Chapter One

8.2K 94 3
                                        

Maalinsangan na hapon ang nagpagising kay Jeric. Gustuhin pa man sana niyang matulog pa kaya lang ayaw na makisama ng panahon. Sinipat niya ang relong pambraso, maaga pa ng isang oras para sa usual na gising nya.

Napagpasyahan na lamang ni Jeric na bumangon na. Inayos nya ang kanyang hinigaan at saka nag-ayos ng sarili pagkatapos ay lumabas na ng kanyang silid. Dire-diretso siyang pumasok ng banyo para gawin ang kanyang facial and oral hygiene routine.

Nagbabanlaw na ng kanyang mukha si Jeric ng mapatitig siya sa salamin. Mataman niyang tiningnan ang reflection ng kanyang mukha. "Ang gwapo mo naman pero bakit wala kang jowa?" Nagtatakang tanong ni Jeric sa kanyang sarili. "May mali ba sayo?"

Natigilan siya sa pagsi-self pity ng may kumatok sa pinto. "Insan, matagal ka pa ba d'yan sa loob?" Tanong ng nasa kabila ng pintuan. Mukhang si Sherwin, hula niya.

"Five minutes!" Tugon ni Jeric at mabilis niyang tinapos ang paghihilamos.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng banyo ay nagmamadali naman na pumalit ang lalaki. Tama nga siya sa kanyang hinuha, ang pinsan niyang si Sherwin. Mukhang na-late na naman ito ng gising para pumasok sa trabaho. Napapailing na lamang si Jeric. Hindi na talaga nagbago ang pinsan niya.

Isang call center agent sa isang BPO company sa Bonifacio Global City ang lalaki. Night shift din ang pasok nito yun nga lang madalas hindi pare-pareho ang reporting time. Depende daw sa volume ng orders at US time, ang natatandaan niyang paliwanag nito sa kanya.

Dumiretso sa kusina si Jeric at nag-init ng tubig sa kanilang electric thermos. Dinamihan na rin niya ang kanyang inilagay na tubig para isabay na ang pinsan kung magkakape man ito. Kinuha niya ang tinapay at palaman sa ibabaw ng refrigerator saka dumulog sa mesa.

Napalingon si Jeric sa kanyang gawing unahan ng pumasok mula sa pintuan ang kanyang Kuya Dante. Sa itsura nito, mukhang galing ito sa paglalaro ng basketball. "Oy, ang aga mo yatang nagising. Maaga ang pasok mo ngayon?" Sunod sunod na tanong ng kanyang Kuya.

"Ganun pa rin kaya lang sobrang init sa taas. Hindi na ako makatulog kahit anong pilit ko pa." Reklamo ni Jeric dahil sa sobrang alinsangan ng panahon. "Kelan ba tayo bibili ng aircon, Kuya?" Tanong niya kapagdaka sa kapatid. Kumuha ito ng malamig na tubig sa loob ng ref.

Lumagok muna ang Kuya Dante niya ng malamig na tubig bago nagsalita. "Ang init na pero nagkakape ka pa rin." Natatawang puna ng kanyang Kuya Dante sa kanya.

"Coffee is life kasi." Nakatawa rin na tugon ni Jeric sa kapatid.

"Sige, magbibigay ako ng ambag ko sa sahod tapos ikaw na lang ang bumili. Kahit ako na ang magkabit ng unit pagdating ko galling sa trabaho. Pang umaga naman ako this whole month kasi kailangan ko mag-supervise nung mga bagong pasok." Mahabang litany ng kanyang Kuya Dante.

Sasagot sana si Jeric subalit naputol iyon ng lumabas mula sa banyo ang kanyang pinsan na tanging pulang brief lang ang sout sa katawan. Ni hindi nakuhang magtapis nito para itago ang bumubukol nitong harapan. Napalunok siya ng makita ang halos hubad nitong katawan.

Napapanganga si Jeric habang pinakatitigan ang medyo basa pa na katawang-lupa ni Sherwin. Hindi alam ni Jeric kung nang-aakit lang ba ang pinsan niya o sadyang gusto lang nitong ibuyangyang ang mala-Adonis na katawan.

"Oy, maaga rin ba ang pasok mo ngayon, Sherwin?" Tanong ni Dante sa pinsan na nagpupunas ng basang katawan.

"Oo, Kuya. Asar nga eh, nga-ngayong hapon lang nag-inform." Yamot na sagot ni Sherwin sa pinsan.

"Naglaro ba kayo kanina?"

"Hindi naman, kaso dumaan pa kasi ako sa apartment ng girlfriend ko pagka-out ko kaninang 6am. Wala pa ako gaanong tulog eh." Nakangising paliwanag ng lalaki.

JericWhere stories live. Discover now