"Ehhhh, bakit nga namimiss niyo ang tibo?!" sigaw ng Jona..

Gulat naman kaming apat na tumingin sakaniya.. Napalitan ng hiya at ilang ang mukha niya na kanina ay parang inis sa amin..

"Etong baklang 'to.. Eenge-enge ka ba?" sarkastikong sabi ko..

"H-hindi, pa'no mo naman nasabi?"

"Kakasabi ko lang kanina, 'di ba? Alam niyo naman.. Ewan ko lang dito sa Jp na 'to."

"Psh!"

Tumingin ako kay Baklang Alline na nakikinig lang sa amin..

"Oh ikaw? Ano? Tahimik ka nanaman?"

Sa aming lahat ay siya ang pinakamabait at talagang friendly, ni hindi nga niya magawang magsungit o 'di kaya magtaray eh.. Sa aming lima ay pinakauna siya sa katahimikan..

Pero iba yung katahamikan niya ngayon, eh.. Parang may problema eh.. Hmm.

"Tahimik naman talaga ako, ah?" nakangusong sabi niya..

"Ayy tahimik ka nga, Bakla.. Pero iba ngayon. May problema ka ba?" alalang sabi ko..

"Oo nga, Line.. Bakit iba 'ata ang pagiging tahimik mo today? Ni hindi ka nagsalita kahit nung nasa bahay tayo.." singit naman ng Jona..

"Wala naman akong problema, ah.. Stress lang talaga ako sa mga discussions and also sa mga rereview-hin.." pilit na ngiting sabi niya, tinapik naman siya ng Baklang Rj.

"Are you sure, bakla? Baka naman may problema ka.. Ayaw mo lang isuflak sa amin." alalang sabi ni Baklang Negra.

"Wala nga akong problema, promise!" ngiting sabi niya..

"Promise?"

"Promise!"

"Mamatay man ang Baklang Rc?" malokong sabi ni Negra, napatingin ako sakaniya na parang nabibigl.

"Yes. Namatay man ang Baklang R--WAIT WHAT?!" takang sabi nito, natawa naman kami..

Napatingin kami sa pintuan nang pumasok si Miss Leyla kasama ang mga fafa. Umupo ang mga fafa at ngumiti sa amin..

"So, good morning class!" bati ni Miss, bumati din kami. Natural. "Since, malapit na ang examination next Monday na.. Nagmeeting kami nila Dean Balmaceda and other faculties at napagdesisyonan na puro review lang tayo, walang discussion, walang recitation but merong quiz every subject.. 50 items each subject.."

'OMG! ANO BAAAAAA!!!!'

Tumango na lang kami dahil wala na rin naman kaming magagawa, eh..

"Today. Gumawa muna kayo ng reviewer for other subjects. Baka kasi magpasurprise quiz sila.."

Sasakit nanaman ang mga soft hands ko!!!! Huhuness! Pero kailangan nating gawin 'to dahil kailangan.. de choss!

"Bakla, may extra ballpen ka pa?" tanong ng Jp..

"Oh, eto!" binigay ko sakaniya yung ballpen na ginagamit ko at saka kumuha ng extra pa ballpen ko.. "Nag-aaral walang ballpen, ano pangsulat mo? Kuko?!"

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now