"Well, sorry to disappoint you. Nakailang beses na kong labas-masok ng simbahan at hindi pa naman ako nasusunog. So meaning, hindi pa ko ganun kasama para sunugin ang kaluluwa ko." - nakangisi ng nakakalokong sabi niya

Eh di siya na! Pssshhh!

"Anong gagawin natin dito?" - tanong ko

"Tara magshopping. Iyon ang bago at idinagdag ng Katolikong Simbahan para magawa dito." (-____-) - pamimilosopo niya

"Huwag mo kong pilosopohin. Ang akala ko kasi....."

"Akala mo ano? Na magpapakasal na tayo? Tsk. You should know me better."

"Wow lang ha? Hanep! Taas ng confidence natin, ahh? Bago mo isiping magpapakasal tayo, isipin mo muna kung papayag akong magpakasal sayo, no? Mukha nito!" - naasar kong sabi dahil sa kapreskuhan niya

"Gwapo. At di ko na kailangan pang isipin na papayag ka ba o hindi dahil di naman kita tatanungin. Hindi kita bibigyan ng chance na tumanggi, no? Hahaha!"

"Sabihin mo nga. Dito mo rin ba dinadala ang mga babae mo? Dito rin ba sa simbahan ang dating place nyo?" - tanong ko na lang kaysa patulan pa ang kayabangan niya

"Never akong nagdala ng BABAE KO dito sa simbahan. IKAW PA LANG. Dahil nangako ako sa sarili ko na ang babaeng isasama ko sa simbahan ay ang BABAENG MAKAKASAMA KO NA HABANG-BUHAY." - nakangising sabi niya sabay kindat sakin

OH, C'MON! Si Nic ang nagsabi sakin niyan? Hindi ako kinikilig! Hindi talaga!

Ang sarap burahin ng ngisi niya at dukutin ng mga mata niya!

"Tara na ngang pumasok sa simbahan nang malinis na yang madumi mong kaluluwa at mabawasan ang kayabangan, kagaguhan at kasalanan mo." - sabi ko na lang at hinatak na siya papasok

"Okay. Para manahimik ka na rin at magmukha kang anghel sa paningin ko."

ABA TALAGA NAMAN! ANONG TINGIN NIYA SAKIN KAPAG MAINGAY?! DEMONYA?! PSSSHHHH! >___<

Hindi ko na siya nagawang pagsalitaan ng masama dahil nandito na kami sa entrance ng simbahan at nagsisimula ng magsermon yung pari.

Pumuwesto kami sa bandang dulo at magkatabing naupo. Nakinig lang kami sa misa.

Malamang, ano? Alangan namang makipagkwentuhan kami? Pssshhh! -____-

Tapos nung bandang kakantahin na namin yung Ama Namin, naghawak-hawak kami nung kamay.

Ewan ko ba. Bigla akong nailang hawakan yung nakalahad na kaliwang kamay ni Nic.

Nang magdaop ang aming mga palad, bahagya ko siyang nilingon nang hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwang kamay ko.

BO Story ✅ (Available on DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon