Simula

2 0 0
                                    


"Hoy Ysa"

Bumalik agad ang presensya ko sa kaibigan kong nasa harap ko. Tungkol ata ito sa pag volunteer ko para sa charity next week.

"Ano yun?"

Bumuntong hininga ito at umupo sa tabi ko

"Hayyy,Sabi ko tuloy kaba sa pag volunteer ?"

Isang taon na simula noong una kong pag volunteer at donate sa orphanage

"Oo,pero mahuhuli ako ng dating kase may meeting pa ang group eh"

Kinalap ko lahat ng gamit ko tapos ay sinilid to sa bag ko at hinarap sila

"Sige"

Tumayo ako at nag paalam na para pumunta sa last class ko ngayong araw. Nag focus ako sa last class ko dahil magkakaroon kami bukas ng quiz

"Ysa!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at nikata ko si Marcus.Isa siya sa mga tinutukso ng mga kaibigan ko sa akin

"Oh anong kailangan mo?"

Nag kamot ito ng batok at nahihiyang tumingun sa akin.

"Tatanungin sana kita kung pwede tayong sabay mag lunch?"

"Hindi pwede eh sorry busy kase ako "

Tumungo lang ito at nag lakad palayo habang ako nama'y umuwi sa bahay upang mag study

"Ate pumunta po dito kaninang kartero may sulat daw po kayo"

"Sige check ko nalang akyat muna ako ha call me if mag ha-hapunan na tayo"

Tumango lang ito kaya umakyat na ako para makapag study sa topic namin

Tinignan ko ang sinabi ni Anne na sulat daw pero nagulat ako ng pag bukas ko ay invitation ang laman nito. Invitation para sa anniversary ng tatay ko at asawa nito this is the first-time na binigyan ako ng invitation kaya di ako sure kung pupunta ako.

"Stop thinking about it Ysa just study"

Pangaral ko sa sarili ko dahil isang oras na akong naka tungaga sa harap ng notes ko. Inisip ko ulit iyon at ng mapagod na ay nag simula na akong mag aral.

Natapos ko ang pag study around
six ng gabi tamang tama naman sa pag tawag ni Anne sa akin.
Pagtapos namin kumain ay nag muni-muni muna ako sa hardin namin at naabutan ko si lola na naka upo sa duyan.

"La, ba't gising pa ho kayo?" Umupo ako sa tabi nito at hinaplos nito ang likod ko.

Alam kong pagod na si lola pero kinakaya niya parin para bantayan kaming mga mag kapatid.

"Hinihintay ko lang makarating ang nanay mo at tatay mo bago ako matulog" Niyakap akong bigla ni lola habang naka upo sa duyan.

Mahal na mahal ko so lola dahil siya ang tumayong magulang ko simula ng mag hiwalay ang magulang ko at inuwi ako ni nanay dito sa probinsya ay si lola na ang nag aruga sa akin. Lumandas sa mukha ko ang luhang laging naka kulong pero agad ko ring winaksi yun dahil ayaw kong makitang malungkot si lola.

"Nandiyan na pala sila marchelle at Carlito. Umakyat ka na Ysa at baka mapagalitan ka pa dahil gabi na" utos ni lola bago niya buksan ang gate nila.

Tumayo ako at inayos ang sarili bago kinuha ang mga una'ng nahulog sa duyan.

"Sige po la, akyat na ako" tumango lang si lola kaya nag mano ako at umakyat sa loob ng bahay.

Uminom muna ako ng tubig sa kusina bago pumanhik sa kwarto. Nag punas muna ako ng katawan at nag sipilyo bago matulog.

Maaga akong pumasok pagka kinabukasan dahil may meeting kaming mga Deans Lister.They all congratulate me for being the top of our Batch.After the meeting diretso ako sa first class ko which is Applied Economics nakikinig ako sa prof namin pero nakita kong sumilip si kuya boyet driver ni dad.

Nag excuse muna ako kay prof namin bago harapin si kuya boyet.

"Kuya boyet Ano po yun?"

"Pumunta ka raw sa party sabi ni sir"

Tumango lang ako kahit hindi pa sigurado sa desisyon ko at pumasok na dahil nag paalam na ito. Pag pasok ko ay patapos na ang klase kaya ng hiram nalang ako sa katabi ko at pumunta sa susunod na klase. Ka-katapos lang namin sa  Quiz namin sa Business Math last class ko na to kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Binalik na ng prof namin yung papers namin para makita ang resulta ng quiz at katulad ng dati mataas parin ang marka ko.

"Ysa, Meeting muna tayo para sa charity" sabi ni Sabrina bago ako maka labas ng silid.

Tumango ako at sumunod sa kanya kasama ang iba pa naming kasamahan sa pag volunteer.

Dinampot ko ang bag ko bago pumunta ng canteen upang bumili ng palamig. Napag kasunduan namin na mag kita-kita kami sa orphanage sa susunod na sabado upang mag tanong ano pang kailangan para alam namin ang gagawin.

"Isa pong gulaman tapos dalawang bananacue po" Inabot ko ang bayad bago umalis upang sumakay ng tryk papunta samin.

Umupo ako sa harap ng tryk habang naghihintay ito ng iba pang pasahero. Umupo ang mabangong lalaki sa tabi at umandar na ang tryk paalis ng school.

Ang gwapo siguro ng katabi ko amoy palang maka laglag panty na eh. Maka pasok sa subdivision namin ay tinuro ko kay kuya driver ang daan tungo sa bahay namin.

"Diyan nalang po ako sa may Bougainvillea" Sabi ko at pumara din naman sa harap ng bahay namin ang tryk.

Lumabas muna ang katabi ko at mas lalo kong na amoy ang bango niya kaya inamoy ko muna to bago bumaba. Nang humarap ito ay na aninag ko ang gwapo at define na angled face na naka ngisi kay ngumisi rin ako pabalik sa kanya.

"Eto po bayad ko kuya" Inabot ko ang barya at nag doorbell sa gate namin.

Nag bukas ang pinto namin at sa likod nito ay si Mang Canor ang hardinerong nag lilinis ng bakuran namin tuwing makalawa. Binati ko si Mang Canor bago dumeretso sa kwarto para mag bihis ng pang bahay na damit.

"Nay, na bigyan po ako ng invitation para sa party kela daddy" sabi ko sabay pakita nang invitation kay nanay.

Tinaponan niya lang ito ng sandaling tingin bago bumalik sa pag tipa sa laptop nito. Nasa bahay ito nag ta-trabaho ngayon dahil maselan ang pag bubuntis nito.

"Bahala ka Isabella kung anong desisyon mo matanda ka na alam mo na ang gagawin" Uminom ito ng gatas at hinilot ang sentido.

Lumabas na ako ng kwarto nila at pumunta sa kwarto ni lola sa tabi ng kwarto ni Anne. Nag bu-burda si lola habang naka bukas ang pinto sa kanyang balkonahe at naka masid sa nag li-linis ng hardin namin.

"La, kailangan ko po ng advice" Umupo ako sa upuan ka harap ng kanyang upuan at pinakita ang invitation.

Binuksan niya ito at malungkot na ngumiti doon bago tumingin sa akin. Sinara niya at binalik iyoon sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Gusto ko man sabihin na huwag kang pumunta ay hindi ko mapipigilan ang ka gustuhan mo anak" Ngumiti muna ito bago nag simulang nag burda ulit.

Mas naging malim ang pag iisip ko sa pag punta sa kaganapan sa bahay ng aking ama ngunit parang tila may nag uudyok sa aking huwag pumunta. Nag paalam ako kay lola at bumalik sa aking silid ng tumunog ang aking telepono.

Tumatawag ang driver ng aking ama ngunit sina walang bahala ko ito at pinatay ang aking telepono bago humiga sa aking higaan.

Je T'aimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon