NIC[3]

20.7K 343 43
                                    

A/N: This chapter is dedicated to you Ate Judy! Gaya ng ibang babaeng tumatawa at nahuhumaling sa kagwapuhan ng BO, masasabi kong isa rin ata siya sa kanila. :p Hahaha! Thank you for reading! ^___^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 3

LOU'S POV

Nakatayo ako ngayon dito sa harap ng retaurant nina Ninang. Okay, to be specific, sa restaurant ng mga Mijares. In short, makikita ko na naman ang nakakainis na gwapong pagmumukha ni Nic.

Arrrrgggggghhhh! >.<

Di ba ang sabi nila, sa bawat kasalanang ginagawa ng isang tao sa kapwa niya, may katapat na karma yun? May malaking kasalanan sakin ang gagong yun!

AT HUWAG NYONG SASABIHIN SAKIN NA BAD KARMA NA NIYA ANG PAGIGING BABAERO NIYA!

 


Mas matatanggap ko pa kung naging bakla siya, nadislocate ang mukha niya, bumaho ang kili-kili niya, naging patay ang lahat ng kuko niya o kahit man lang nabura ang gwapo niyang mukha!

Kaso hindi eh! Ang tanging nagiging karma lang niya ay sampal at batok mula sa mga girlfriends niya! Ni wala man lang nangiming bugbugin siya hanggang sa walang makakilala sa gwapo niyang mukha! It's so unfair, diba?! ~_____~+++

Gusto nyo bang malaman kung saan ang puno't dulo ng pagkainis ko sa Nic Mijares na yun? Sige, ikukwento ko. Nagsimula lang naman kasi ang inis ko sa kanya nung high school pa lang kami.

- FLASH BACK -

Transferee first year student ako sa ****** International High School. Second grading period na nang mapagpasyahan ng parents ko na ilipat ako.

Nakaupo ako sa isa mga upuan dito sa student lounge at pinagmamasdan ang picture ni Nic. Schoolmate ko lang siya dahil ahead siya sakin ng one year.

Aaminin ko, noong una ko siyang makita, nagkacrush na ko sa kanya. Anak siya ni Ninang Nica. At doon ako sa kanilang bahay tumutuloy pansamantala habang inaayos pa yung bahay namin.

Ang gwapo niya kasi. Waaaahhhh! Nakakatulala ang kagwapuhan niya! At nakakamatay ang mga titig niya! Waaaahhhh! Nakakamatay sa kilig! ^/////^

"Lou."

Napatuwid ako ng upo nang marinig ang tinig na yun.

"Lou..."

Ayyyiiieee! Kinikilig ako. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ko sa pangalan ko. >////<

BO Story ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon