Endearment

35 2 0
                                    

Kitty POV

Uwian na namin ngayon. Pero bago pa ako makalabas ng room...

"Congrats Lucky Girl!" Sabi ni Marvin sabay akbay sa akin.

"Hoy hoy!kahit kailan hindi yan bibilang sa mga babae mo. Akin lang yan!"-Xander sabay alis sa braso ni Marvin na naka-akbay sa akin.

"Grabe ka naman bro! Kino-congratulate ko lang si Lucky Girl dahil kayo na pala!" -Marvin sabay pout. Hahaha ang kulit pati pala sila nagpa-pout ^_^

"Xander, tara mag-Bar naman tayo. Wala namang pasok bukas eh!" Anyaya ni Louie. Oo nga pala no friday na pala bilis ng araw! :3

"Hindi ako pwede ngayon kasi ihahatid ko pa si Kitty ko."- Xander

"Nako! Ok lang ako. Makakauwi naman ako mag-isa. Pagbigyan mo na siya" sabi ko kay Xander habang tinuturo si Louie.

"Hindi pwede. Simula ngayon ihahatid na kita sa inyo. AT!!!! Susunduin na din kita."- sabay kuha niya sa gamit ko.

"Pero Xan--" putol niya sa akin.
"wala ng pero pero!"

Wala na akong magawa. Baka mamaya bugbugin pa ko nito noh! :3

Naglalakad na kami sa palabas ng university ngayon. Nakatingin parin ang lahat sa akin pero this time hindi masama ang tingin. Hahahah sa wakas! Konti na lang magiging ok din ang lahat! ^_^

---
Xander POV

"Sakay na." Sabi ko kay kitty pagka-bukas ko ng pinto ng kotse ko.nandito na kasi kami sa may parking lot ng University eh

Pagka-sabi ko sumakay naman agad siya.

"X-xander?" Sabi niya na parang... Naiilang?

"Bakit?" Tanong ko
"Ano kasi... First time ko kasi magka-boyfriend. First time kong ma-inlove.. Kaya wala akong alam sa mga gantong bagay" sabi niya habang nakatungo.

Ang cute niya. Para siyang bata na may nakitang hindi kilalang tao. Hahah. :)

"Ano ka ba, pareho lang tayo. First time ko din sa lahat. Kaya it's a tie!" HAHAHAHAH Natawa ko sa sinabi ko. Natawa din naman siya kaya napahampas tuloy siya ng kamay sa akin. :)

Pina-andar ko na din yung kotse.
"Turo mo na lang yung way pa punta sa house niyo ah." -ako.
"Sige." Sagot niya.

Malapit lang naman ang bahay nila mula sa University kaya nakarating naman agad kami.

Bumaba na ako ng kotse at pinagbuksan ko siya.

"Tara pasok ka muna. Kung gusto mo?"-anyaya niya sa akin.

Aba! Syempre noh! Gusto ko ata makilala ang mommy ni kitty!^_^

"Sige." Sagot ko.

Pagpasok namin sa loob.

"Wala pa si mommy. Nasa work pa. Baka bukas pa uwi niya." Sabi niya. -_____- akala ko pa naman mapapakilala na niya ako.

"Ahh" tipid kong sagot.

"Gusto mo ng juice? Water? Coffee? or what?" Tanong niya. Umiling na lang ako at tingin ko naman na gets na niya yun. "Sige bihis lang ako. Upo ka muna dyan"-dagdag niya.

Habang naka upo ako umiikot ang mata ko sa bahay nila. Hmmm. Malaki din naman ito halatang mga babae na lang talaga ang nakatira. Pero mahahalata mo talagang mayaman din sila.

Maya-maya lumabas na si kitty sa kwarto niya. At tumabi sa akin at binuksan ang tv.

Ang ganda niya sa suot niya.naka t-shirt lang siyang pink at shorts na itim. Sakto lang naman yung haba. Hindi bastusin.simple lang pero lalo akong nai-inlove. ^__________^<3 partida pambahay lang yan ha! :")

" Xander?"-kitty
"Bakit?" Sagot ko ng nakangiti. :)
"Anong tawagan natin?" Sabi niya habang ngiting ngiti sa akin.
"Edi pangalan natin." Sabi ko na bigla naman siyang nag pout.

Haaaaay. Ayan na nga ang pout niya. Nakakagigil. Konti na lang tatapyasin ko na nguso nito eh hahahaha.

"Joke lang. Ikaw ano bang gusto mo?" Sabi ko sabay kuha sa kamay niya.

"Hmmm...ok lang ba sayo kung baby?"- tanong niya.

"Ayoko non. Ano ka mommy ko? At ako daddy mo?" -___- totoo naman diba?

Sumimangot siya.

"Eh babe na lang kaya?"-kitty
"Ayaw."-ako
"Eh bhe?"-kitty
"Yuck."-ako
"Hmm hon?"-kitty
"Pang matanda na yun eh"-ako

Nag-pout nanaman siya.-.-
" Habibi? "- kitty

Hmmm ok naman. Atlis di common.

"Sige. Ok na yan."sabi ko habang kuha ng Cellphone ko sa bulsa. "Anong number mo? "Dugtong ko. Hindi ko pa kasi nakukuha number niya eh. Haha.

Tinype niya na lang sa phone ko yung number niya. Pero nung lalagyan na niya ng name inagaw ko yung phone ko at sinabing ako na lang ang maglalagay.

Nagulat siya pero natawa rin. :3

"Ok ok! Lagay mo din number mo sa akin." Sabi niya sabay abot nung cellphone niya sa akin.

Hindi kami pareho ng phone:3
Iphone ako samsung siya. Tinype ko din yung number at hinayaan ko na lang siya ang maglagay ng name.

Hinawakan ko ulit yung cellphone ko para lagyan na ng name yung number niya.

Name: Habibi Girl <3
Number: 09123456789

Ayan. Siyet! Ang bakla ko na talaga! :3 ang cheezy ko masyado.-.-

Pag tingin ko sa phone niya naglalagay na din siya ng name.

Name: Habibi ^_^<3
Number: 09987654321

"Hoy! Lagyan mo ng Boy!-.- " -medyo pasigaw kong sabi.
"Huh? Pano? Pano ba ginawa mo? Patingin" -sabi niya at tinignan kung ano ung nasa phone ko.

"Ah sige sige."-kitty

Name: Habibi Boy <3
Number: 09987654321

"Ayan na!" Sabi ni kitty na napaka-lapad ng ngiti. Nakakahawa tuloy yung ngiti niya. ^________^

After nun nagkwentuhan na lang kami about sa family namin. Na isa palang accountant ang mother niya. Na madalas wala siyang kasama kasi laging nag-a-out of town mom niya. Na simula daw nang mawala ang daddy niya mas lalong naging busy mommy niya sa work kasi para daw sa ikabubuhay nila tho mayaman na naman sila iba pa rin daw kung may ipon para sa future.

Ako naman na kwento ko na wala na kong parents. 7 years old ako nung mawala sila.They died because of an accident. Plane crash. Magkasama sila mom and dad non kasi anniversary nila kaya nag out of the country sila. Pero sadly,yung masayang araw dapat nila ay magiging nightmare pala para sa kanila, sa amin. Kaya simula non. Lola ko na ang nagalaga sa akin. Mahal na mahal ako ng lola ko. Kaya naman anak na ang turing niya sa akin.

Nabanggit ko din kay kitty na uuwi si grandma next week.At maghanda siya dahil ipapakilala ko na siya dito.

---
8pm na pala.

"Hmm alis na ako Bi. It's late kakain ka pa. I'll call you later na lang ha?" Sabi ko sa kanya. Nag-nod naman siya.
(Bi------> short term for habibi)

"Sige bi. Mag-iingat ikaw sa pagd-drive ha?" Sabi niya. Haaaay. Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko.^_____^

"Ikaw ang mag-ingat! ikaw lang mag-isa dito noh! Basta tumawag ka agad sa akin pag may prublema ha?" Sabi ko habang naglalakad kami palabas ng gate ng bahay nila.

"Yes po!^_^" Sagot niya.:)

Bago ako umalis. Hinalikan ko siya.
.
.
.
Sa noo. :)
Pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse ko.at nag wave pa ako sa kanya para mag babye.nag wave back din naman siya. Saka ko pinaandar ung kotse ko.

Haaaay.mukha ng bading pero Sarap ng ganitong feeling. Yung feeling ng inlove. ^_____^<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon