2

0 0 0
                                    

Sinubukan kong matulog ulit pero nilayasan na ako ng antok. Gabi na at kailangan ko bang mag practice ulit para sa laban ko bukas.

Sumasakit ang ulong bumangon ako sa higaan ko ng mahagip ng mata ko ang orasan. Alas onse y media na, higit isang oras nalang nasa legal age na ko.

Nagbuntong hininga na lang ako sa isiping imbis na mag saya para bukas ay kaba ang nararamdaman ko. Hindi lang dahil may laban ako sa deklamasyon kundi parang meron pang iba.

Tumayo na ako para makapag hilamos at maghanda ng kape para sa gagawing peparasyon para sa deklamasyon bukas. Tangkang bubuksan na sana ang pintuan ng aking maliit na silid nang marinig kong may malalim na pinaguusapan sina mama at papa.

"Hind...i ko alam Akel. Hindi ko alam kung matatanggap ko. Hindi ko kaya!"

"Pero melofy kailangan mo! Kailangan natin! Alam mo yan una pa lang".

Ano na naman ka ito? Ba't ba kanina pa parang may kakaiba. Ano kayang pinag uusapan nina mama at papa?

Ngumitngit ang pintuan ng aking kwarto dahilan ng pagtuon nila ng pansin sa akin. Parehas silang gulat na tila nakakita ng multo.

Bakas ang pag iyak ni mama ngunit dinaan nya lang sa pag iwas ng tingin. Kakaiba naman kay papa. Tila alam nya alam nya ng mangyayari 'to ngunit may bahid ng kalungkutan sa kaniyang mga mata.

" Ma..Pa..."

"Paralee, o ikaw pala yan, kanina ka pa diyan?

" Hindi po ma, kagigising ko lang po. Bigla po kasi akong nagutom e".

Kamot batok kong paliwanag. Dahil ayaw kong malaman nila na kanina pa ko dyan at narinig ang kanilang usapan.

"Gano'n ba, sandali ipaghahanda kita".

Tumango na lamang ako dahil pansin kong iniiwas ni mama sa akin ang mata nya.

Napabaling ako kay papa na kanina pa pala nakatingin sa akin. Tila alam nya kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

" Halika dito nak..."

"Okay lang po ba kayo Pa? Parang may sakit kayo e."

Totoo yun, pansin ko si papa na tila maagang tumatanda ngayon. Baka sa trabaho nya o sa mga ibang problems dito sa bahay.

"Ayos lang ang Papa. Ikaw ang dapat kong tanungin nyan e, May bumabagabag ba sayo, lilee?

Napatingin ako sa mata in papa. Tila alam nya talag kung ano yung nasa isip ko ngayon.

"May gusto ka bang tanungin sa amin ng mama mo?

Sinasabi ko na nga ba e. Parang nababasa talaga ko ni papa,literal.

Hindi ko alam kung nababasa nya ba yung nasa isip ko o talaga lang na kabisado niya ko.

" Ah...eh wala..wala po papa. Bat naman po naisip nyo yon?
Kunwaring natatawa ako kahit sa totoo lang parang may nagsasapakan na kabayo sa loob ko.

"M..ay hindi po ba kayo sinasabi sa akin?

Dagdag ko pa ng may pag iingat.

Sinuri muna nya ang muka ko na tila may hinahanap. Iniwas ko na lamang ang tingin ko.

" Wala naman. Tandaan mo nalang lagi paralee, May dahilan ang lahat ng bagay.

Na pinpoint nya na! That's it. Sigurado na. Meron silang hindi sinasabi sa akin. At mukang walang balak sabihin.

Ngumiti na lamang ako at sasagot na sana nang bigla akong tinawag ni mama.

"Paralee, ayan na. Kumain ka na. Tapos na kami ng papa mo.

" Thank you ma."

Naramdaman ko lang ang gutom ng maupo na ako sa lamesa at naamoy ang sarap ng inihanda sa akin ni mama. My tummy is crying.

"Nga pala lilee, bukas na yang pina-practice mo diba? Ano nga bang tawag don? Dekl...a?

"Deklamasyon po ma".

" Bukas na laban mo nak?

"Opo,pa."

"Hindi na kami magdududa kung mag uuwi ka naman dine ng medalya dahil taon taon ka naman nananalo riyan."

May pagkamangha na sabi ni Papa. Totoo iyon. Taon taon akong nanalo sa bawat laban ko.

"Ako pa ba? Yakang yaka ko yon. Tss sisiw."

May pagkamayabang kong sabi ngunit natawa lamang sila.

"Haynako Akel! Sa iyo talaga nagmana ng kalakasan ng loob itong si lilee e."

"Naman! Sa akin lahat!

Birong sabi ni papa kaya napabaling sa kanya si mama na ngayo'y may mapanuri ng mata.

" Anong sabi mo?"

"Sa akin lahat minana ni ni lilee."
Dagdag ni papa na lalo pang nagpa inis kay mama.

Tumakbo pa si papa pabalik sa kanilang kwarto ngunit rinig ko parin ang mapang asar na tawa niya.

"Iyan talagang papa mo may pagkaisip bata kahit kelan."

Natawa na lamang ako sa tantrums ni mama sa tabi ko.

"Kumain ka na lang diyan,Lilee. Maghaharap kami ng papa mo ngayon."

Doon ako lalong humalakhak. Nakakatuwa talaga sila kahit kelan. Parang kanina lang may seryosong pinagtatalunan pero kitams parang mga teen aged kung magharutan.

Tuwa at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Natandaan nila na may laban ako bukas pero Hindi nila nabanggit na meron pang espesyal na magaganap.

"Siguro nakalimutan lang nila. Baka marami lang silang naiisip. Baka naman may plano sila. Think positive paralee may laban ka pa bukas. Bawal ka ma pre- occupied.

Pilit ko nalang kinumbinsi ang sarili kong nakalimutan lang nila at may plano sila bukas.

Bumalik na ko sa kwarto dala ang kape at snacks para busog habang naghahanda.






ArcanumWhere stories live. Discover now