Ano nga ba ang Programming?
Ang programming sa pinadaling salita
Ang Programming ay proseso ng pag-isip kung paano masosolusyunan ang isang problema. Katulad ito ng pag-isip kung paano mo sasagutan ang iyong takdang aralin, paano mo liligawan ang iyong minamahal, o kaya naman paano mo maitatawid ang kinabukasan. Ang konsepto nito ay madalas nating nakikita o ginagawa sa ating pamumuhay ngunit hindi natin ito napapansin.
Halimbawa, Inutusan ka na magsaing.
Pag-isip palamang kung paano ito gagawin ay isa nang proseso. Yung iba sa atin ay kusa ng gagalaw sapagkat alam na ang pagkasunod-sunod kung paano mag-saing.
Una, magtatakal ka ng bigas depende sa bilang ng binigay sayo at ilalagay mo ito sa kaldero.Ikalawa, huhugasan ang bigas ng dalawang beses, at saka muling lalagyan ng tubig.Sumunod ay isasalang mo na ito.At Pagkatapos ay ihahain mo na ito.
Ang tawag naman sa pagkasunod-sunod na ito ay Algorithm.
Ang Algorithm ay kung paano ang pagkasunod-sunod ng iyong program.
Halimbawa ang program ay "Magsaing". Ang nabangit kanina ay ang pagkasunod-sunod nito.
Ang isang kumpletong program ay may tatlong bahagi. Ang Input, process o proseso, at Output.
Sa Mag-saing Program.
Ang Input mo, ay ang bigas at tubig.Ang proseso ay kung paano ang bigas at tubig ay maging kanin.At ang output ay ang kanin na maiihain.
Ano naman ang kaldero at pantakal?
Ito ay mga lalagyan,katumbas nito ay Variables sa konsepto ng programming.
Subalit, paano kapag nagkaproblema sa iyong program? Imbis na kanin ay lugaw ang kinalabasan, o kaya nasunog naman ito. Ang termino naman para dito ay Errors o Bugs.
Ngayon naman iisipin mo kung ano ang mali at saan ka nagkamali upang masolusyunan naman iton. Ang tawag naman doon ay Debugging. Marahil napasobra ang tubig o nagkulang ka naman.
Natutunan mo na ang mga pangunahing termino na ginagamit sa programming. Muli, magbalik-tanaw tayo kung tunay ngang natutuhan mo na.
Programming - proseso ng pag-isip kung paano masolusyunan ang isang problema.
Algorithm - ang pagkasunod-sunod ng proseso ng iyong program
Program -instruksiyon kung paano masolusyunan o gawin ang isang bagay
Variable - lalagyan ng data
Errors o Bugs - problema sa program
Debugging - paghahanap at pagsolusyon sa problema ng program
Ito ang Programming sa pinadaling salita.
YOU ARE READING
Ano ang Programming?
HumorAno nga ba ang programming? Mahirap ba ito ? Kaya ko ba ito? Pwede ba ito sa lahat? Ako nga pala si Hugo, at ibabahagi ko ang aking karanasan sa mundo ng programming.
