1 : The Scheme

55.1K 1K 90
                                    


🎶 Sa'n darating ang mga salita

-----

Marian

Nagtapos ako sa isang sikat na unibersidad gamit iyung perang inipon para sa akin ni mama. Wala akong kinilalang ama dahil nabuntis si mama sa pagkadalaga.

Naging mahirap ang buhay ko. Halos gumapang na ako para lang mapagkasya ang pera ko sa pang-araw araw.

Nakuntento ako sa kung anong meron ako. Dumating din ako sa punto na ang hirap ngumiti dahil sobrang bigat na ng pakiramdam ko.

" Ano na Aria, magiging mahirap ka na lang ba hanggang sa mamatay ka?" Wika ko sa aking sarili habang pinupulot lahat ng nagkalat na damit ng mga dugyot na tao at isa isang inilalagay sa hawak kong housekeeping basket.

Kailangan kong linisan iyung kuwarto bago dumating iyung bagong magchecheck in dito. Ang sabi sa akin may ari daw ng hotel ang nakatira dito pero wala akong pakialam. Tao siya, tao din naman ako ah. Anong pinagkaiba namin? Bago palang ako sa hotel na 'to kaya may mga bagay pa akong kailangang matutunan. Kakapasok ko lang kase last week. Paminsan minsan naman ay may nag-aasist sa akin pero madalas ay wala. Busy kase lahat ng tao dito. Malaki iyung hotel kaya madaming pumapasok at lumalabas na cliente nila.

The hotel is owned by Matthew Sebastian Hans, the youngest son of Gregory Savier Hans. Madalas ang tawag sa kaniya ay Sir Seb ng mga emplayado na nakakasalamuha ko. They have described him to be a notorious playboy. Typical naman na iyun sa mga mayayaman, wala ng bago. Kesyo siya daw iyung nagpapalit ng gf halos linggo linggo. Malakas ang sex appeal at sobrang guwapo.

Pero para sa akin, walang guwapo at mayaman sa lahing maitim ang budhi. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Kinagat ko lang naman ang trabahong ito dahil sa wala na akong choice. Hindi ako tinanggap sa unang hotel na pinag-aplayan ko. After failure to be accepted in that hotel, I tried my luck here and was hired immediately. It's the most talked hotel in Metro Manila. Sino pa ang tatanggi?

Mabilis na linis ang ginawa ko sa banyo ng kuwarto. Medyo natagalan ako kase ang laki at malawak iyung kuwarto parang ito ata iyung pinakamalawak sa lahat ng nalinisan ko na.

I was still busy cleaning the bathroom when I heard giggles and moans coming from outside.

Literal akong napamura at masbinilisan ang ginagawa.

" Oh Seb ahh" Oh shit!

Kinuha ko iyung laundry basket at lumabas na. Dibale ng makita nila ako basta makalabas lang ako dito. Hihingi nalang ako ng paumanhin.

Nilakasan ko ang loob ko at lumabas ng banyo habang hawak hawak ko iyung basket.

The couple immediately stopped what they are doing. Iyung babae ay mataray na tumingin sa akin. Tumingin ako dito at nakita ko iyung pudpod na niyang labi at nagkalat niyang pulang lipstick na sobrang pangit tignan.

" Who are you? Ba't ka pa andito? Hindi ka ba sinabihan ng manager mo na may VIP na darating" Pakialam ko ba sa 'yong VIP ka! Gustong gusto ko siyang sigawan.

" Sorry po ma'am. Patapos na po sana ako ng dumating kayo. Paumanhin po ulit sir, ma'am" Hingi ko ng tawad. Wala naman akong choice. Sila ang boss, ako'y isang housekeeper lamang. Pero kahit ganon ay wala silang karapatang maliitin ako bilang tao.

" Anong sorry! You obviously disturbed us! Babe look at this! Please tanggalin mo na 'to. Hindi marunong" Wika pa nung babae sa kaniya habang nakatingin sa akin na para bang isa akong basura sa harapan niya.

Midnight NegotiationsWhere stories live. Discover now