16th Street

13 2 2
                                        

Sway my way..

Ang lawak ng ngiti ko habang tinutungo ang room ko para sa 2nd subject ko. Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang 'home made' daw na sandwich na gawa ni Bryan na inabot niya sakin habang naglalakad ng masaya. Nagkasabay kasi kami kanina sa may  gate at nagngitian ng matamis. Pakiramdam ko, mabilis na bumalik ang lahat sa dati. Masaya ako pero alam kong may kulang pa rin. Tatlong araw na akong hindi kinikibo ni Bella dahil alam na niyang maayos na kami ni Bryan, kahit alam kong medyo kumplikado pa rin kami dahil hindi ko alam kung kami ba o ganon pa rin ang turing niya sakin.

Pagkapasok ko ng room ay nilingon ko si Bella na diretso lang sa pagsulat sa desk niya. Nalungkot ako bigla. Bihira lang kaming magkatampuhan pero sa tingin ko, galit siy hindi lang basta tampo.

Tahimik akong naupo sa upuan ko. Wala pa ang prof namin kaya inilabas ko na ang mga copy ko sa lesson at ang ballpen ko. Biglang nagvibrate ang phone ko.

Bryan:

Aral mabuti, missy. ;*

Kusa akong napangiti sabay lingon sa kaibigan kong nakayuko pa rin na nagsusulat. Pinagpaliban ko muna ang nasa isipan kong pakikipag-ayos kay Bella. Alam ko kasing galit siya at gusto ko munang pahupain muna ang galit niya bago ako makipag-usap sa kanya.

Dumating na rin ang professor namin at nag-umpisa na ang klase pero panay pa rin ang pakikipagtext ko kay Bryan nang palihim.

Ako:

Don't distract me. May professor na.

Nag-reply agad siya.

Bryan:

I get easily distracted with you, too. Pareho pala tayo. :)

Ngumiti ako sa mabilis na reply ni Bryan sa'kin bago ko tinignan ang prof kong patuloy sa pagdidiscuss at itinago ang phone ko sa bulsa ng bag ko.

Mabilis ding natapos ang klase namin kaya niligpit ko agad ang mga gamit ko at kinuha ang phone kong may text mula kay Bryan.

Bryan:

Lunch tayo after ng class mo.

Lalong lumawak ang ngiti ko at mabilis na lumabas ng classroom.

Ako:

Done. Here at EB 103.

Nasa may labas ako ng pintuan ng room habang nagbabasa ng message ni Bryan nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Namiss mo ba ako?" Nilingon ko ang isang lalaking nakasandal sa may pader ng classroom.

Lumakas ang tibok ng puso ko sa ngiti ni Terrence na abot hanggang mata. Lalong lumiit ang mga mata niya at ang ilong niya'y lalong tumulis.

'Mukhang namiss mo nga talaga ako at natulala ka." Humalakhak siya. "Lilibre na lang kita para bumawi.. sayo." Unti-unting bumaba ang kanyang boses at napawi ang ngiti niya nang tumingin siya sa likod ko.

Paglingon ko ay nakaabang na si Bryan sa akin at nakangiti.

Sa Lugar Na 'Yon (Season 1) Under Revision and EditingWhere stories live. Discover now