"At ano naman ang inistory niya?" nanggagalaiti ko naman tanong sa kanila dahil bakit kailangan dalawa lang kami ang iistory niya?

Binuksan naman ni Ramon ang cellphone niya at tila sinearch ang pangalan ni Blake at pinakita sakin ang story nito sa instagram.

Ganun na lamang nanlaki ang mata ko sa kanyang story ng makita ito. Lima kami sa picture pero halatang samin lang naka zoom ni Blake, nakasimangot at magkakrus ang mga braso ko sa 'king dibdib at si Blake nama'y ang kamay ay nasa aming likuran at ngiting-ngiti ang loko. Mayroong pang caption sa gilid ng picture na "Miss Sungit".

Muntik ko ng mabagsak ang cellphone ni Ramon at buti na lang ay agad niyang nasalo kaya medyo binungangaan niya pa ko na kakabigay lang daw sa kanya 'non.

Gusto kong sugurin sa classroom niya itong si Blake at kwestiyunun kung bakit niya ginawa yun at baka lalong lumala ang mga chismis sa page ng school dahil sa ginawa niya. Ngunit bago pa 'man ako manugod ay  dumating ang teacher namin at agad na 'nagturo.

Mabilis na lumipas ang oras at pagdidiscuss sa araw na 'yon, kaya naman etong mga katabi ko ay tila mga excited dahil breaktime na at gutom na raw sila.

Ako naman ay kanina pa tulala dahil sa pinaggagagawa ng Blake na 'yon. Bat kailangan niya pang iistory ang mukha naming dalawa? Pwede namang ibang babae na lang jan.

Masayang masaya ang tatlo habang papunta kami sa cafeteria at ako naman ay nakabusangot lamang ang mukhang nakasunod sa 'kanila. May ibang nagtitinginan at nagbubulungan habang naglalakad kami at ako naman'y medyo nahiya sa nangyari ngunit agad nawala ang kahihiyan ng nilagay ni Alma ang kanyang mga braso sa braso ko at sinabayan ang paglalakad ko, ga'non na rin ang ginawa nitong si Ramon at Lili na kala mo'y naghahamon ng sabunutan ang sino mang sumugod na fans ni Blake 'sakin. I so love my bestfriends.

"Kung makatingin naman tong mga 'to ay kala mo'y tila mga artista ang
lalakad sa harapan nila ngayon. HOY kami lang to oh" mataray at medyo natatawang sabi ni Ramon ngunit samin lamang sinabi. Nagtawanan naman kaming tatlo sa sinabi at inasta nito at tuluyan ng pumila para bumili ng pagkain.

Pagkaupo pa lang 'kung saan madalas kaming pumwestong apat sa cafeteriang ito ay narinig na namin ang bulung bulungan.

"Sus! Lumalapit lang din naman yan kay Blake para sumikat! Psh!" halos hindi ko makain ang mga pagkaing nasa harap ko dahil sa mga bulung-bulungan na naririnig ko. Alam kong para sakin yun.

Akmang tatayo na sana si Ramon para sugudin ang mga nagbubulong-bulungan ng pigilan ko siya sa kamay.

"It's okay. Hayaan na natin, at wag patulan" medyo nalulungkot kong sinabi.

"Aba! Hindi ko masisikmurang pinag-uusapan nila ang bestfriend ko. Tsaka hindi totoo ang mga sinasabi nila. Wala silang karapatang sabihin yun 'sayo." Halos lumuwa na ang kanyang mata kakairap habang sinasabi 'iyon.

"Hayaan mo na tsaka okay lang naman ako." napabalik naman siya sa upuan niya ng sinabi ko yun at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Habang kumakain at nagkukwentuhan kami ay maya maya'y may nagkagulo sa papasok sa pinto ng cafeteria kaya naman kaming apat ay natuon ang pansin doon. Iniluwa nito ang tatlong lalaki na kala mo'y walang tao sa paligid nila at naglalakad.

Sa kamalas-malasan nga naman. Siniko ako ni Alma na parang sinasabi na nandiyan si Blake pati ang dalawa nitong kaibigan. Inismiran ko lamang siya at nagpatuloy sa pagkain at nagpanggap na normal lang ang lahat. Kahit na sa loob ng utak ko ay sinisigaw-sigawan ko na yang Blake na 'yan.

Dumiretso sa bilihan ang tatlo at mukhang kakain din ata. Habang kami namang apat ay tahimik lang na kumakain at pinanlakihan ko ng mata si Ramon dahil sa bulung-bulungan at titig 'samin ng nasa loob ng cafeteria at alam kong marami nanaman tong sasabihin at ayoko ng lumala ang issue.

"May quiz tayo mamaya sa Science, kinakabahan ako dahil alam niyo namang iyon ang kahinaan ko." kwento ni Ramon at normal namang kumakain na tila walang tumititig 'samin.

"We still have 30 minutes, pagkatapos kumain ay pwede pa tayong mag-aral" sagot ni Lili na nasa harapan ko na patulo'y pa ring kumakain. So cute talaga!

Habang patuloy sa pagkain ay nararamdaman ko na mukhang papalapit 'samin ang tatlo at ayoko ituon doon ang pansin ko kaya naman inilabas ko na lang ang libro ko sa Science para magbasa dahil tapos na 'kong kumain. Nakita ko sa gilid ng aking mata na umupo ang tatlo sa katabing lamesa namin kaya mas lalong umusbong ang kaba sa aking dibdib na kanina ko pa pinipigilan. KAINIS.

Inilabas rin ng tatlo ang kanilang mga libro na siguro'y mag-aaral rin. Itinuon ko sa libro ang mata ko pero ang utak ko mismo ang ayaw makisama. Pleaseee!

"Kaya mo yan Ramona! Ano ka ba." pangchi-cheer ni Lili kay Ramon na kanina pa kinakabahan dahil kahinaan niya ang Science. Tinawanan ko na lang sila at sumang-ayon sa sinabi ni Lili.

"A-huh! You can do it Ramona!" pangchi-cheer ko din sa kanila na ikinatawa naming apat dahil inartehan ko ang salita para maibsan ang kaba ni Ramon.

Naramdaman ko naman na may tumatawa din sa katabi naming 'lamesa pero hindi ko doon itinuon ang pansin at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa.

"Hay sana talaga hindi ako bumagsak dito sa quiz natin huhu! nasisira ang beauty ko" natawa ako nung sinabi iyon ni Ramon na 'tila pinupunasan ang mata kahit wala naman luha.

Patulo'y ako sa pagbasa pero tila'y lumulutang talaga ang utak ko. Hindi ko maintindihan! Hanggang sa nagring na ang bell, hudyat na tapos na ang breaktime ay wala akong masyadong naunawaan sa librong kanina ko pa binabasa. At ng patayo na ko ay may humila sa braso ko kaya naman nasubsob ako sa kanyang dibdib at agad na nalanghap ang kanyang pabango na agad dumaloy sa mga sistema ko. Ang bango. Shet.

"What are you doing" mahina ngunit madiin kong 'tanong kay Blake na humila sa'kin. Ngunit mapang-asar na 'ngiti lang ang ginawad niya sakin. Agad kong binawi ang braso ko sa kanyang pagkakahawak pero bigla niya kong hinila ulit at mas lalo akong nagulat dahil hinila niya ko papalabas ng cafeteria at dinala sa isang sulok na wala masyadong tao.


"What the hell are you doing?" hindi ko na maiwasang isigaw sa kanya yun dala ng inis.


"Chill,masyado ka namang highblood" sabi niya na tila nang-aasar pa rin.


"Panong hindi inistory mo lang naman ang litrato 'nating dalawa, syempre anong iisipin ng mga tao? Tsaka bakit mo ba ginagawa yun? Ilang beses ko pa bang uulitin sayo na hindi nga ko tulad ng ibang babae jan ha?" pagalit at halos isigaw ko na sa mukha niya yun. Bigla naman sumeryoso ang mga mukha niya pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi at hindi inaalis ang mga titig 'sakin kaya naman medyo nailang ako sa mga titig niyang yun.

"Ano ha? Tsaka bakit ako pa ang kailangan mong iistory? Ayoko ng issue pwede ba?" galit ko paring saad sa kanya at lalong pang nagalit dahil ayaw niya magsalita.

"Ano? Ba't ayaw mong magsalita ha? Bakit ako-"


"Dahil tama ka nga! Hindi ka kagaya ng ibang babae jan!"

BituinWhere stories live. Discover now