Me and My Ex VIII

662 7 0
                                    

The Chosen One


after nang pag uusap namin na yon ni Alex ay dumerecho ako sa bar para uminom at mag lasing!! gusto ko malimutan lahat ng sinabi niya!! lahat ng pag sisinungaling niya!! hindi ko alam kung may karapatan ba akong magalit sakanya, hindi ko alam kung dapat ba tong nararamdaman kong galit sakanya!!bigla nalang nag ring ang phone ko, agad ko sinagot yon kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tuma-tawag..

"Kiel??" nag aalalang boses ni Maan

"Kiel nasaan ka? mag usap tayo please..." nag aalalang usal niya

"tumawag ka kasi sinabi na ni Alex noh??" lasing na tugon ko

"Kiel nasaan ka?? pupuntahan kita..

"hindi na ako sumagot pa at pinatay ang tawag niya, sobrang hilo na ako sa dami ng na-inom ko.. hanggang sa di ko na napigilan tumungo at... naka idlip ako..

"Kiel...."nagising ako sa boses na yon..

"Ezekiel..."dahan dahan ko minulat ang mga mata ko.. agad na bumungad sakin ang mukha ni Maan..

"Kiel halika ka na umuwi na tayo.."gulat na gulat ako na nasa harapan ko siya..

"a--anong ginagawa mo dito??" lasing na usal ko

"Ser lasing na lasing kayo, kanina pa po kayo tulog diyan kaya kinuha ko ang phone niyo at nag hanap ng matatawagan, eh saktong nag mi-miss call po si Maam kaya siya nalang tinawagan ko" paliwanag ng isang waiter doon

"halika na..." mahinahong usal ni Maanhinawakan niya ang kanang braso ko at nilagay yon sa balikat niya..

"teka.. teka... ano? isa-salabay mo ko?" lasing na tanong ko

"hindi.. aalalayan lang kita kasi lasing ka.."hindi ako sumagot pa

tinulungan naman siya ng waiter na alalayan ako palabas ng bar.. lasing ako at hilong hilo, halos hindi ako makapag lakad ng tuwid kaya naman todo higpit ang hawak niya sa isa kong braso na naka akbay sakanya..

"bakit kasi uminom-inom ka pa.." inis na usal niya

"ang bigat bigat mo, hindi mo naman pala kaya!!"

"sinabi ko bang sunduin mo ko.." seryosong tugon ko

huminto ako at inalis ang braso ko sakanya.. pini-pilit ko maging normal at kayanin tumayo mag isa..

"umalis ka na.." seryosong usal ko

"Kiel...""alam mo ba bakit ako nag-lasing??" usal ko habang pini-pigilan kong tumulo ang mga luha sa mata ko

"Kiel please.. sa bahay tayo mag usap.."

"Maan ang sakit sakit ng ginawa mo.. ngayon halos hindi ko na alam ang gagawin ko"

"Kiel.. noong nasa Hongkong Disneyland tayo balak ko na talaga sabihin sayo, kaso biglang umingay ang paligid gawa ng Parade of Characters at Fireworks.."napa-isip ako sa sinabi niyang yon

at naalala ko nga ang gabing yon na may gusto siya sabihin pero hindi ko siya marinig..

"bakit hindi mo nagawang sabihin after non?"

"natakot na ako na baka mahal mo na si Alex.. at ayoko na iwan ka Kiel.."

"ayaw iwan?? ngayon pa?? alam mo bang buntis si Alex?! ha?? at ako ang Ama!!"natigilan siya at hindi naka sagot sa sinabi ko..

"dapat hinayaan mo nalang ako, dapat di ka nalang nag alala, dapat!! hindi mo nalang sana ako pina bantayan kay Alex, edi sana malaya akong piliin ka!!"

"bakit Ezekiel?? pipiliin mo ba siya??" malungkot na tugon niya

"wag mo hayaang sagutin ko yan.." seryosong usal ko

Me and My ExWhere stories live. Discover now