Paranoia

22 2 0
                                    




PARANOIA

Napabalikwas ako mula sa'king pagkakahiga nang biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad sa akin ang pigura ng isang lalaking nakatayo sa harap ko, matalim na nakatingin sa'kin. Dala ng matinding takot ay napasigaw ako. Akmang tatayo na sana ako upang kumaripas ng takbo, ngunit agad nya akong sinunggaban, dahilan para mabalik ako sa pagkakahiga habang nasa ibabaw ko sya. Nagpupumiglas ako ngunit sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin. Sumisigaw ako ngunit wala na akong mailabas na kahit anong ingay dahil sa pagkakatakip ng isa nyang kamay sa'king bibig. Marahas nyang pinunit ang aking mga damit at wala na akong nagawa nang pumagitan sya sa'king mga hita. Wala na akong nagawa kundi ang mapaluha.

    Pakiusap... Tama na!

    "Tama na!" sigaw ko kasabay ng pagbangon ko mula sa'king pagkakahiga. Patuloy lamang ang paghangos ko habang mahigpit na yinayakap ang aking sarili upang matakpan ang aking katawan mula sa bangungot na hindi ko matakas-takasan. Napasabunot ako sa'king sarili habang patuloy na umaagos ang luha sa'king mga mata. "Kailan ko ba makakalimutan ang bagay na 'yun? Kailan nya ba 'ko titigilan?!"

    Huminga ako nang malalim. Pinilit ko ang aking sarili na tumayo upang pumunta sa kusina't uminom ng tubig. Nang mapadaan ako sa salamin sa kusina ay napahinto ako. Napatingin ako sa'king sarili at nakita ang mga panibagong pasa na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Mas dumadami ito kaya't kailangan ko na sigurong magpatingin sa doktor.

    Nang makainom na ako ay napatingin ako sa orasan: alas-tres. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko maiwasan ang paninindig ng aking mga balahibo dahil sa lamig at kadiliman na bumabalot sa apartment ko. Hindi ko rin mapigilan ang kakaibang pakiramdam na tila may nagmamasid na naman sa'kin mula sa kung saan; tila nakatitig at binabantayan ang bawat pagkilos ko.  Agad naman akong tinamaan ng takot at kaba kaya't nataranta ako't mabilis na naglakad pabalik sa kama para muling matulog.

    Habang nahihimbing ka sa pagkakatulog ay dahan-dahan akong lumabas ng cabinet na pinagtataguan ko simula pa kanina. Naglakad ako patungo sa'yo at maingat na inilalapit ang aking mukha sa'yo, na siyang dahilan para maamoy at malasap ko ang mabango mong buhok. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ka hawakan dahil ramdam na ramdam ko ang init ng iyong katawan. Gusto kitang angkinin, nakakapanggigil ang maputi at napakinis mong kutis.

    Sinubukan kong dilaan ang iyong braso ngunit bigla kang gumalaw at umungol nang malakas. Sigaw ka nang sigaw—Tama na! Tama na! Agad naman akong nataranta kaya't dali-dali akong bumalik sa cabinet na pinagtaguan ko. Dito ay muli kong pinagmasdan ang lahat ng iyong kilos, magmula sa'yong paghangos, pag-inom ng tubig, pagkataranta, at hanggang sa'yong muling paghiga. Alam kong nararamdaman mo ako kaya't hindi maalis ang ngisi sa'king mga labi.

...

    Naramdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw sa'king mukha. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at dahan-dahang bumangon. Napahawak ako sa'king ulo nang bigla itong sumakit. Marahil ay puyat ako dahil sa madalasan kong paggising sa kalagitnaan ng aking pagtulog sa tuwing binabangungot ako o tuwing nararamdaman ko na tila may nakatitig sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ilang araw na rin kasi akong nakakaramdam na tila may taong laging nakasunod sa'kin sa tuwing uuwi ako galing opisina o sa kahit saan man ako magpunta. Hindi ko mapigilan ang hindi matakot.

    Tumayo ako't dumiretso na sa banyo upang maligo. Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napaatras nang makita ang anino ng isang tao sa likod ng kurtina ng aking paliguan. Agad na gumapang ang takot sa aking katawan kaya't mabilis kong kinuha ang walis-tambo na nasa tabi ko at ipinanghawi sa kurtina, ngunit agad naman akong nakahinga nang maluwag nang makitang walang tao. Masyado lang siguro akong pinaglalaruan ng isip ko dahil palagi akong kulang sa tulog.

Paranoia (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now