"AREN'T you even complaining Sean," tanong ni Vishmu sa kaibigan sa kabilang linya. Sa team nila which was lead by Captain Belmore Yesk. Siya ata ang pinakavocal sa mga naiisip niya.
At pagdating sa trabaho, they share with each other what's on their mind. Kapag nahihirapan sila, kapag hindi maiiwasang makadama ng doubt sa sarili. Pero alam niyang lahat sila may sari-sariling lihim na ayaw isiwalat sa iba.
Sa grupo nila, Sean Angelo and him were close friends kaya't madalas sila ang nagkakasundo sa gropo. Tulad na lang ng inis na nararamdaman niya. At dahil may kani-kanyang silang misyon, sa cellphone muna ang usapan nila.
"Magreklamo man tayo, may magagawa ba tayo, pero sa tagal natin kay Major ngayon lang ako humawak ng assignment na babae. Kainis." Dinig niya ang pag-ingit ng kotse nito. Malamang nag-over speeding naman ito.
Halos magkasabay silang nagsimula biglang agent ni Major Antonio. "At diba may mga selected agent para sa mga kliyenting babae?"
"Sinabi mo pa, Kainis talaga ang matandang 'yon. Hay, naku naman! Kung hindi ko ang mahal ang trabaho ko. Alam naman niyang allergic ako sa mga babae. Kainis talaga." Napalo pa niya ang manebila, kailangan niyang gawin 'yon para kahit paano ay may mapagbuntungan siya ng inis.
"Allergic o torpe ka lang talaga." Buksa nito.
"Oi Sean Angelou bawiin mo ang sinabi mo, alam mong hindi totoo 'yan. Akala mo naman magkagirlfriend na ka." Ganting pang-aasar niya dito. "At sa ating dalawa lamang ang gandang lalaki ko no." Pagyayabang niya dito. Ayos lang naman madalas naman nilang gawin 'yon kapag nag-aasaran. "Kaya pano ako matotorpe. Mas lalaki pa rin akong tingnan kasya sa'yo. Akala ko nga babae ka eh."
Sa totoo lang wala siyang masabi sa bawat isa, may kani-kanya silang charms na dapat nilang ipagmalaki. Pero iba si Sean sa kanila, dahil napaka-angelic ang mukha nito at papasang babae huwag lang maghuhubad.
"Ay ewan sa'yo. Ang dami mong sinabi. So pano, see you when I see you na lang pare." Paalam ni Sean sa kanya. "Teka nahanap mo ang kliyente mo?"
"Oo, tinawagan ako ng ama niya."
"Buti ka pa, sana hindi magtagal ang paghahanap ko. Mukhang ikaw ata ang pinakamasuwerte sa ating lahat ah." Tama dahil siya lang ang may specific address ng kinaroronan ng magiging kliyente niya.
"So pano, goodluck sa paghahanap mo. " Iyon lang at pinutol na niya ang tawag, saka napailing, kung inis siya ano pa kaya ito? Saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
Ilang oras rin ang biyahe niya patungo sa Batangas.
Nilingon niya ang folder na nasa passenger seat. Gusto niyang mailing.
"Ang weird ng pangalan niya, salitang hindi ko pinaniniwalaan."
Samantala
"YOU CAN'T do this to me, Papa. Alam mong sa lahat ng ayaw ko ay 'yong may nagbabantay na para asong nakabuntot sa akin." Inis na protesta si Destiny Mae Sandoval sa ama.
May plano silang lumabas ng mga kaibigan niya. Kaya nag-ayos siya at bitbit ang kanyang paboritong bag, pero paglabas niya ay hinarang siya ng mga bodyguard ng ama. Sobrang nababagot na kasi siya, almost one week na siyang nakakulong sa mansion.
Her father was a well-known politician. Nagsimula ito sa bayan nila sa Batangas, bilang alkalde. Hanggang sa naging congressman ito sa kasalukuyan.
At isang negosyante rin ang kanyang ama, pero dahil politiko ito, ang ina aniya ang namamahala sa malaking negosyo nito. Hindi lang realty ang negosyo nila. Mayroon rin silang mga shipping lines local and international. At mga gadgets store na ang supply ay inaangakat pa mula sa ibang bansa.
At siya bilang nag-iisang anak ay tumatamasa ng lahat ng karangyaan na mayroon ang pamilya niya. She loves being rich kid, 'yong kahit hindi siya magtrabaho ay hindi siya magugutom kahit minsan.
YOU ARE READING
Vishmu Alfonzo: Meeting Destiny
Romance"Woman are vicious. And once your hook on their claws, wala ka nang magagawa kundi ang sumunod sa lahat ng gusto nila." Vishmu was not please with his new assignment, pero kahit ayaw niya wala naman siyang magagawa. Importante ang trabaho kaysa sa...
