"Ikaw susuyuin ko?" Tanong niya kaya tumango naman ako."tss.. pakamatay ka muna!"

Nag igting ang panga ako. Ano ang sabi niya? Pakamatay muna ako? Hindi ba ako mahalaga sa kaniya?

"Tsk! Kung saan saan na naman pupunta yang isipan mo.." aniya at lamapit sa akin.

Umusog ako nang maupo siya sa tabi ko. Napatingin ako sa kamay ko nang marahan niya itong inawakan.

"Oh bakit sinabi mong mag pakamatay ako? Hindi ba ako mahalaga sayo ay hahayaan mong mamatay ako?" Nakangusong tanong ko.

"Tss.. alam ko namang hindi mo yun magagawa" aniya.

"Pano ka nakakasiguro?"

"Edi gawin mo.." hamon niya sa akin

binalingan ko siya. Parang nagsisi ako nang mag salubong ang aming paningin. Ang kaniyang mapupungay na mga mata'y tili hinihigop ako nito.

"Tsk! Wag na.. maraming iiyak na  babae"

"Ano?" Agap niya at binitawan ang kamay ko..

Aha! Alam ko na kung paano ako makakabawi sa ginagawa niya. Kala mo hah.. I love you baby, pero kailangan kong bumawi.

"Oo, maraming mag luluksa pag nalamang wala na ang pinagpapantasyahan nila" sabay ngisi ko.

"Labas.." kalamadong saad niya.

Not now baby.. hindi mo ako madadaan ngayon sa mga ganiyang galawan mo.

"Inaantok ako.. baby" sabay hikab ko at nahiga.

"Labas.." ulit niya.

"Matutulog muna ako" saka bigla akong bumangon at hinatak siya pahiga.

Babangon sana siya nang hinigit ko ang bewang niya palapit sa akin. Tumalim ang ang timing niya ng tignan ko ang mukha niya.

"Babangon ka o tatalsik ka?" Banta niya sa akin.

Bumangon ako ng konti at inilapit ang bibig ko sa tenga niya. Naramdaman ko ang pag kabiglang kaya napangi ako tuloy.

"Wala sa pag pipilian.. baby" bulong ko sa kaniya at dinanpian ng halik  a leeg niya. Hindi siya gumalaw o nag salita. Muli akong nahiga sa tabi niya at hinalikan siya sa noo." I can't wait to bring you in altar.. baby" bulong ko at dinampian ng halik ang ilong niya.

Pinagmasdan ko lang siya na tahimik na naka tingin sa akin. Napangiti ako habang naiisip na mag lalakad siya sa altar kasama ang mga magulang niya at ibibigay sa akin ang kamay niya. Sabay naming sasabihin ang aming bow at iaanunsyong mag asawa na kami.

"Alam mo bang hindi  pumapasok ang demonyo sa simbahan?"

Napatigil ako sa pag iisip nag biglang siyang mag salita.natawa ako pero agad din yun napawi nang titigan niya ako ng masama.

"Wag kang mag alala.. mukha ka namang anghel.. baby" naka ngiting sabi ko at hinalikan ulit ang noo niya.  Diko alam kung bakit imbis na lagi niya ang halikan ko eh mas gusto kung halikan ang noo niya.

Ngayon nasa akin na siya wala na akong hihintayin pa. Gusto kong magsama na kami. Ayokong mawala pa siya ulit sa akin. Baka hindi ko na kaya pag nangyari pa yun.

Kinuha ko ang singsing sa bulsa ko at inangat ang kamay niya. Nagtataka niya akong tinignan sa ginawa ako. Ngumiti ako sa kaniya bago pinadaosdos ang singsing sa kaniyang kamay.

"Merry me.. baby" saad ko sabay halik ko sa  labi niya.

Nag bago ang ekspresyong ng kaniyang mukha habang naka tingin sa kaniyang kamay. Inilipat niya ang tingin niya sa akin bago bumangon.
Bumangon ako at niyakap ang kanyang bewang. Inilagay ko ang baba ko sa kaniyang balikat.

________________

Crystal Anne POV

Tulala pa rin ako habang nakatingin sa singsing na nasa kamay ko. Tahimik siyang nakahilig sa balikat ko na para bang hinihintay niya ang magiging reaksyon ko.

"You want me to be your wife?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kamay ko.

"Hmm.." tanging boses saka tumango sa balikat ko.

This is so fast. I don't know what to say.. my mind fly away. Tila tinakasan ako ng mga salita. Naka awang lang ang bibig ko at walang ni isang salita na lumalabas.

"I already told my parents about this" aniya.

"What they said?" Tanong ko.

"They will prepare our wedding...ang gusto ko makasal nantayo sa lalong madaling panahon"

Para akong nilubayan ng tapang ko. Kung kanina ay nagagawa ko pang maging sarkastiko sa kaniya, ngayon ay hindi na. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang maibibigay ko sa kaniya. Naiisip ko palang na malalagay ko sa manganig ang buhay niya ay gusto ko ng umatras.

"Alam mo naman diba kung ano ako?" Mahinang tanong ko.

"It doesn't matter to me if you are a mafia leader.. I love you and I want to be your side for the rest of my life baby"

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at pumayag ako sa gustong mangyari ni Geo. May parte sa akin na masaya dahil sa kabila ng nangyari sa amin ay mas pinili pa rin niyang makasama ako. May pangamba rin sa akin na baka madamay at mapahamak ko lang siya.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o karma ko na ito. Pero kung karma ng ito sa akin ay napakagandang karma naman ito para sa lahat ng nagawa ko.

____________________________
_______________________

She's a Secret Mafia LeaderOnde histórias criam vida. Descubra agora