Matagal kong tinitigan ang text bago ko naintindihan. 'Are you busy?' Pala ang nais iparating. Daming alam.

AC:

'No Sir. Tapos na rin po training namin.'

Crushie:

'Alright. B there in a few.'

Kumakaway ako sa sasakyan ng paalis na 5. Hindi ko talaga maatim kung paano sila nagkakasya roon. Binato pa ako ni Hugh ng isang papel galing sa pinagkainan niya at nagflying kiss paalis. Umiling ako at tinapon iyon sa basurahan.

Lumapit sa akin si Sir Nico. Wearing a fresh white sweater na may maliit na tsek sa kanang dibdib; nakaangat ang sleeves hanggang siko, white sneakers of the same brand and a faded jeans, para siyang isang K-pop idol na kagagaling lamang sa audition.

Bagay na bagay kasi ang puti rin ng kutis niya. Para kaming choco-na-gatas kapag magkatabi dahil sa pagiging kayumanggi ko. 

Iginiya niya ako sa kanyang kotse. With my ACU, fresh from the ROTC, sumakay ako sa kanyang sasakyan.

"It's my birthday today." Paninimula niya pagkatapos naming magseat belt.

Gulat na gulat ako! Hindi ako aware. Una, dahil kahit anong Social Media account ay nakaprivate account siya, second, wala ring sinabi ang aking mga kaibigan sa kanya at hindi niya rin pinaalam sa text!

I awkwardly looked at him and it's now my turn para magkamot ng ulo.

"Sorry Sir. Wala akong gift."

Consistent akong nagreregalo sa mga crush ko noong highschool. Nakakahiya at kung kailan close na ko sa crush ko ay siya naming hindi ko nabigyan ng regalo.

He chuckled and shook his head.

"I do have a gift for you tho."

He fished something from the back of his car. The crisp sound of an orange paper bag reached my ears. Nanlalaki ang mata ko nang marealize ko kung ano iyon.

"I'm really sorry at alam kong hindi mo tatanggapin iyon. But it's my birthday today and your gift is receiving this."

Tulala ako habang binubuksan ang paperbag. Sobrang generous naman ni Sir e gayong friends lang kami. I swallowed hard thinking that I can't accept this fortune-cost LV moon backpack. It's black and plain. Gaya ng mga hilig ko.

When I saw his puppy eyes at naglulungkot-lungkutan na mukha, I sighed.

Lord, 'wag naman pong gan'to. Marupok ako.

"Magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap." He quickly said, ngayon ay nakangiti na.

Hay naku si Sir. Ang cute.

Tumango na lamang ako at inilagay na sa backseat ang paperbag.

I don't know where we are headed to, pero dahil siya ang may birthday ay hinayaan ko lamang siya sa pagmamaneho.

"I think I need to change my clothes Sir." I uttered matapos ang ilang minutong pananahimik.

His jaw clenched before finally nodding. Nagbuga siya ng hininga na para bang hirap na hirap.

Sa pag-aakala kong dadaan kami sa dorm, nabigo ako. We stopped and parked in a nearby mall bago niya ko iginiya papasok. Baka may bibilhin siguro siya.

"I'd like to dress you up. I don't see you wear anything other than jeans and shirt." Paninimula niya pumasok sa isang boutique.

Umiling ako nang maglahad siya sa akin ng isang skirt.

Thorns of Roses Where stories live. Discover now