Lumingon din siya ng konti sakin at ngumiti lang. ^___^

Biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hawak niya yung kamay ko o dahil nginitian niya ko ng matamis.

Ay, basta! Naging abnormal ang tibok ng puso ko.

Nang matapos ang kantang Ama Namin, bigla akong bumitaw sa kamay niya.

Then, nung magbigayan naman ng kapayapaan, kahit naiilang ako, humarap ako sa kanya. "Peace be with you." - sabi ko sa kanya

Di ako nakahuma nang bigla niyang inilapit ang mukha niya at hinalikan ako sa pisngi. "Peace be with you." - nakangiti niyang sabi sakin

Dahil nagulat ako at di inasahan yung ginawa niya, napatulala lang ako sa kanya.

Nang matauhan ako at magsink in sa isip ko yung ginawa niya, biglang nag-init ang mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya at humarap na sa altar.

(>/////////<) - ako

Waaahhhh! Bakit parang kinikilig ako? Bakit familiar itong nararamdaman ko ngayon?

Ganitung-ganito ang nangyari sakin noon nung una ko siyang makita at magkagusto sa kanya.

OH NO! IT CAN'T BE!

Hindi pwedeng bumalik ang nararamdaman ko sa kanya.

WAIT!

Nawala nga ba ang nararamdaman ko noon sa kanya? Aiiissshhh! Ewan!

Ayaw ko na ng ganitong pakiramdam dahil sa huli, ako rin naman ang masasaktan.

At ilang sandali pa ay natapos na rin ang misa. Lumabas na kami ng simbahan.

"Nag-enjoy ka ba?" (,^^) - nakangising tanong niya

"Nag-enjoy?"

"Oo. Dun sa misa. Hehehe! Nag-enjoy ako eh."

"Nag-enjoy ka? Bakit naman?" (.~~)?? - kunot-noong tanong ko

"Eh kasi nagawa kong hawakan at halikan ka kahit sa pisngi lang. Hehehe!"

Tumigil ako sa paglalakad at pinamaywangan siya. "Ah, ganun? So, nanantsing ka lang?"

"Well, you can say that. Dito lang kasi sa simbahan ang alam kong lugar na hindi mo ko masasapak at masusuntok kapag ginawa ko yun. Dahil sigurado ako, papalag ka kapag ginawa ko yun sa ibang lugar, diba? Nakakatakot ka kaya." - sabi niya sabay kamot sa ulo

BO Story ✅ (Available on DREAME)Where stories live. Discover now