{Chapter 39-Baka}

Start from the beginning
                                    

Sa unang litrato ay si skyler. Naka black jeans at white shirt siya habang may suot siyang gitara. Nakangiti ito kaya halos hindi na makita ang mata niya. Mukhang nasa 3rd year pa siya dito dahil iba ang idtilo ng buhok niya kaysa ngayon.

Sa ikalawang litrato ay kasama niya si xier at zack. Magkaka akbay silang tatlo at naka uniporme pa sila.

"Kailan ba kayo nagkakilalang tatlo?"-tanong ko habang pinagmamasdan ang litrato nilang magkakaibigan.

Sinulyapan ko siya sa aking likuran at medyo nagulat ng malapit pala siya sa gilid ko. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa litrato nila.

"We became friends when we were in elementary. Magkaka-klase kaming tatlo nuon. Nung una hindi pa namin napapansin ang isa't-isa. Si zack, palaging nasa unahan kasama ang mga libro niya. Si xier naman nasa likod at dun kinukulit ang mga kaklase namin kapag nagdi-discuss ang teacher namin kaya palagi siyang napapagalitan. At ako naman, nasa gilid para kahit matulog ako ay hindi ako makikita ng teacher namin."-natawa siya ng mahina ng sabihin yun.

"One day, our teacher group us at kung sineswerte ako sila pa ang nakasama ko."-sarkastiko niyang wika bago natawa. "Our task is to perform infront and sing our favorite song. Simula ng malaman naming hilig pala naming tumugtog ay nagsama na kaming tatlo at dun nagsimula ang pagkakaibigan namin. Tss, korni namin noh?"-natatawa niya akong sinulyapan.

"Korni niyo nga."-sang ayon ko at natawa kaming dalawa.

Natahimik kami ng mapatingin kami sa ikatlong larawan. Family picture nila yun at kitang kita ko pa ang batang skyler dun. Hindi ko maipag kakailang ang cute niya dun. Siguro nasa elementary pa siya rito.

Yun nga lang nakasimangot siya dun na parang inagawan ng candy. Ang pula ng pisngi at ang taba! Ang sarap niya sigurong kurutin. Tapos singkit na talaga ang mata niya duon. Maliban sa kaniya nakangiti na ang magulang at ate niya dun.

"Oh, masyado kang nawiwili sa picture kong yan ah."-puna niya ng mapansing nakangiti akong nakatitig sa litrato niya.

"Ang cute mo pala dito."-sabi ko ng hindi siya sinusulyapan.

"So ibig sabihin hindi ako cute ngayon ganon?"-nagsalubong ang kilay niya.

Mapang asar akong nag angat ng tingin sa kaniya. "Hindi na. Matanda ka na eh! Atleast dito sobrang cute mo. Pero ngayon, hindi ka na cute."-natatawa kong turo sa litrato niya.

Napasimangot naman siya pero kalauna'y napangisi na para bang may naisip na kalokohan.

"Nacu-cutan ka talaga diyan?"-tanong niya sabay nguso sa batang itsura niya. Kung kanina ay naiinis siya ngayon naman ay tila tuwang-tuwa.

Tumango naman ako. Hindi na lang pinapansin ang mapang asar niyang mukha. "Syempre, bata ka pa diyan eh at ibang iba pa lang itsura mo diyan."

"Ganon? Gusto mo buntisin kita para magka anak tayo ng ganyang ka-cute? Yung kamukhang kamukha ko?"-asar pa niya tapos nagtaas baba ng kilay.

Napangiwi naman ako at sinamaan siya ng tingin. "Gago!"-mura ko tas inirapan siya.

Kala ko kung ano ng sasabihin puro kabastusan lang pala. Loko siya. Pasalamat siya birthday niya ngayon baka bugbog sarado na siya pag nagkataon.

Humalakhak naman ang kumag kaya naningkit na naman ang mata niya.

"Seryoso mo talaga ano? Syempre hindi pa ako handang ikalat ang magandang lahi ko. Mahirap na."-yabang pa ng hudas.

"Kapal ng mukha mo talaga kahit kailan. At sino ka naman para pumayag akong buntisin mo ko?"-irap ko sa nakangising mukha niya.

Nakakabanas kahit kailan. Panira ng mood ang hudas na to.

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now