Lahat naman ata ng tao ay may mga pangarap na gustong matupad. Parang ako, marami akong pangarap sa buhay. Gusto kong mabigyan ng magandang buhay sila mama at papa. Gusto kong makapagtapos ng pag aaral ang kapatid ko. 'Yan ang iba sa mga gusto kong matupad sa pangarap ko dahil unang una sa lahat isa lang naman ang akong simpleng tao na may simpleng pamilya. Mahirap lang kami kaya hindi na nakapag tapos ng Grade 6 ang kapatid kong lalaki. Mahirap ang buhay na kinalalagyan namin ngayon kung hindi lang dahil kay papa ay baka wala na kaming makain.
Isa lang siyang jeepney driver, araw araw mga nasa 250 o 500 ang mga naiipon niya sa pamamasada pero hindi parin sapat 'yon para makapag aral kami ng kapatid kong lalaki. Si mama naman ay isang labandera, kakaunti lang rin ang naiipon niya para sa aming kakainin araw araw. Sa amin dalawang magkapatid ay ako nalang muna ang pinag aral nila mama at papa dahil ako palang ang kaya nilang pag aralin. Nararamdaman ko ang pagkasabik ng kapatid ko na mag aral tapos masisira lang naman pala dahil lang sa wala kaming pera. Nalulungkot ako pero ano nga ba ang magagawa ko kung walang wala na kami? Kahit na gusto ko man makapag aral ang kapatid ko ay hindi ko magawa.
Nagsikap akong mag aral hanggang sa makagraduate ako ng high school. Kung minamalas ka nga naman, nagkasakit naman ngayon si papa ng liver cancer at doon ko narin naisipang tumigil muna ng pag aaral para naman hindi na ako maka abala sa gagastusin nila sa hospital. Nag simula akong mag hanap ng mga part time jobs at nakuha nga ako sa isang coffee shop. Sa pinagtratrabahuan ko ay hindi ko naman inaasahan na may makikilala akong mabait at mayaman na tao na tutulong sa akin para makapag tapos ako ng kolehiyo.
Tahimik lang naman ang buhay ko, e. Kung hindi lang ako nananaginip ng mga bagay bagay na imposibleng mangyari sa totoong buhay ay hindi sana gugulo ang tahimik kong buhay. Lalo na nung may nakilala akong lalaki na gugulo ng buhay ko. Pinahirapan niya ako sa anong paraang gusto niya kahit na nasasaktan niya ako ng hindi niya namamalayan. Kung hindi lang dahil sa panaginip ko na iyon ay hindi sana ako nakakilala ng lalaking katulad niya.
Pero, paano kapag nahulog ako sa bihag niya? Masasabi ko na bang siya na 'yong lalaking matagal ko ng pinapangarap?
YOU ARE READING
The Boy of My Dreams
Teen FictionSimpleng babae lang ako na kung ikukumpara niyo sa iba. Marami akong pangarap para kay mama't papa. Nagsimula ang buhay ko nang may taong nag magandang loob na bigyan ako ng scholarship na makapag aral sa pinakamahal at magandang eskwelahan. Sa aki...
