Chapter 1: Starting

588 18 0
                                    

KEN'S POV
Andito ko ngayon sa isang dance studio ng company na pinag auditionan ko, late nanaman ako ng 8 mins, well always naman.

" 5,4,3,2,1!" sigaw ni Miss Jess

" Excuse me po, sorry I'm late po" mahinhin na sabi ko

" Right time Mr. Suson, 2 minutes nalang disqualified kana dito. " Medyo galit na sabi ni Miss Jess.

" Sorry po " sabi ko at binaba ang gamit tsaka nag stretching, maya maya dumating si Justin

" Excuse me po, sorry Im late po " sabi ni Justin

Hindi manlang sya pinansin ng kahit na sinoman kaya pumunta sya sa tabi ko at nag stretching nadin.

After a few minutes, nag training nanaman kami ng puspusan, at kahit gano pa kahirap ang training namin may maalis talaga saamin.

Halos 4 hours kaming nag tratraining dito, araw araw may naaalis, araw araw may nawawalan ng pag asa na makamit ang pangarap nila na maging dancer or singer man at nawawalan ng tiwala sa sarili na makakamit ang gusto nila.

" Gather around! C'mon! " Sigaw ni Miss Jess.

" Nag improve na ang lahat sainyo, mas flexible na ang mga katawan nyo kesa last week. Marami nadin agad ang nakakakuha ng mga steps lalo kana Stell, pero sad to say kailangan talaga may tanggalin sainyo" ani ni Miss Jess

Kinausap ko ang sarili ko, " sana hindi ako"

Unti unti na silang nag didisqualify ng mga auditionees hanggang sa 10 nalang kaming matira at thank God hindi ako kasali sa natanggal.

" Sa lahat ng 10 na natira, see you guys sa next meeting natin, galingan nyo at magtatanggal ulit kami, and sana wala ng malalate, Mr. Suson and Mr. De Dios. Im warning you both " ani saamin at nag dismiss na.

Tapos na yes!. Nag uwian na ang lahat at uuwing uwi nadin ako sa condo, mag isa lang ako sa condo ko dahil wala sila mommy, asa abroad sila both kaya I'm living my life freely.

Btw, pakilala muna ko, I'm Felip John Suson pwede nyo kong tawaging Ken for short. 23 years old, 3rd year college, architecture.

Andito na ko sa condo ngayon, 8:00pm. Sobrang nakakapagod this day! Maghapon class, 4 hours na training at magiging sardinas kapa bago makauwi dito.

Ano kaya mangyayari bukas??

- The next day -

Siksikan nanaman sa MRT. Hays Maynila nga naman.

Nakarating ako dito sa studio buti hindi ako late ngayon, pero ako nalang kulang. 10 mins. more pa naman pero bat ang aga nila? Late naba ko? Or wala pa si Miss Jess? Ewan. Nuod muna ako anime.

- 10 mins after -
" Good afternoon guys! " Sigaw ni Miss Jess namin.

" Ready na kayo? Let's do stretching" masayang sabi ni miss Jess.

Streching doon, strectching dito. Bali bali na buto namin pero go padin sa pag streching. Para naman daw to samin para flexible kami, well totoo naman.
After theseeeee long stretching, training nanaman ng walang pahinga, tutuloy lang pero kahit pagod na kaming lahat, we just ride with the flow.

( After 4 hours )
" Well done guys! " Ani ni Miss Jess na kinangiti ng lahat

" Ang dali nyo na talagang turuan! Pero ayun kailangan namin magtanggal, bc we only need 5 " ani nya na merong kaunting lungkot.

Pina step forward nya sila Stell, Sejun, Josh, Justin, at sabay sabing " congrats boys! You made to the top" masayang sabi ni Miss Jess at nagpalakpakan ang lahat. Ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pading inaannounce na 5th member, nahihirapan ba sila? Sino kaya saming 6? Tulala akong kung ano ano ang iniisip nang biglang

" Good job Mr. Suson! " Sigaw ni Miss Jess na kinagulat ko

" Yes! Thank you Lord! Thank you po " Sigaw ko sabay nagpasalamat.

" Well congrats to the 5 of you, SB19" ani ni Miss Jess na kinangiti naming lahat.

Hays ang sarap sa pakiramdam, Mom and Dad! Your son is now an artist!

My parents wanted me to be a doctor talaga pero may passion ako sa architecture eh kaya yun ang pinursue ko.

Laki nga pala ako sa lolo at lola ko at laki din sa simbahan, pastor kasi lolo ko. Kaya nung firsy time ko makita ang parents ko sobrang saya ko bc thats the first time eh. Nasanay akong walang kausap, sanay akong hangin lang kausap ko at laging kasama ang phone,earphone and bed, kahit yun lang kasama ko all day ok na ko dun mas bet ko yun kesa dumaldal ng dumaldal.

" Hi Tita! "
Nabulabog ako ng may biglang sumigaw, napatingin ako at nakita ang isang napaka gandang babae na naka itim ng t shirt at maong na pants, ang simple nya pero ang lakas ng dating, wait, whose that girl?

When Our World Crash Together (INCOMPLETE)Where stories live. Discover now