kringg kringg~~
sht! ano ba naman! kakatulog ko lang eh.
"ohh?"
"hoy san kana!? LATE kana!!" inempasize pa tlaga yung late duhh!
"kakatulog ko lang! bakit ba?" sagot ko habang nakapikit pa rin
"anong bakit! gaga ka ba?!" galit na talaga siya "ngayon darating yung bagong CEO! YOU MUST BE HERE, RIGHT NOW!" sigaw ni Lorain sa kabilang linya kaya nailayo ko kaagad ang phone sa tenga ko.
ghadddd!! I'm doomed! O.O
Pagtingin ko sa oras, its 7:40 am
"sht shit!" agad akong napabalikwas sa kama ko at muntik pa kong madapa dahil sumabit yung paa ko sa kumot. ang tanga ko!
Narining ko pang sumigaw si Lorain sa phone pero hindi ko na naintindihan. Agad akong pumasok sa banyo at naligo.
After 10 minutes naka labas nako "I'm fresh." sabi ko habang naglalakad papunta sa may closet. "Ang ganda ko na naman" I giggled facing the mirror haha. Parang hindi mala-late ah! Kumuha na ako ng masusuot ko. And guess what?.. naglabas ako ng marami at tiningnan ko pa sa salamin kung anong bagay suotin ngayon na magandang tingnan.
Kasi naman diba? ngayon darating yung bagong CEO ng companya kung saan ako nag wo-work. At talagang nakalimutan ko pa! aishh!
mga 4:30 na kasi ako nakatulog tinapos ko pa kasi yung pinagawang slides ni Miss J, yung secretary ng company. Oh dibaa sya yung secretary tas ako yung gumagawa ng trabaho niya. myghadd Cassie!
At yung slides na yun para sa presentation naming lahat ng kasama sa board meeting bukas. Oo, bukas pa naman pero kailangan ko kasing ibigay sa kanila ngayong araw. Hindi lang naman yun ang ginawa ko kaya inumaga ako. Nag TikTok kasi ako kagabi at halos dalawang oras yung practice ko isang video lang naman yung nagawa ko hihi. Kaya almost 2 am na ako nagsimula gumawa ng presentation.
Nakalimutan ko kasi na ngayong araw pala dating ng CEO namin. Chill chill lang ako kahit CEO na yun, at late nako!
Nakapili na ako ng susuotin ko at yun ay pair of pencil skirt at V-neck blouse with my coat. And hindi ako sanay mag skirt lagi kasi akong naka pants or slacks sa work, mas comfortable kasi ako dun. Lalo na't lagi akong tumatakbo, late kasi ako palagi haha.
Nag lagay na ako ng kunting make-up at syempre lipstick. Sinuklay ko narin yung basa ko pang buhok na medyo mahaba na. Baka tanghaliin akong dumating ron kung mag bo-blower pa ako at mag ponytail. Hayss ang galing ko talaga.
"maka baba na nga"
Chineck ko kung nakaalis na ba si mama at mukhang kanina pa nga. Kumuha ako ng bread sa may kusina may nakahanda na kasing breakfast at uminom na rin ng kunting gatas. Baka makatulog pa ako nito sa office. Lumabas na ako..
"Kuya alis na ko" sigaw ko ng makita si kuya sa may garden mukhang kakagising lang din.
Tumawa siya at sinabing "ang aga mo ah!" 8:30 na kasi.
"ako pa ba!" sabi ko at dimiretso na sa kotse ko.
15 minutes din yung binyahe ko papuntang company. At kapag minamalas ka nga naman hindi ko alam kung saan magpa-park.
"ang daming sasakyan! bakitt?"
Lorain calling~~
Sinagot ko naman agad "Simula na ba?" tanong ko
"oo, 1 hour late kana! San ka naba?"
"What!?" shocks patay ako nito "nandito pa ko sa parking, hindi ko alam san ipa-park to, bat ang daming sasakyan?" sabi ko habang naghahanap ng mapag parkingan
"Gurl maraming bisita si Mr. CEO. Halika kana bilisan mo at ikaw ang kulang sa pwesto niyo." parang pasigaw na pabulong na sabi niya.
"oo na!" sigaw ko
Parang ako pa tong galit, ako na nga tong late. aishh!
Pagkapark ko, tumakbo agad ako papuntang elevator to 5th floor, kung saan iniheld ang mini event ng pag welcome sa bagong CEO. Ewan ko ba bakit maraming bisita, dapat kasi before 8 nandito na ako..ehh kakagising ko palang nun! Di tuloy ako inform sa mga nangyayari. Instagram and Tiktok pa more Janelle! 8:40 raw nagsimula ang program, eh 8:50 na
10 minutes late na akooo. -_-
Lagot na naman ako kay Miss J.
Pagkababa ko sa elevator, lumiko aako agad papunta ron. Marami pa akong nakasalubong na new faces..hmmm
Itutulak ko na sana yung door ng mabunggo ako nito. bwiset push nakalagay dito sa labas bakit niya ipupush galing sa loob. Dapat pull, Ang bobo!!
Nakahawak parin ako sa noo ko nang lumabas yung lalake. Ang bango.
"Ano ba!" singhal ko
"Oh sorry! I didn't mean-" huminto siya pagka tingin niya sa akin
0.0 ganto yung mukha namin..
Sht!
It's Tristan! my Ex. Aba!!
Napatingin ako sa ID niya.. shockss Head Engineer! eh ano naman!?
"Sorry" sabi niya ulit
"Sinadya mo yata eh." sabi ko nalang habang papasok sa loob ng conference. Tinalikuran ko na sya, nakakahiya mukha pa naman akong tanga dun.
Hinanap ko pwesto ko at pasimpleng umupo don. Malaki kasi yung conference room namin parang isang malaking classmroom na puno ng eatudyante at may maliit na stage sa gitna. kung saan nakatayo si Mr.CEO, ang gwapo niya ^_^
Mukhang ang bata pa naman niya para maging isang CEO. Parang magka edad lang kami?. crush ko na siya, charoot!
Tumingin ako kay Miss J na nasa kabilang side. na sana hindi nalang ako tumingin!
Galit siyang tumitig sakin. huhu
Tumingin ulit ako sa harap at nagulat ng nakatingin sakin si Mr.CEO na nakangiti habang magsasalita. Ano nga bang sinasabi niya.? Baka napansin niya na kararating ko lang. Ano ba yan!
Nagulat ako ulit nang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko yung mabango, este si Tristan.
Nakatingin lang siya sa harap pagkaupo niya at nakinig.
Maya maya pa..
"You're late" bigla nyang sabi
Ako ba kausap niya?
Lumingon ako sa kanya, hindi naman siya nakatingin sakin kaya tumingin ako ulit sa ID niya. Head Engineer nga siya at sht dito sa kompanyang to! Dito!? Ibig sabihin magkasama na kami? Kaya ba magkatabi kami ngayon?
Lumingon ako sa iba pang mga kasama ko at oo nga mga head of every department ang mga kasama ko.
At pagkabalik ko ng tingin kay Tristan nakatingin na rin siya sakin. gulpp!
Tumaas yung kilay niya.
"so!?" sabi ko. Baka nga kasi ako yung kausap niya, kasi ako lang naman yung late tskk
"ahm just asking why were you late?" aba kung makatanong naman to, kala mo close kami?
oo close tayo DATI! dati yun dati.
"pakialam m0!?" striktang bulong ko habang nakatuon sa harap.
"ohh" tumingin rin siya sa harap "tinawag ka kasi kanina and you're not here"
WHATT!?? Lumingon ako sa kanya. Seryoso?
"Kate tawag ka ni Miss J" sabi ng nasa likuran ko, si Denise.
LAGOT NA!!
Btw, I am Janelle Kate Verde, that's my full name and I am the Head of Technology Department in the Company.
At katabi ko yung bagong Head Engineer?? Engr.Tristan Jace Ramirez, my EX.
Myghad cassie!
-----------------
*Avoid Plagiarism*
YOU ARE READING
The Serious One
RomanceJanelle Kate Verde, the Technology Head of the Department (L's Company) who is pretty, smart and the late comer. She always get scolded by Miss J, the secretary of the company. When the new CEO comes, there are also new faces comes and one of it is...
