"Kung sinuman ang may lakas ng loob na ligawan ka apo, kailangan na dumaan muna sila sa 'kin hindi ba mga, Hijo?"
Sinulyapan ulit ni Señor Freigo sina Dario at Arnold na mabilis ang naging pagtango halata ang tensiyon sa mga mukha nila.

"Kaibigan ko lang po sila Señor!"
Mabilis na agap ko nang makuha ko ang pinupunto ni Señor Freigo habang pinagmamasdan sina Arnold at Dario at hindi ko alam kung bakit natawa si Señor Freigo dahil sa naging sagot ko.

"Ops, busted. Hahahaha!"
Nakanguso kong nilingon si Zendy dahil hindi ko alam kung nanunudyo ba ito sa kuya niya at kay Dario.

"Hindi pa handa ang anak ko dahil may hinihintay lang siya, 'di ba Carina, anak?" Tuksong singit ni nanay Carlotta at alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Sino po?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo kay nanay Carlotta bago sila tumingin sa 'kin.

"Oy, sino ang hinihintay mo huh?" Malisyusong tanong ni Zendy na lumapit pa talaga sa 'kin. Basta talaga tsismiss hindi papahuli itong kaibigan ko.

"Wala." Sagot ko pero hindi kumbinsido si Zendy.

"Hinihintay lang ng anak ko ang makapagtapos ng pag-aaral bago ang mga bagay na iyan." Wika ni nanay Carlotta pero hindi pa rin mawala ang mga ngiti nito sa labi habang sinasalinan ng juice sa baso si Señor Freigo.

Minsan na lang kung sumagi sa isip ko si Señorito Primo at 'yon ay kapag napapatingin ako sa picture niya na nakasabit pa rin sa pinto ng kaniyang kwarto hanggang ngayon. Mas marami ang oras ko sa eskwelahan at kapag wala namang pasok o 'di-kaya ay bakasyon ay sa Azìenda Agrìcola naman ako halos namamalagi.

Kapag kaarawan naman ni Señor Freigo na death anniversary rin ng ama at kakambal ni Señorito Primo ay pumupunta kami sa memorial garden para dumalaw sa mga puntod, simpleng salu-salo lang din ang nagaganap sa gabi na ang madalas imbitado ay ang pamilya nina Attorney Sebastian, sina Zendy.

Mas lalo akong naging abala sa mga dumating na buwan dahil malapit na ang graduation namin sa high school ni Zendy at kakatapos lang namin kumuha ng entrance exam para sa college sa Casa Internazionale Scoula.

Agricultural ang kukunin kong kurso sa college dahil na rin mas gusto kong matuto kung paano mangasiwa ng isang farm at kung paano magpalago ng mga tanim na gulay na isa sa mga hanap buhay ng mga tao rito sa Casa Bel Palazzo habang Business Administration naman ang kukunin ni Zendy dahil gusto niya rin iyon bukod sa may sariling negosyo ang pamilya nila sa ibat-ibang lugar.

"Nakakainis! Bakit sa gitna pa tayo ng field pinag-papraktis? Puwede namang sa gym na lang! Ang itim-itim ko na tuloy. Nakakahiya nang magmartsa sa graduation!" Iritang reklamo ni Zendy habang binukbuksan ang locker niya.

Kakatapos lang namin magpractice para sa graduation at ngayong araw ay sa field kami pinagpraktis dahil may mga tumatakas daw na estudyante kapag sa gym nagp-praktis.
Binuksan ko ang locker ko at nahulog mula sa loob ang sandamakmak na mga love letter at mga chocolate bar. Napangiwi na lang ako habang pinupulot ko ito at pati si Zendy ay tumulong na rin sa pag pulot dahil sa dami.

"Saan ba natin ito ipaglalalagay?"
Turan ni Zendy na pinupulot lang ang mga chocolate bar hindi ang mga love letters. "Akin na lang." Hindi ko na kailangan sumagot dahil lagi namang si Zendy ang nakikinabang sa mga pagkain na inilalagay sa loob ng locker ko nang kung mga sinuman. Si Zendy rin ang nagbabasa ng mga love letters, hindi naman sa hindi ako interesado, sadyang wala lang akong oras.

"Umabot na talaga sa mga college students ang ganda mo at kahit mga first year high school sinusulatan ka na rin. How to be you po?" Pabirong saad ni Zendy habang binabasa ang mga pangalan sa likod ng mga love letters. "Wala ka ba talagang sasagutin sa mga manliligaw mo?" Umiling agad ako sa tanong ni Zendy bago ibalik sa loob ng locker ko ang mga love letters habang akap-akap naman ni Zendy ang mga chocolate bar.
"May hinihintay ka lang talaga siguro." Dagdag nito.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Where stories live. Discover now