"Psh! Nakakainis kasi sya! Ni hindi nga sinabi kung sino 'yon?! Anong ginagawa ng babae niya don?! Psh! Nakakainis!"

"Pa'no magpapaliwanag ang syota mo kung inunahan mo ng sampal at pagbubunganga?"

Gulat naman siyang tinignan ni Irene. "P-pa'no mo nalaman, ha?!"

"Kanina.. 'Di ba umalis ako?"

"And?"

"Pumunta ako sa bahay ni Cj, doon sa bahay-bahayan niyo.." maloko sabi ni Bi.

Nakatanggap naman siya ng pambabatok galing kay Irene, sa sobrang lakas ay muntikan ng mabitawan si Baby Litlit kaya sabay-sabay kaming napasigaw sa kaba.

Mabuti at nakakapit ng mahigpit si Baby litlit. Bigla na lang umiyak si Baby Litlit kaya hinile-hele siya ni Anella na hinampas ng mahina sa hita si Irene na nag-sosory..

"Ano ba 'yan, Tomboyish?!"inis na sigaw ni Jp..

"Akina nga, Tubercio!" sigaw din ni Rc at kinuha ang umiiyak na Litlit saka pinatahan..

Tumingin si Anella ky Irene at ngumuso.  "Makabatok ka! Sakit!" natatawang sabi pa niya kaya natawa na kami..

'Siraulo talaga 'to, eh!'

"'Yon nga.. nung pumunta ako sa bahay niya.. Syempre tinanong ko siya. Syempre sinagot niya. Nagpaliwag sa akin, nagkwento. 'Yon nga.. Hindi daw siya nakapagpaliwanag kasi puro sampal ang inabot niya sa'yo.."

"E-eh, anong sabi niya? S-sino daw yung babae?" si Irene

"Bakit ko sasabihin? Mas mabuting si Cj na ang magsabi sa'yo dahil una sa lahat hindi mo naman ako syota. Pangalawa, wala naman akong karapatan dahil dapat si Cj ang nagpapaliwanag hindi ako at pangatlo, tinatamad na akong magsalita.."

Natawa ulit kami at pinagmasdan si Irene na isukbit ang shoulder bag niya.. "I'm going! See you sa Monday,  girls!" paalam nito at nakipagbeso sa amin..

"Hay. Hindi kaya sila nagsasawa? Puro na lang sila away?" nangiwi na sabi ni Julzia na tila siya pa ang napapagod para sa dalawa.

"Nagbabati rin naman.."

Napatingin ako kila Lance at talagang nakakainis dahil nakatingin parin siya sa akin..

'Ano naman kayang trip netong Lancilot na 'to?!'

Jp's POV

Napatingin kami kay Tomboyish nang tumayo siya. Tumingin siya kay Baby Litlit na natutulog na sa balikat ni Baklang Rc..

Lumapit siya kay Baklang Rc at dahan-dahang kinuha si Litlit. Napairap ako nang makita ang pasimpleng pag-amoy ni Bakla sa honey ko.. Kahit naman kasi hindi niya ilapit ang sarili ay naaamoy padin namin si Anella.

Grabe, sobrang bango niya.. Malayo palang, naabut na ng pang-amoy ko yung amoy niya..

Naglakad siya ng dahan-dahan at pumasok sa loob. Ilang minuto lang rin ay nagpalit na kami ng damit doon sa guest room dahil sabi ni Tita Armella ay maraming mga damit dito..

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon