16• HEARTBREAK

1.7K 35 3
                                    

JAENA's POV

Nandito ako ngayon sa aking mahiwagang kulungan.

Tatlong araw na akong naghihintay sa paraang ginagawa nila Max..

Araw-araw laging ordinary day lang, papano lagi akong may bantay..

Si Max naman lagi akong sinisilip ng patago sa school.

Akyat-bintana parin ang ginagawa niya, hahalik lang siya sakin tsaka na aalis.

Pero kahit ganun atleast ramdam na ramdam kong mahal niya ako.

Habang nakahiga ako dito, iniisip ko ang mga bagay na nagawa ko, sina Max, sina Mommy.

Ewan ko pero hanggang ngayon hindi parin nagwowork ang utak ko.

Pero tama nga sila, kapag ikaw nalang mag-isa, maiisip mo lahat.

Ang mga nagawa mong mali, at tama.

Parang puzzle na napaydudugtong-dugtong mo.

Si Mama naman kahit nandito sa Pinas business padin ang inaatupag.

Ginawa nya akong preso dito sa bahay at siya ginagawa naman niya lahat ng gusto niya.

Para daw sakin ang ginagawa niya, pero ni minsan hindi niya natanong kung masaya ba ako sa mga bagay na gusto niyang sundin ko..

*TOK, *TOK!

Napaupo akong bigla sa kumakatok.

Binuksan ko ang pinto..

At speaking...

"Bakit po kayo nandito Ma?" Pero habang nagsasalita ako nakatingin lang ako sa ibang direksyon.

"Sweety, nanjan ang bestfriend mong si Gail."

Syempre agad naman akong pumunta sa guest room para makita ko ang bestfriend ko.

"GAIL!!!!" Sigaw ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Buti napasyal ka?" Wala kasi kaming klasi..

"Alis sana tayo ngayon..." Mahinahon niyang sabi..

"Kaya lang.. Hindi ako pwe-.." Then sumingit bigla si Mama..

"No sweety.. Pwede ka.. Actually sasama nga ako, gusto ko naman maka-bonding kayong dalawa.. Libre ko lahat ng bibilhin nyo.."

Wow milagro ata at nag-iba ang ihip ng hangin..

"Anong meron Ma?"

"I just want to spend my time to my one and only daughter.." Tsaka siya nagsmile sakin..

Iba na ata to.

Hindi parin ako naniniwala pero......

Ohh edi sige..

Sulitin ko nalang ang pag-iiba ng hangin.

Nagbihis na ako agad para naman makapag-mall nakami, iba narin kasi yung naka-kulong lang dito sa bahay.

"READY!!" Masaya kong sabi sakanila.

"Ohh then let's go!" Alive na pagsagot ni Mommy.

Si Gail ang nag-drive para samin ni Mommy, sasakyan niya muna kasi ang vinolunteer niya.

Pero habang nagda-drive siya napansin kong iba ang mood ng mukha niya..

Parang malungkot at matamlay..

"Gail okay ka lang??" Tanong ko.. Ako ang katabi niya sa harapan at si Mommy naman sa likod.

THE UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now