Prologue

56 4 0
                                    

Prologue


"Kaya mo 'to, Margo. . ." garalgal kong sambit sa sarili.  


Hinang-hina akong naglalakad pauwi ng bahay. Nanlalabo ang paningin at halos hindi ko na makita ang daanan. Pinikit ko ang mga mata upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman. Mabuti na lang talaga ay kabisado ko pa pauwi.


"Damn it!"

I knocked on our frontgate as loud as I could. Pilit na inaalis ang takot sa dilim ng paligid. Basta ang mahalaga ay magawa ko ang dapat kong gawin. On my third attempt, sa wakas ay bumukas na ang tarangkahan.

"Sino ba iyan? Anong oras na ng gabi at―" boses ng nakababatang kong kapatid. "Ate Margo?!"


"Mart, si. . . si mama?"  I asked, weakly.

Pinasingkit ko ang mga mata para maaninag ang kapatid. Pakiramdam ay parang biglang bumaliktad ang sikmura, natutop ko ang aking bibig para pigilang masuka. Diyos ko, mamamatay na ba ako? Bakit ngayon pa nangyayari 'to?! Kung kelan naman...

"Ate Margo! T-Teka! Mama, si Ate Margo!"

Ramdam ko ang pagpa-panic ni Marthias pabalik sa loob ng bahay. Hindi ko na kinaya ang bigat ng sarili at tuluyan nang nawalan ng balanse. Gustong-gusto nang sumuka ng sikmura ko. Hindi na ako makaaninag nang maayos. Ano ba 'to?!

"Ha ano?! Saan?!" 


It's Mama's voice. 


"Margo?! Diyos ko, anak, anong nangyari sa'yo?! Saan ka ba nanggaling at bakit ka ba nakahandusay riyan?!"


"Ma, d-dalhin natin si ate sa ospital!" suhestiyon ni Marleigh sa likod.


"O-Oo! Oo! Marleigh, tumawag ka ng ambulansya!" 


"Ma. . ."

Sa kabila ng hindi magandang pakiramdam, pinilit kong iangat ang tingin sa Inang nababalisa na ngayon sa harapan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung hahawakan ba niya ako o susundan sa loob si Marleigh.  Marthias is now reaching for my arm upang alalayan akong makatayo.


"Si. . . Tito Thiago," hirap kong sambit. "Puntahan mo siya mama, please..."


"S-Si Thiago? Bakit? May ginawa ba siyang masama sa'yo?!"

"Si Nikolai, ma. . ."


"Harujusko!" she exclaimed. "Marleigh, ang pinapagawa ko sa'yo?!"


"Heto na, ma, tumatawag na nga!"


I cried when my head and the back of my eyes started to throb again. Halos mapulbos ko na ang mga nahahawakang bato sa lupa. Unti-unting humihina ang kaninang malakas na boses ni Mama. I felt like the ground is moving. Kasabay na lamang no'n ang tuluyang pagdilim ng paligid. 


"Nikolai!"

Bumalikwas ako sa kama nang magkamalay. My heart is pounding so hard. I can feel the sweat dripping down from my forehead. Habol ko ang sariling hininga habang nililibot ng tingin ang  paligid.

"Margo! Gising ka na, anak!"

I heard Mom's voice but I couldn't find her. Where the hell is she?

"Ate!" si Marthias.

"Marleigh, tawagin mo ang doktor!"

Kinunot ko ang noo at sinubukang aninagin ang paligid. Madilim. Walang ilaw. Hindi ko sila makita. Naputulan ba ng kuryente?

Halos tumalon ako sa gulat nang maramdamang may humawak sa kamay ko. Then I heard Mama's worried voice beside me.

"Anak, mabuti at gising ka na. Patawarin mo ang mama, hindi ko man lang maipaliwanag sa doktor kung anong nangyari sayo," humagulgol ito at niyakap ako.


Am I still dreaming? What's happening? Bakit madilim ang kwarto? Nasa ospital kami hindi ba? Bakit walang ilaw?

Nikolai. . .

Shit! I almost forgot about Kye! I need to go back to Tito Thiago's now. Kailangan kong bumalik. Hindi puwedeng hanggang doon na lang ang lahat. I'm hoping na we can still fix all these.


"Ma? Nasaan ka?" seryoso kong tanong at tinapangan ang sarili.

Tumigil si Mama sa pag-iyak ngunit nanatili ang mahinang paghikbi.

"Margo, narito ako sa tabi mo. . ." she answered, confusedly.

I turned to my right side and found nothing but black.

"Ma, bakit patay ang ilaw? Turn on the light, please. I need to talk to you. Please, Ma? I am not mad at you."

"Margo. . ."

"Ate!" Marthias cried and hugged me on the other side.


Mama started to cry again. Sobrang higpit ng yakap niya ngayon na tila ba mawawala na ako sa kanya. I bit my lip, trying to be calm in this situation. I don't understand what's happening, but I have to be calm.


I heard a creaking sound as what doors are making when it's opening. Nawala bigla ang mga bisig ni Mama sa akin.

"Mrs. Cristobal?" the unfamiliar voice began.

"Doc, tulungan niyo kami! Parang awa niyo, tulungan niyo ang anak ko!" 

"Mama, ano bang nangyayari?"

"Mrs. Cristobal, please calm down. . ."

When the doctor said that, lalong lumakas ang pagdaing ni Mama. Tears are forming my eyes as I started to conclude things I definitely wouldn't like. Tuluyan na lamang itong bumaksak nang marinig ang sunod na sinabi ni Mama.


"Tulungan mo ang ang anak ko, Doc! Hindi makakita si Margo!"

Your Sweet DimensionWhere stories live. Discover now