The truth sets everyone free, no matter how rusty the chains of darkness are.

"Dalhin ko na lang ang sasakyan ko. Medyo malayo pala."

"It's alright. Ihahatid naman kita pabalik dito mamaya."

"No, I'll bring my car. Para hindi na tayo bumalik dito. Paano kapag matagalan tayo roon?"

I'm thinking about investigating when we get there so I am sure matatagalan nga kami.

"Para diretso na rin ang uwi ko. Ayaw kong maabutan ng dilim dito," paliwanag ko.

"Matatagalan, huh?" Preston smirked. "Alright."

Dumaan si Uriel sa lamesa namin pero dumiretso siya sa labasan. May tatlong lamesa pa bago ang labasan pero diretso pa rin ang lakad niya. I saw him out of the cafe for a moment. Uuwi na kaya siya?

Nagulat ako nang pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik siya sa loob. Nagkatinginan kami saglit. Iniwas ko ang tingin at nagkunwaring iinom ulit ng juice ko.

"I'll answer this call so our lunch will be prepared..." si Preston dahil tumutunog ang cellphone niya.

Natanaw kong naupo si Uriel sa huling lamesa. Naglapag ng juice ang waiter at nagpasalamat naman siya. He took his phone out and I saw him manipulating it.

Akala ko ba uuwi siya?

"Oh?" may dumaang pumuna sa kanya. "Mamaya ka pa? Doon muna tayo sa table namin!"

Uriel chuckled. "Next time. May kailangan lang na ayusin bago umalis."

Umiling ang kaibigan niya at dumiretso sa lamesa. Sinundan ko ito ng tingin at narinig kong ibinalita sa mga kaibigan na hindi pa umuuwi si Uriel.

"I'll invite him!" the girl with a short blond hair stood.

May dala itong shih tzu sa kanang kamay. She had gold bangles, and gold hoop earrings, and black sleeveless top and sweatpants. Her lipstick is a bit bold, too. When I looked at her closely, I realized she's the daughter of a senator. Siya pala iyong pinagkakaguluhan nina Carver kanina na late daw dumating.

"Hey," sunod ko rito nang lumapit sa lamesa ni Uriel.

I swallowed hard and looked at my juice. I'm not bitter or anything but I find her very tacky. Yes she's trendy with her fashion right now, but it really looks tacky to me. Blonde hair and bright red lipstick, really?

Sunod kong baling ay nakahawak na ito sa kamay ni Uriel at hinihila na siya. Namilog ang mga mata ko. Abala pa si Preston sa kausap niya sa cellphone.

"Halika na!"

I heard Uriel's low and sensual chuckle.

"Gusto ni Poo poo na sumama ka, oh?"

Tumitig ako sa babae. She looked very westernized. Dahil sa pagpipilit niyang hila, nagpatianod naman si Uriel at napatayo. He was smiling and it's as if he couldn't resist.

"I'm done. Let's go?" si Preston.

I immediately collected my pochette and put it on my shoulder. Hindi ko alam kung gusto ko bang umalis o hindi. Pero mas gusto ko namang umalis, lalo na nang nakitang naanod na nga si Uriel ng babaeng iyon.

Preston held my waist. Pero imbes na iyon ang pagtuonan ko ng pansin habang paalis kami, nakita kong magkahawak kamay pa rin si Uriel at iyong babae kahit nakalipat na ito sa lamesa nila.

"So, I'll lead the way and you'll follow, okay?"

"Okay," wala sa sarili kong sinabi.

Hinatid niya ako sa sasakyan ko sa parking lot. Pagkapasok ko, siya naman ang sumakay sa kanyang sasakyan.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now