Nagpalit ako ng pajama at nagmadali sa paghabol sa kanya.

"Wag kana po tumulong sir, don ka nalang sa loob mag antay"

"I said I will help you, don't you get it huh?" masungit na naman niyang tanong saken.

Eh bat ba kasi tutulong ka pa? Ha? Pero syempre hindi ko siya sinagot ng ganon baka masibak ako ng wala sa oras.

"Kaya ko naman po yan sir, ako pa"

Tiningnan niya lang ako ng masama kaya wala na akong nagawa kundi ihanda na yung mga planggana at ang sabon.

Tinupi ko muna hanggang tuhod yung pajama ko na ikinataas naman ng kilay niya.

Umupo na ako sa maliit na upoan at umupo narin siya sa harapan ko. Ang cute tingnan ni boss sungit sa posisyon niya ngayon, mukha siyang barakong bakla.

Natawa naman ako sa kaloob looban ko. Nagsimula na ako at inuna muna yung mga de color, napatigil ako ng kukunin ko na sana yung mga panloob ko.

Napabaling ako sa kanya.

"Marunong ka maglaba sir?"

"No" agad niyang sagot.

Hindi naman pala siya marunong eh bat may pa tulong tulong pa siyang nalalaman?

"But I want to try how to wash clothes"

Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na niya yung mga panloob ko tinaas niya pa yung kulay pula kong panty.

"Sexy" sabi niya na sabay tawa.

Hinablot ko naman agad sa kanya yun habang nag iinit ang pisngi. Sabi ko na nga ba, hindi magandang ideya tong pag tulong tulong niya.

"Alam niyo sir don kana lang po kung mamanyakin mo lang naman ako" diretsa kong sabi sa kanya na medyo naiinis na.

Kung wala siya dito ede sana malapit na akong matapos ngayon.

Tinaas naman niya agad ang dalawang kamay niya at tumigil sa pagtawa.

Sinimulan ko ng labhan yung mga damit ko at siya naman yung nag babanlaw pagkatapos.

Hiniwalay ko ng lagayan yung mga panloob ko para ako na ang mag banlaw mamaya.

Tatlong oras din kaming nandon bago natapos dahil ang tagal tagal niyang magbanlaw, pag pinipiga niya tapos may lumalabas na maliit na bula ibabalik niya yun sa malinis na tubig at babanlawan ulit.

Jusko, aksaya masyado sa tubig. Halatang hindi talaga marunong.

" I didn't know washing clothes is so tiring" reklamo niya pagkapasok namin sa loob.

Humiga pa siya agad sa kama ko, buti nalang kakaplit ko lang ng bedsheet at punda dyan kagabi.

Hindi na ako umimik at pumasok na agad sa loob ng CR para makaligo na.

Paglabas ko nakabihis na ako at may tuwalya pa sa ulo. Mamaya na ako magsusuklay pag hindi na basa yung buhok ko.

May nabili naman akong blower pero maingay yun eh. Nakatulog ata si boss sungit.

"Are you done?" ay gising naman pala.

Bumangon siya sa pagkakahiga at tumingin saken.

"Do you have a ballpen?" tumango naman agad ako at kinuha yung ballpen sa cabinet ko.

"Aanhin niyo sir?"

Pero hindi niya ako sinagot nanghingi pa siya ng papel o kahit anong pwedeng masulatan.

Umupo narin ako sa kama at nag Indian seat paharap sa kanya, naka pajama ako oy wag kayo.

"So let's start by writing here our basic informations. Like you know name, age address mother and father's name number of siblings and so on" sabi niya sabay abot saken ng kapirasong papel.

The CEO's SeductionWhere stories live. Discover now