mariin na sabi niya. Gusto niya talagang magmukhang maliit, 'no? Bahala siya. Binaba ko naman siya, "Foodcourt tayo." Sabi niya saka naglakad na papunta sa food court.

Sinundan ko naman siya papunta sa food court. Hindi naman masyadong mabilis ang paglakad niya kayo hindi ko naman kailangan tumakbo. Halos nga magkapantay lang kami. Pero, syete lang! Pinagtitinginan ang kagwapuhan ko dito! Matutunaw na ako!

"Uhmm, kuya, pwede magpapicture? Ang gwapo mo kasi, ehh!" Ohh, kita niyo? Gwapo ko talaga! Nginitian ko naman sila. Oo, SILA! AS IN SILA NA MARAMING SILA! BWAHAHA!

Kim Tae Yeon's POV

"Uhmm, kuya, pwede magpapicture? Ang gwapo mo kasi, ehh!"

Napatingin ako sa Baekla na yun dahil sa narinig ko. Haay, may mga malalandi nanaman! At si hudas nga naman! Nakangisi pa yung gorilla!

Dahil nga sa nakatingin ako sakanila, napansin naman ako nung isa at agad lumapit sakin, "Ate, pwede magpapicture kami kasama si kuya? Tutal, mukha ka naman photographer." Sabi niya saka tumingin sakin from head to toe. Wapeks girl, wala ka sa kalingkingan ko! Dyosa ako, p're! DYOSA!

"Photographer? Me? A photographer? Ohh, sorry missy, but you just approached a goddess. Not a photographer. *flips hair*" feel d'furry.

"Ayy, english speaker pala si ateng." sabi naman nung isa, "Don't worry, best. I got this." From the looks of it, mukha nga siyang nag-aaral. Magara ang damit, maganda ang buhok. Mukha nga lang -.-

"Ohh, do you have something to say? You're wasting my time."

"Sis, come on na, come on na! We need to take photo because kuya is so gwapo! Y'know that? Dali na, sis! Diz iz a chanze!" Sabi nung isa na parang luluhod na sa harap ko. Yung mga iba niyang kaibigan, nakiluhod na rin. Aigoo~ wrong grammar pa more.

One word to describe them, desperate.

"Okay, fine." Sabi ko at kinuha ko na yung digital camera niya. Itinutok ko naman yung camera saka-- OH MY! LOOKIE HERE! Maka-posing si ateng nanay, kala mo nasa photoshoot! Yung isa naman, makakapit sa asaw-- fianc-- kay Baekhyun, akala mo close sila ehh, 'no? Taray!

Jusko po, patawarin mo nalang po 'tong mga babaing 'to at mukhang wala sila sa tamang pag-iisip nila. Aigoo~ mukhang pinagtitinginan na ako ng mga tao dito, ba't ba kasi ako nakaluho-- Ayy, joke -.-

Bigla naman lumapit sakin si ateng dark at marahas na inagaw yung digi-cam niya na low-class. Kutongan ko 'to, wala man lang bang 'thank you'?

"Waah! Best! I look so maganda here with kuyang pogi! Bagay kami, 'no?" Ba't ang raming nangangarap ngayon?

"Ate, one more time! One more nalang and we'll go na!" Sabi nung isa sabay abot ng digi-cam sakin.

Inirapan ko muna siya at todo ngiti pa si ateng amoy suka! Bago ko pa naman maabot yung camera niya ay may biglang kumuha nito. Napatingin naman ako at yeah, siya nga. 'Yung Baekhyun niyo -.-

"Sorry, ladies. But me and my fiancé needs to go." Sabi niya habang nakatingin dun sa mga babae. Ayy, yung mga ateng, natunaw mga mukha. Pangarap pa more!

"Fiancé? Ano 'yun? Nakakain ba 'yun?" Tanong nung isa. Kung hindi ba naman tanga.

"Oo nga! Ano ba yun?" seriously?

"Bye." Sabi nalang ni Baekhyun saka ako hinila paalis. Inalis ko naman yung pagkakahawak niya sakin. Suplado rin 'to ehh, 'no?

Nauna na akong naghanap ng table saka umupo na.

Umupo na rin naman siya saka nilabas yung laptop niya.

"Ikaw na gumawa. Habang nakaupo lang ako dito." Sabi niya sabay harap sakin ng laptop niya. Tinaasan ko siya ng kilay at ang loko, nakangisi pa habang nakacross-arms.

"Tss." Sabi ko nalang at kinuha na yang laptop niya.

"Since ikakasal na tayo at bilang asawa mo at tatay ng magiging anak natin, I'm going to set rules." agad akong napatingin sakanya. Hindi dahil gusto kong marinig yung rules niyang walang kwenta kundi dahil sa pag-emphasize niya sa word na tatay. Aba't gago 'to, ah?

"Ayos ka lang ba, p're? Gusto mo bang paguntugin ko kayo ng ulo ni Luhan? O di kaya itusok ko sa'yo yang baba ng Kapre na 'yun para di ka na mag-hallucinate pa dyan? Loko ka, ahh!"

"Bakit?" Aba't painosente ang loko? "Syempre, ikakasal tayo. Tapos may activity, di ba? Edi malamang, as Padre de Pamilya, itataguyod ko ang asawa't anak ko! Common sense naman! Magiging nanay ka na, wala ka paring comm-- aray!"

"Aba't loko ka rin, 'no! Pucha, sino ba nagsabing papakasalan kita?! Afford na afford kong magpa-cancel ng kasal!" Sabi ko sakanya. Tinignan niya lang ako with a 'Yehet' look... Yehet? Where did I get that?

"Edi ipa-cancel mo. Afford na afford ko rin naman mapagkasundo sa'yo uli."

"Afford na afford ko rin naman ipa-cancel yun!"

"Edi, ipagkasundo ulit sa'yo!"

"What's the point? Maka-cancel lang naman! Nagsayang ka pa ng mabantot mong pawis!"

"So what? I will do anything para lang ang ending mo papunta sakin." Gago ang pucha -.-

"What's with you saying cheesy lines all if the sudden?" Tanong ko sakanya habang nandidiri facial expression.

"Just felt like saying it." Sabi niya at aba'y tinulugan ako ng damulag?

"Hoy! Wag mo nga akong tulug-tulugan dyan!"

-----

Published: 12/28/14

Bestfriends In CrimeWhere stories live. Discover now