Kabanata 16

423K 22.8K 21K
                                    

Kabanata 16

Suspect


Tulala ako nang naupo kami ni Preston sa cafe. Aniya'y may titingnan lang daw siya at makikihalubilo saglit bago kami umalis.

Sinalubong ko siya kanina. Hindi ako mapakali sa labas ng men's locker room. Nang lumabas si Preston, sumulyap pa ako sa loob at hindi na rin naman nakita si Uriel. Of course, he must be busy taking a shower now. Damn him!

The image of his full and round buttocks flashed in my mind. Kahit nasa cafe na kami at malayo na roon, binagabag pa rin ako noon.

"Titingnan ko lang ang schedule. Are you fine here?" Preston asked.

"Oo naman," I snapped out of my reverie.

Pumunta siya sa counter. May iilang tumitingin sa banda ko at sinusubukang lumapit. I realized Wesley was there too. He was about to come near me with Carver when Uriel emerged from the corridor to the locker room.

Nakita ko ang pag-ilag ng dalawa at naupo na lang sa grupo ng mga babaeng nandoon.

Uriel is carrying his duffel bag. Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng paglalakad niya lang na nakasabit ang duffel bag sa balikat, parang medyo hindi na ako kumportable. Para bang bawat galaw niya napapansin ko... o malaking bagay sa akin.

He's wearing a black t-shirt, and faded jeans, matched with black caterpillar boots.

Nagtaas siya ng kilay, nakatingin sa akin pero iniwas din naman at dire-diretsong naglakad patungo sa counter. Some people called him. He socialized. Tumigil at nakipagkuwentuhan.

"Dito ka muna!" narinig kong niyaya siya.

"Ah, hindi na. May lakad pa ako-"

"Hindi ka na nakikisali..." a woman said.

Uriel laughed huskily. "Maybe next time. I have things to do."

Nagtaas ako ng kilay at iniwas na ang tingin doon. Bumalik nga lang ulit pagkatapos ng ilang saglit at nakita kong nasa counter na siya. Pabalik naman si Preston na may kasamang waiter. Nilapag ng waiter ang juice para sa amin. I was about to ask if we're eating our lunch here. Inunahan niya ako.

"Pahinga lang tayo saglit," ani Preston at naupo.

Lumipat ang mga mata ko sa likod niya. Naglalakad na ulit si Uriel pagkatapos tingnan ang kung ano sa counter. Paalis na yata siya pero dahil marami ang tumatawag, natitigilan siya.

I saw him smile for a couple of times. He seems... normal. Just like before, he's sociable. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako kumportable. All this time, whenever I think about him and summon my anger, I thought our first interaction will be worst or something.

Siguro hindi ko lang inasahan na ganito lang. He isn't bothered. Hindi niya sinumbat sa akin ang mga sinabi ko noon. Inasahan ko na magagalit din siya at ibabalik iyon sa akin pagdating ng panahon. Lalo na ngayong napabulaanan ng kaunti ang panghuhusga ko. Hindi pala niya babae ang gumawa noon at posibleng wala rin ang mistaken identity na pinaniwalaan ko.

Naglakad siya at iniwan ang mga kausap pero natigil ulit dahil sa tawag ng mga Samaniego. I sipped on my juice.

"So, iwan mo na lang ang sasakyan mo rito. 'Yong sasakyan ko ang gamitin natin."

"Malapit lang ba 'yon?"

"Isang oras mula rito," si Preston.

Ibinigay ko sa kanya ang buong atensiyon ko dahil sa excitement. My irrational thirst for the truth about Orianne's mystery is driving me insane. O siguro dahil alam kong kapag tuluyan ko na ngang malaman ang totoo, doon pa lang ako matatahimik ng tuluyan.

After the Chains (Costa Leona Series #13)Where stories live. Discover now