NIC[5]

17.6K 282 32
                                    

A/N: Dahil na-cute-tan ka kay Nic and you already love him gaya ng sabi mo sa previous chapter, this chapter is dedicated to you Ate danix22! Thanks for reading! ^___^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 5

LOU'S POV

 

"HOY! Saan mo ba ako dadalhin?!" - sigaw ko kay Nic nung hinahatak niya yung kamay ko

"Dadalhin kita sa lugar na mananahimik ka." - sabi niya nang hindi lumilingon sakin

WHAT? SAAN DAW?

"Ano?! Dadalhin mo ko sa sementeryo?!" (o___0) - ako

Tumigil siya sa paghatak sakin at tiningnan ako na para bang napakaimposible ng sinabi ko.

"Are you out of your mind? Wala sa listahan ko ang sementeryo sa dating places ko." (=____=)

"Malay ko ba na hindi pala iyon yung lugar na iniisip mo. Iyon lang ang alam kong lugar na ikatatahimik ko."

"Wala ka kayang pinipiling lugar ng katahimikan mo. Besides, kapag doon kita dinala sa sementeryo, baka biglang bumangon yung mga bangkay at hindi matahimik ang mga kaluluwa nila dahil sa presensiya mo."

"GUSTO MONG MASUNTOK?" (~___~)!!!

"Ayaw ko nga. Di pa kaya nakakarecover ang panga ko sa suntok mo kahapon. Tsk. Tara na nga." - sabi na lang niya at muling hinatak ang kamay ko

Ang weird. No. Ang gago ng lalaking ito.

[After a few minutes......]

(0_________0)

Nanlaki talaga ang mata ko nang makita ko kung saan ako dinala ni Nic.

Di-makapaniwalang-look ang ibinigay ko sa kanya nang nilingon niya ko at ngumiti sakin.

Ang lugar na ito ang pipiliin ng isang chicboy na katulad ni NICANOR MIJARES para sa isang DATE? Weehhh? Di nga?

"Hoy! Kung makatingin ka akala mo napakaimposible kong makapunta dito."

"Napakaimposible naman talaga ahhh? Ikaw? Sa simbahan ang pipiliin mong dating place? Baka masunog ka diyan kapag pumasok ka." - pang-aasar ko

BO Story ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon