Chapter 5: Under Our Flaming Skies

Zacznij od początku
                                    

"May mga bisita ba kayo mamaya?" tanong ng kanyang tita habang tinutulungan niya itong mag-asikaso ng mga ihahanda nila para sa pagsalubong sa bagong taon.

  "Meron po, ilang kaibigan lang. Pero si kuya sigurado kasama na naman yung mga kabanda niya na parang mga 'di naliligo."

  "Grabe ka naman sa mga kaibigan ng kuya mo, Scar, halika nga rito at pakihiwa 'tong sibuyas."

  "Joke lang naman po e. Ang totoo, crush ko yung isa sa kanila kaso may girlfriend na yata 'yon e," nakangiting paliwanag niya bago kinuha ang mga sibuyas sa plastic at sinimulan itong balatan.

  "Tigilan mo muna 'yang crush-crush na 'yan at napakabata mo pa. Paluin kita d'yan eh," natatawang biro sa kanya nito habang nakatuon ang atensyon sa nilulutong putahe.

"Tita naman e!"

  Hindi pa man siya nagtatagal sa ginagawa ay tumutulo na agad ang kanyang luha.

  Grabe, I really hate chopping onions!

  "O, bakit umiiyak ka?" bungad ng pinsang si Maica nang makita siya. Hindi niya agad napansin ang pagdating nito.

"Ikaw kaya magbalat nitong sibuyas, tignan ko kung 'di ka umiyak," naluluhang paliwanag niya sa pinsan.

  "Ayoko nga. Sa'yo inutos 'yan ni mama e. 'Di ba 'Ma!" Nginitian lamang ito ng ginang at nagpatuloy sa paghahalo sa malaking kaserola. Napakasarap ng amoy ng niluluto nito at talagang nakakagutom.

  "Para kanino 'yan?" tanong niya sa pinsan nang mapansing may itinatago itong kung ano sa likuran. Naaninag niya ng bahagya ang maayos na pagkakabalot nito.

  "Secret," sagot nito bago nakangiting umakyat ng hagdanan. Napanguso na lamang si Scar at hinayaan na lamang ito.

   Alam ko naman talaga kung ano 'yong tinatago niya.

*****

  Alas otso pasado na ng gabi nang dumating sila Nigiel at Mumoy sa kanila. Inimbita niya kasi ang mga ito para sa tradisyunal na pagsalubong sa bagong taon. Nakapagtatakang hindi nito kasama si Drei dahil inimbita niya rin ito. Hindi na lamang niya iyon nabanggit dahil mas inaalala niya kung bakit wala pa si Dante.

  "Bakit 'di n'yo siya kasama?" nag-aalalang tanong niya nang anyayahan ang mga itong maupo sa sala.

  "Sino? Si Andrei ba?" mapangbuskang sabi ni Mumoy habang hindi inaalis ang tingin sa pinipindot na cellphone.

  "Hindi siya!"

  "Ahh. Siya. Akala ko rin yung crush mong si Drei ang hinahanap mo eh. So, yung tahimik pala naming kaibigan ang tinutukoy mo. 'Wag kang mag-alala. Susunod 'yon," tugon naman ng palangiting si Nigiel.

  Napangiti na lamang si Scar at hinayaan na ang mga itong makisalamuha sa iba pa nilang mga bisita. Dumating na rin ang pinsan niyang si Maica kaya't ayos lang na iwan-iwanan niya ang mga ito.

  Ilang oras pa ang lumipas subalit wala pa rin kahit ang anino ng hinihintay.

   Nasan ka na ba, Dante? Ano pa bang ginagawa mo? Magagalit talaga 'ko sa'yo 'pag hindi ka nagpakita sa'kin ngayong araw na 'to.

Masayang nagkakantahan at nagkakatawanan na ang lahat ng mga oras na 'yon. Lahat, maliban sa kanya. Kung tutuusin siya dapat ang pinakamasaya sa araw na 'yon subalit hindi niya magawa sapagkat hindi pa dumarating ang pinakahihintay niyang bisita. Nagmukmok na lamang siya sa tapat ng gate habang patuloy na umaasang darating ito.

ScarredOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz