Chapter 9: Meet them...

5.5K 188 7
                                    

Chapter 9: Meet them…

A/N: Hehehe dedicated sayo, @jhoroncute, kasi…. Ayon sayo cute ka. Kaya ayan. Hehehe… Anyways, new ud to so don’t forget to comment and vote pamore!!

Note nga pala: Since nag-ask ako ng names mula sa inyo, mamaya may new characters na kaya abangan niyo na yung mga names na pinost niyo ha? Hihihi… Good luck dun sa mga mapipili. Dun sa hindi pa, wait kayo sa next chaps ^_^

Anneka’s POV

Nakita kong nakaluhod si Joaqui sa harap ng isang taong naka-itim na robe. Nakita kong parang nagmamakaawa si Joaqui, pero simpleng nakatayo lang ito sa harap niya na tila hindi siya pinapakinggan.

“Joaqui!!! Wag mong gawin yan!” Nakarinig pa ako ng isang boses kaya bigla akong napalingon sa pinagmulan nun. May babae dung umiiyak habang sinusubukang makatakas mula sa mga humahawak sa kanya pero wala siyang magawa. Mukhang sobrang lakas nung mga nakahawak sa kanya.

Te-teka lang! Kilala niya si Joaqui? Sabi ko na nga ba may iba tong si Joaqui at talagang kung ano pa tawag ko kay Joaqui eh ginaya din niya. Tinignan kong mabuti yung babae kung mas maganda ba siya kesa sakin. O_O

Ba-bakit kamukhang kamukha ko yung babaeng yun? Imposibleng maging ako yun dahil nandito nga ako at nanonood sa mga nangyayari.

“Anneka, everything’s gonna be fine. Just let me do this and stay calm.” Narinig kong sabi ni Joaqui sa babae. So a-ako nga yun! Eh kung ako yun bakit nakatayo ako dito at nakikita ang lahat ng to? Lumapit ako dun sa mga humahawak sa sarili ko.

“Mga kuya, pakawalan niyo naman po ang sarili ko! Kawawa naman po ako oh! Naiyak na me.” Pero parang wala lang silang narinig.

“Yuuhooo mga kuya! Pansinin niyo naman ako!” Winave ko ang kamay ko sa kanila pero wala pa rin.

Hindi nila ako nakikita? Panong nangyari yun?

“I’m begging you, don’t kill her. Let her go. You can take my life, I don’t care! As long as she will be safe.” Anu daw? Sinasacrifice ba ni Joaqui ang sarili niya? No way!

“So, the prince is now begging me to spare a girl? How pathetic of you! That girl’s not even worth it!” Sabi nung nakarobe. So babae pala siya? Ang ganda naman niya.

“Call me pathetic or whatever you want. As if I still care! Just let her go. She is more worth it than my life.” Ngumiti ng masama ang nakarobe na babae. Biglang sumama ang pakiramdam ko sa ngiti niyang yun.

Dali dali akong pumunta kay Joaqui. “Wag kang magpaloko sa kanya, Joaqui! Gumising ka nga! Nahihibang ka na para magpakamatay para sa sarili kong yan! Di naman ako yan eh! Eto ako oh!” Sabi ko pero kahit ang lapit lapit ko na sa kanya, wala pa rin. Hindi niya ako marinig.

“Ok, as you wish, I’ll spare the girl…” Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Joaqui pero seryoso pa rin ang mukha niya.

*Evil Smirk* But before I do, I’ll kill you in front of her! Hahahaha!” Wala pang ilang sandali ay bigla niyang dinukot ang puso ni Joaqui. Nabigla ako sa ginawa niya.

“HIIINNNNDDDIIIIII!!!!!” Huling nasabi ko habang umiiyak ako. Biglang yumanig ang paligid ko hanggang sa tuluyang nagdilim ang buong paligid.

My Vampire HusbandWhere stories live. Discover now