Idinipa niya ang isa niyang braso at umaaktong inaabot ako.

"Ikaw kasi, eh. Hindi mo dapat ginawa iyon." sabi ko sa kanya habang unti-unti na akong lumalapit sa kanya.

Nang maabot ako ni Code ay hinila niya ako paupo sa kanya at niyakap niya ang matitigas niyang braso sa tiyan ko at saka hinilig niya ang ulo niya sa likod ko.

Naglalambing na naman ang bokalista ng Downtown.

Napalunok ako nang may paramdaman akong matigas na bagay na tumutusok sa pang upo ko.
Code's morning wood.

Bumibilis na naman tuloy ang pintig ng puso ko at nagsisimulang dumaloy ang init sa buo kong katawan. Nananayo rin ang mga balahibo ko.

"Gusto ko lang naman ipaalam sa lahat kung gaano ako ka-proud sa iyo at gusto ko rin na malaman nila kung bakit ikaw ang pinili ko." aniya habang nakabaon pa rin ang mukha niya sa aking likod.

Tumagilid naman ako ng kaunti at inangkla ang braso ko balikat niya at saka sinuklay ang kanyang  magulong buhok. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang si Code na parang batang ibinaon naman ngayon ang mukha niya sa dibdib ko. I like it when we're just like this. Finding comfort in each other.

Katulad ng sinabi ni sir Gerry, pagbalik namin sa manila ay sa Rise Records agad kami nagtungo.

Bawat madaanan at masalubong naming empleyado ay magalang na bumabati, habang patungo kami sa conference hall, kung saan naghihintay roon ang bagong producer ng Downtown.

Hindi naman ako kabilang sa kanila, pero kinakabahan ako para sa kanila. Hindi ko alam kung bakit. May pakiramdam kasi ako na may something sa bago nilang producer.

Pagpasok namin sa loob ng hall ay naabutan naming nakapatay ang ilaw dito at nakabukas ang projector, nag piplay naman doon ang promotional video ng kasalukuyang album ng Downtown.

Hindi ko agad napansin na may tao pala sa harap. Napansin ko lamang ito nang makisig itong tumayo habang nakatalikod. Kagalang-galang ang suot nitong formal attire at ang buhok nito ay tuwid na hanggang balikat ang haba.

"We're here." pukaw ni sir Gerry dito.

Dahan-dahang humarap ang lalaking nasa unahan ng mahabang conference table at pagharap nito sa amin ay isang nakakakilabot na ngiti ang isinalubong nito sa amin.

Tsinito ang bagong producer ng Downtown. Napaka intimidating ng mukha nito, kahit pa mukha itong bata pa. Parang nasa twenty-eight to thirty years old pa lang yata siya. Hindi siya mukhang producer, mas mukha siyang artista dahil taglay din nito ang nakakahalinang mukha.

Downtown will be having a young and attractive producer. Siguradong makakakuha na naman ito ng atensyon sa mga fans nila.

Namulsa ito at dahan-dahang lumapit sa amin.

"Kanina ka pa ba?" tanong ni sir Gerry dito.

"Medyo. I'm watching the previews promotional video of the band. Inantok ako. It's so boring."

Hindi lang yata ako ang nagulat sa 'prankang' kumento nito. Nakita ko rin iyon sa mukha ni sir Gerry na napangiwi at hilaw na ngumiti, ngunit walang nagawang pagkontra.

"Boys, I would like you to meet your new music producer. Frazer Huang." pakilala ni sir Gerry.

"Nice to finally meet you all." nakangiting sabi naman nito at saka humalukipkip at tinignan isa-isa ang Downtown.

"The leader." anito habang nakatingin at nakangiti kay Chard.

"The drummer boy." si Ashton naman ang hinagod nito ng tingin.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora