"Yeah right, Mom. I think frenny's have a feelings for her too..." mahinang sabi ko, nagulat naman siya.

"Really?" gulat na sabi ni Mom, tumango ako. "Omo, Son! That's a big problem!"

Hindi ako sumagot.

"How did you know, Son? Sinabi ba nila sa'yo?"

Umiling ako..

"The way they look at Tomboyish. I can see a stars, like the way I look at Tomboyish.." mahinang sabi ko, napasinghap naman si Mommy. "Mahirap. Mahirap, Mommy.. First time 'tong nangyari sa amin.. Magkagusto sa isang merlat, pag-aagawan at pag-aawayan.."

Hindi sumagot si Mommy at tinitigan lang ako, pinapakinggan ang mga sinasabi ko.. Sa paraan ng pagtingin sa akin niommy ay niyayakap niya ako at talagang gumiginhawa ang pakiramdamers ko.

"Anong magagawa ko, Mom? Na-fall agad ako sakaniya? Sabay pa kami ni Baklang Rc, sumabay din ang Alline.. Hindi ko alam kung ang Rj at Jona ay may gusto na rin sa Tomboyish." napapabuntong-hininga na sabi ko.

"Alam mo, Son. Gan'yan ang nangyari sa daddy mo nung highschools kami," mahinhin na kwento ni ni Mom. Sinarado ko naman na ang laptop ko at nakinig sakaniya.. "Your Tita Liny--Jonathan's mommy.. Do you know her naman, 'di ba?" tumango ako. "Ang Daddy mo, Daddy ni Rc at Daddy ni Jonathan ay nagkagusto kay Liny. Kinwento nila sa amin na mahirap na iisa lang ang babaeng gusto nila dahil hindi maiiwasang may masaktan sa kanila  kapag may sinagot si Liny sa kanilang tatlo.."

"Kinwento na nila Tita Liny at Tito Jonrenz,"

"Really? Pangalawa na ako, Son.. Kami ang magkakasama non, syempre ang daddy mo, nainlove sa akin.. Sa tinagal-tagal naming magkakasama, sa wakas! Nainlove din sa akin ang daddy mo,'yon nga. Nang magkatuluyan kami ni Daddy mo, nagpakasal kami at may nabuo ka at si Jomar Pilope.."

'Paano isang araw, makahanap ako ng merlat na gugustuhin ko din katulad ng daddy ko? Pano kung si Tomboyish ay hindi pala nararapat sa akin? Pero parang hindi ko kayang maghanap ng ibang merlat dahil gustong-gusto ko si Tomboyish..'

Napabuntong-hininga ako at ngumiti kay Mommy. "Akyat na ako, Mommy, goodnight!" ngiting sabi ko at kinuha ang laptop sabay akyat..

'Gusto ko ng umamin kay Tomboyish pero sobra akong naiilang sa pagtitig niya, para kasing gusto niyang alamin kung ano nga ang nasa isip ko, kitang-kita ko 'yon nung titigan niya si Rj. Para niyang binabasa ang nasa utak ng bakla, pa'no kung umamin ako at sabihin kong liligawan ko siya? Tapos titigan niya ako, masyadong nakakatakot ang tingin niya, hindi ko kayang tagalan,'

Halos nakatulugan ko ang sobrang pag-iisip.

Kinabukasan, hindi kami sabay-sabay nung mga bakla pumasok, siguro umuwi din sila sa mga parents nila.. Nakita ko palang sa front door, nakatayo ang Rc kasama ang Alline, pumunta ako don at ngumiti..

"Good morning, mga bakla," ngiting bati ko, ngumiti din sila.

"Good morning din!"

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon