Chapter 2

56 3 34
                                    

Chapter 2


Manghang-mangha kong pinagmamasdan ang bawat kagamitan na nasa mahabang puting lamesa. Hindi naman ako ganoon kagalingan sa agham pero alam kong mga laboratory apparatuses ang mga bagay na 'to.

"Test tubes..." sambit ko habang hawak-hawak ang tila tubong babasagin.

Sumagi naman ang mata ko sa isang babasaging baso na walang hawakan. Alam ko ang isang 'to, eh. Ito pa nga ang tanong sa akin ng teacher sa recitation noong high school.

"Ayon, beaker!" I snapped when I finally remembered. Napahalakhak na lang ako sa sarili. "Basic."

Nakita ko ang isang salaan na parang embudo. Napangisi ako nang alam na agad ang tawag sa bagay na iyon.

"Funnel, malamang!" I rolled my eyes and flipped my hair. "Gosh, I'm so smart. Wala na bang mas hihirap?"

Natigil ako nang sumagi naman ang tingin sa isang parang test tube ngunit mayroong nakatatak na mga linya at mga numero. I bit my lower lip and narrowed my eyes to think more about what they call this thing.

Ano ba 'yon? Basta ang alam ko, asar namin ng mga kaklase ko rito nakapagtapos, eh. So maybe... Graduated! I remember that! Pero alam ko may kasunod pa iyon. Graduated... tube? Graduated student? Wew.

"Nevermind. Nasaan na ba si Tito Thiago?" I snorted at lumayo na lamang sa lamesang iyon.

Hanggang kailan pa ba ako mamamangha rito? Paano ba naman kasi, parang sobrang hightech naman na ng mga gamit dito. Pati disenyo sa buong kwarto sobrang unique, walang-wala sa mga laboratory'ng nakikita ko sa school, maski sa mga mamahahaling universidad, at maging sa mga palabas.

Kahit pa nakakamangha ang kwartong 'to hindi pala dapat ako makampante. Hello? Parang kanina lang alam na alam kong sa basement ako pumasok, bakit paglabas ko biglang nasa laboratory ako? Nanaginip ba ako? Am I going crazy? Did I... time travel? Hindi kaya nasa future na ako?!

Kabado kong pinagmasdan ang makinang pinasok ko kanina. Naroon pa rin naman, iba na nga lang ang disenyo. Mas maayos tingnan at maliwanag. Hindi ko na nga lang maintindihan ang mga nakasulat sa metro. Ngayon mas mukha na siyang machine.

Damn. I need to find tito Thiago first bago ako tuluyang mabaliw dito kakaisip.

"Tito?" mahina at alanganin kong tawag habang tahimik na lumalabas ng silid.

My jaw dropped, again, nang tumambad ang isang malawak at mahabang hallway sa labas. There are some big doubled-glass doors everywhere and the wall is painted matte gray. Sobrang liwanag ng paligid!

Nanginginig ang mga tuhod ko habang tinatahak ang daan patungo kung saan man. Ewan! Hindi ko alam, okay? But I need to move on and find Tito so I could get some explanation of this insanity.

I reached the corner of the hallway. Saktong-saktong pagliko ko, halos magkabungguan kami ni Tito Thiago!

"Tito, where have you been?!" I shrieked and jumped at him.

Ramdam ko ang pagkabato niya sa gulat kaya hindi agad nakatugon sa yakap ko. Agad akong kumalas at mangiyak-ngiyak na tumingin sa kanya. Sana makita niya kung gaano ako kaawa-awa ngayon.

"M-Margo?" he called out confusedly, as if not sure if it was me.

"Tito, anong lugar 'to? Alam mo ba feeling ko nababaliw na ako. Kanina pumasok lang naman ako sa time machine mo tapos may napindot lang na button tapos... tapos... now I'm here! Ano bang lugar 'to? Ang creepy pero ang ganda naman..."

Your Sweet DimensionWhere stories live. Discover now