WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME💯
I entered here in rpw 4months ago at wala pa akong nakaka Rs dito(edi sana ol)eh sa hindi ako marunong humarot eh..pano ba? Paturo naman?*~*
May mangilan ngilan rin naman akong nakakachat na lalaki pero yung iba snobber, pervert,tapos di nag o-online, meron pa yung umaasa ka na may magchat sayong r'pier rin pero arabo naman -_- meron din naman yung magandang kausap pero di rin sila nagtatagal kasi nga boring akong chat (edi wow) eh sa wala na akong maisip na topic eh
anyways nagbago ang lahat ng may magchat sa akin Nathan ang name niya crush ko rin yung nasa port niya si Bright(enebe)
"Hi" sabi niya inistalk ko siya newbie lang pala siya HAHAHA pwede ko siyang harutin hahaha joke hindi nga ako marunong diba?
"Hello and welcome" sagot ko
Mula sa hi hello na yan di nagtagal naging close kami akala ko mabobored lang siya sa akin eh.
Palagi siyang nag go-good morning sa akin, siya lagi yung nagfi-first move na ichat ako, tapos ang bait bait pa niya, tapos lagi siyang nagsesend ng vm niya sa akin ang deep ng voice niya (kyaaah i kennat)
Yawa malapit na rin akong mahulog sa kanya(wow selp rupok)
4 months na kaming magka chat ni nathan hanggang sa..
"Isla pwede ba kitang ligawan" ani niya hindi ko alam pero napangiti ako bigla nung sinabi niya yun pumayag ako at almost 3 months rin niya akong niligawan, araw araw bumabanat siya di nagtagal ay sinagot ko na rin siya tuwang tuwa siya nun at maging ako..
"I love you baby"
"I love you more" ani ko
1st monthsary
"Hey baby I love you stay strong kapit lang kahit rpw to, totoo ang feelings ko sayo I love you more than myself"
"I love you too baby ganun rin ako sayo ikaw ang first love ko"
Oo tama kayo ng basa first love ko siya kahit sa rpw ko lang siya nakilala
Sa totoo lang hindi ko pa nakikita mukha niya hindi pa siya nagsesend ng op niya sa akin at ganun rin naman ako sinusunod lang namin ang rules ng rpw pero gusto ko na talaga siyang makita bebe ko na siya pero hindi ko man lang alam ang mukha niya...
2nd monthsary
"Hey baby I still love you pls be with me forever happy 2nd monthsary baby I love you" ani niya
"I love you more baby and still I'm falling inlove with you 'til now happy 2nd monthsary" ani ko
"Baby?"
"Yes baby?" Ani niya
"Pwedeng mag send ka na ng op mo pls? Magsesend rin ako pls? I know the rules here but pls baby I want to see you At tsaka monthsary naman natin ngayon eh pls baby?" Ani ko
Pero ang tagal niyang mag reply ..
oras na ang lumipas..chat ako ng chat di pa rin siya nagrereply ano bang problema? Tanggap ko naman siya kahit ano pang makita ko eh ugali niya ang minahal ko at hindi ang mukha niya hayst!
"Baby pls?"
"Kung ayaw mo ok lang"Huling chat ko
At sa wakas nagreply na rin siya tae 3 oras ang lumipas ha?
"Baby, pag nagsend ba ako ng pic ko tatangapin mo pa ako?" Tanong niya
Malamang?
"Hindi ako kagwapuhan tulad ng mga crush mo, hind ako pogi kung ikukumpara ako kay bright 0% walang wala kumpara sa kanya o sa crush mo diyan sa rw"
"Baby kahit anong mangyari kahit ano pang itsura mo tanggap kita ikaw ang baby ko at tsaka ugali mo ang minahal ko" ani ko
Nauna akong nag send ng op
"Ang cute mo naman baby samantalang ako.."
"Hay naku baby..tama na ang pag dadrama mo I love you no matter what" ani ko.
Lumipas ang minuto nagsend na siya ng op niya..
"Diba sabi sayo baby hindi ako pogi"
Pango ang ilong niya, medyo chubby maraming pimples..medyo maitim at may malaking nunal sa chick
"Dahil nakita ko ang itsura mo.." ani ko
"Naturn off ka na sa akin? Ayos lang baby tanggap ko naman eh ayos lang rin kung iiwan mo na ako"
"Mas lalo kitang minahal baby..I love you more than anyone else" ani ko
"Talaga? Pero paano yung sasabihin nila sayo? Baka tuksuhin ka dahil sa akin? Baka ikahiya ako ng mga kaibigan mo? Baka di ako tanggapin nang parents mo? Ikaw ang ganda ganda mo samantalang ako napakapangit tapos ang taba taba"
"Baby mahal kita at lalo pa kitang mamahalin wala akong pakialam sa sasabihin ng iba o kina mama't papa basta ang mahalaga mahal kita"
"Naks naman baby I love you too salamat sa pagtanggap"
Lumipas ang 3rd 4th and 5th monthsary namin..di pa kami nakakapag video call..mahina kasi signal sa kanila eh..pero nagsesend naman siya ng pic niya at ng video niya pero mga 10seconds lang
Hanggang sa ika 6monthsary namin
"Baby nathan I still love you until now" ani ko
"Me too baby Isla"
"Baby pwede na ba tayong mag meet? Pls?"Ani ko
Magkalapit lang naman kami ng lungsod eh
3minutes bago siya nag reply
"Cge baby"
"Yes! This is it baby...hindi na ako makapag hintay na yakapin ka at kurot kurutin yang mataba mong pisngi love you" ani ko
This is the day hooo kinakabahan ako..magkikita kami ngayon dito sa amusement park
"Baby nasan ka na?" Tanong ko
"Malapit na baby anong kulay ng suot mo?" Tanong niya
"Plain Peach dress ani ko ikaw ba baby?"
"Naka black jacket ako, blue shirt"
Lumipas ang ilang minuto
"Baby wer na u?"
"Andito na"
"Huh? saan baby wala naman akong nakikitang chubby cute dito eh?"
"Sa likod mo"
Tumingin ako sa likod ko
Isang lalaking matangkad..katamtaman lang ang pangangatawan nakasumbrero at nakamask ng black naka yuko rin siya at may hawak na phone, tamang tama rin yung discription ng baby nathan ko sa suot nung lalaking yun
"Baby pinaglololoko mo ba ako? Di ka ba makakapunta?"
Medyo naiinis na rin ako..sabi niya andito na siya pero wala naman naghintay lang ako sa wala umasa pa naman ako hayst!
"Ayos lang baby aalis na lang ako" text ko medyo mangiyak ngiyak na rin ako. Nakakainis siya, Paasa
Nang biglang may yumakap sa akin habang nakatalikod
"I'm here baby I love you"
Huh? Unti unti akong lumingon sa lalaking yumakap sa akin binitawan niya ako at tsaka tinanggal niya ang mask niya shet ang pogi matangos ang ilong, maputi, makinis, may makapal na kilay, may magandang mata medyo kahawig niya si eunwoo pero wait di ko ipagpapalit baby ko hashtag loyal to
"Hoy bastos ka ah! S-sumbong kita sa baby ko! Parating na yun! Di porket gwapo ka ha?! Ipagpapalit ko na yun!" Ani ko
Natawa siya..ay taena ano usto niya sapakan? Wag ngayon pre badtrip ako.
Muli niya akong niyakap
"Ang kyut mo talaga baby happy 6th monthsary I love you"
Natulala ako sa sinabi niya..tae ang tangkad niya ang brode ng shoulders niya at ang bango niya
"Ako to si Nathan..ang tunay kong pangalan ay Calvin" sambit niya habang nakayakap ng mahigpit sa akin..sheems pinagtitinginan na kami dito ang daming tao
"Yung mga sinesend kong pictures sayo? Hindi ako yun, yung driver namin yun sinend ko lang yun sayo..para itest ka..kung kahit ganun kapangit ang itsura ko mamahalin mo pa rin ako?(ay jusku nilait yung driver eh no? O sige basa ka na) Ang inexpect ko nun iiwan mo ako pero nagkamali ako..mahal na mahal kita baby higit kanino pa man"
"Kainis ka namn eh! Di mo naman kailangang gawin yun para makita mong mahal na mahal kita at hindi kita iiwan" Mangiyak ngiyak kong sambit sabay hampas sa kanya
Pinusan niya ang luhang kanina pa pala tumutulo sa mata ko
"Sorry baby peace?"
Di ko siya pinansin pinunasan ko lang ang mga luha ko
"I love you baby" ani niya
Kainis siya di ko talaga siya matiis
"I love you more"
"Hahaha ang pandak mo pala baby" ani niya
Pinalo ko siya sa braso at sinamaan siya ng tingin
"Nakuha mo pang magbiro" ani ko
"Hahahaha baby, be with me forever I love you Elaine" huh? Pano niya nalaman real name ko? Tsaka ko na lang yun iisipin tiningnan ko siya sa mata
"Yes I'm yours forever" at muli ko siyang niyakap ng mahigpit
✒NeomA
KAMU SEDANG MEMBACA
One-shot stories
AcakMga storyang nagawa ko dahil sa kaboring-an.These stories are unedited so expect a lot of errors.Bear with me please
