Kabanata 10

117 4 0
                                    

#Novice10

Lalo akong nainis at nabwisit sa kanya. Ang sabi niya hindi niya ako niloloko, manloloko at lolokohin pero siya itong nagdagdag ng two weeks pa!

Hindi ba iyon pangloloko? Pangloloko na iyon since nagdagdag pa siya ng two weeks without my consents! Hindi pa niya sabihin ang dahilan kung bakit humihingi pa siya ng two weeks! Para saan?!

Kaya kinabukasan sabado, sinadya ko talagang magkulong sa kwarto buong araw. Nabanggit din nila Nadia at Guelly sa akin na tuwing weekends wala sila dahil day-off nila, umuuwi sila kaya wala sila sa ibaba. Sa lunes pa sila darating kaya wala din naman akong makakasama pag bumaba ako. I'm sure si Colet na kay Custaveil din, ayaw kong makaharap si Custaveil dahil pakiramdam ko iinit ang ulo ko bigla dahil sakanya!

Nabubuksan ni Custaveil ang nakalock kong pinto kaya siya ang may tyaga at naghahatid ng mga makakain ko, mabuti nalang nata-timing na hindi kami nag kakaharap.

Noong breakfast tulog pa ako ng maghatid siya ng pagkain, tangahali nasa walk in closet ako para magbihis at nung nag dinner sinadya kong ibabad ang sarili sa bathtub para kapag pumasok siya hindi kami magkaharap.

Nang mag linggo, alas tres ng tanghali napagdesisyonan kong bumaba upang magdilig ng mga halaman sa garden. Siguro naman umalis si Custaveil o nasa loob siya ng kwarto niya dahil tanghali naman.

Bumaba ako ng hagdan, natigil ako sa paglalakad ng may makitang ibang tao sa may living room na halatang kararating lang din, natigil din siya sa paglalakad papunta sa gawi sana ni Custaveil. Sinuri niya ako ng may ngisi sa kanyang labi.

Nahagip ng tingin ko si Custaveil, tamad na nakaupo sa sofa habang bukas ang malaking TV sa harapan, nakatalikod ang sofa sa gawi ng hagdan kaya hindi pa niya ako nakita.

"What the fuck man! You're living with a woman?!" parang may tuwa at gulat na sabi ng lalaki kay Custaveil.

Kaagad na napatayo si Custaveil mula sa pagkakaupo at agad na hinanap ang mga mata ko. Seryoso niya akong sinuri bago binigyan ng matalim na tingin at tipid siyang napailing.

Dismiyado ba siya dahil bumaba ako at nakita ng bisita niya? I didn't know that he had a visitor! Kung alam ko lang na may darating na bisita niya hindi naman ako bababa!

"Gago Custav, totoo ba itong nakikita ko!?"

"Shut up Estron!" Custaveil hissed.

Binalik ko ang tingin ko kay Custaveil na ngayon ay masama ng nakatitig sa dolphin shorts na suot kong pambahay. Mahaba at maluwang din ang itim na tshirt ko kaya pag ibinaba ko ang ilang nakaipit na tela ng tshirt na nasa may dolphin short magmumukhang wala akong shorts.

May bago pang dalawang lalaki ang kapapasok lang sa may pintuan. Natigil sa paglalakad at pagsipol ang isang lalaki ng mapansin ako, napahawak pa siya sa dibdib niya na parang gulat na gulat.

"Holy shit! Tamang bahay ba itong pinasukan ko?" sabi niya ng hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

Ang isa naman na lalaki na nakasunod sa kanya na mukhang seryoso din ang mukha gaya ni Custaveil ay natigil sa pag lakad at inilibot ang buong tingin sa bahay na para bang tinitignan kung tama nga ba talaga ang pinasukan nilang bahay.

Humalakhak si Estron, naglakad siya palapit sa lalaking kapapasok lang at inakbayan ito.

"No Cofer tama ka ng pinasukang bahay! Your cousin is living with a gorgeous woman, hmm.. bago sa paningin natin diba!"

Tinanggal ni Cofer ang pagkaka-akbay ni Estron sakanya saka naglakad palapit sa akin habang ang isang lalaki na kasunod niya na pumasok kanina ay tahimik na dumiretso patungo sa may sofa.

Novice ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora