"Bahala siya at wala rin akong oras panoorin siya noh." sabi ko din at tinarayan siya.

"Alam niyo kayong dalawa kada mag-uusap hindi pwedeng hindi tatarayan!" sabi ni Alma na ikinatawa naming apat.

Si Alma ang pinaka nanay sa aming apat dahil siya madalas ang nagbabalanse sa aming magtotropa. Siya ang magsasabi kung minsan mali na ang mga ginagawa namin, madalas siyang tahimik pero masiyahin siya. Si Lili naman ang pinaka baby 'samin, dahil bukod sa minsa'y hindi niya kami maintindihan dahil sa kanyang ka inosentehan ay siya ang pinaka soft saming lahat. She's so pure and precious at handa akong makipag tarayan sa lahat ng mang-aapi sa kanya. Eto namang si Ramon ang tatay pero dahil hindi siya papayag doon, siya ang pangalawang nanay. Nakakatawa palagi at handang mapalayas sa bahay nila dahil kahit na gabi ay pupuntahan ka niya para lang damayan ka sa problema mo. Grade 11 na kami at grade 7 naman nung una kaming nagkakilalang apat.

Sa madaling salita hindi kami basta 'bastang magkakaibigan, Pamilya kami! Pamilya ang turing namin sa isa't isa.

At heto ako ngayon hila ni Ramona papunta sa gymnasium para di umano'y mapanood ko raw ang kanyang papi at mabighani rin daw ako sa kagalingan nito sa larangan ng pag-awit.

Madaming tao sa loob ng gym na kala mo'y artista talaga ang kakanta. Karamihan babae at nagsisitilian.
Madami ring may dalang lobo at banner.

At eto namang si Ramona ay nag-uumpisa na ring maki-tili at nagtatatalon na.

Kami namang tatlo ay nakatingin at tinatawanan lang siya at walang interes sa nangyayari sa paligid.

Nang magsimulang kumaskas ang gitara ay mas lalong lumakas ang sigawan sa loob ng gym at tila mga uod na nabudburan ng asin ang mga babae at isama mo na si Ramona ng lumabas na ang kanilang iniidolo at nagsimulang kumanta.

Ako naman ay nakatayo lang at magka-krus ang mga kamay sa dibdib. Tiningnan ko siya habang nakanta na may hawak na gitara.

Hindi mapagkakailang magaling nga siyang kumanta at gwapo rin, pero 'hindi mayabang pa 'rin siya!

"Oh ano Coco? Nabighani ka na ba" nang-aasar na tanong nitong si Ramona at nginiwian ko lang.

"Magaling pala talaga siya kumanta" inosenteng tugon ng katabi kong si Lili na tila namangha rin sa kagalingan kumanta ng mayabang na nasa harap.

"Gwapo rin 'kaya lang medyo mayabang"mahinang tugon naman ni Alma habang nanonood rin.

"Hoy kayong tatlo masyado kayong kontra sa papi ko!" mataray na singhal samin ni Ramon na narinig ata ang pinaguusapan naming tatlo.

Tinawanan na lang namin siya at pinagpatuloy ang panonood sa unahan.

People keep talking, they can say what they like
But all i know is everything's gonna be alright

Tila hinehele ako ng mga salitang binibitawan niya at namangha pa sa ganda at pagkapaos ng boses niya habang nakanta. At namalayan ko na lang na tapos na ang kanta nung dumagundong na ang gym sa lakas ng palakpakan at hiyawan ng mga tao.

"Coco, laway mo pumasan mo!" pang-aasar sakin ni Ramon at tinawanan naman ng dalawa kaya napairap ako.

"Tara na habang wala pang nalabas, ayokong makipag siksikan mamaya" yaya ko sa kanila at hinatak naman kami ni Ramon para mapunta pa sa pinaka unahan.

"Wait lang 'magpapicture muna ako kay papi Blake bago lumabas,wala naman si Sir sa next subject " sabi ni Ramon sabay labas sa kanyang cellphone at tila nireready ang gagamiting camera.

BituinWhere stories live. Discover now