Chapter 4
Nang maka-uwi ako sa bahah ay hindi ko naabutan si Mama Netty, kaya dumeretso na ako sa kwarto ko.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa kwarto at hawak-hawak ko pa ang doorknob ng pinto ko ng matigilan ako sa nakita ko.
"M-m-mommy?!" Likod pa lang ang nakikita ko pero hindi ako pwedeng magka mali si Mommy ang taong nasa loob ng kwarto ko ngayon.
Napalingon naman sya sa akin at ang laki ng ngiting salubong nya.
"Baby Aaaaaaa!!!" Sigaw nya na may malaking ngiti at patakbong lumapit sa akin.
Nang makalapit sya sa akin ay agad nya akong niyakap ng napaka-higpit.
"Namiss kita ng sobra, Baby A." Sabi ni Mommy habang yakap-yakap ako.
"A-a-nong g-g-ginagawa nyo dito, Mommy?" Nauutal kong tanung.
Humiwalay naman si ng yakap sa akin saka nagtataka akong tiningnan.
"Anong klaseng tanung ba yan, Baby A? Di mo ba ako namiss?" Nagtatampong sabi ni Mommy sa akin.
"Namiss ko po kayo syempre, ang ibig ko lang po'ng sabihin ay bakit biglaan yung pag-uwi mo, kasama nyo po ba si Daddy? Eh si Kuya po?"
"Isa-isa lang sa pagtatanung sa Mommy mo A." Napalingon naman agad ako sa nagsalita mula sa likuran ko.
This time hindi na kailangan sagutin ni Mommy yung tanung ko about kay Daddy, kung kasama ba nya ito.
Dahil si Daddy na mismo ang nakita at narinig ko mula sa likuran.
"Kami lang dalawa ng Daddy mo ang naka-uwi dito, A. Masyadong busy ang Kuya mo sa pag-aaral eh." Sagot ni Mommy. "Hindi rin talaga namin sinabi sa'yo na uuwi kami kasi gusto ka naming sopresahin."
At talagang na sopresa naman ako, buti na lang talag at maayos ang itsura ko ngayon.
At buti nalang talaga at nauna akong naging espasol kaysa sa magmukhang basang sisiw, dahil kung nagkataon lagot na ako.
"Na suprise ka ba, A?" Tanung ni Daddy na ngayon ay nasa gilid ko na.
"O-oo naman p-po." Nauutal kong sagot.
Super suprise pa nga eh.
"Ah, Mommy, nasan po si Mama Netty?" Tanung ko kay Mommy ng maalala ko na hindi ko naabutan si Mama, pagdating ko kanina.
"Ah, umalis saglit, bumili ng stocks natin dito sa bahay.
"Ah, ganun po ba. Kumain na po ba kayo?"
"Hindi pa. Kasi hinihintay ka naming dumating. Tamang-tama naman pala ang akyat ko dito, kakatapos ko lang magluto. Tara na sa baba." Sagot ni Daddy.
"Magbibihis lang ako, susunod din po ako agad."
"Sige, sunod ka kaagad ha." Mommy.
"Opo, Mommy." Ngiting sagot ko kay Mommy.
Nang maka-alis na sila ay nag-umpisa na akong kumilos.
Inilagay ko muna ang gamit ko sa may study table, para mamaya kapag mag-aaral na ako ay madali na lang para sa akin kunin ang mga kailangan ko libro.
Nang mahubad ko ang coat ko nakita ko ang naka burdang pangalan ko.
"Shit! Buti na lang talaga hindi napansin nila Mommy at Daddy 'to." Bulong ko.
Hindi ko na muna initindi ang uniform ko atsaka ako nagmadaling magbihis, saka ako bumaba.
Naabutan ko sila Mommy at Daddy sa kusina kasama na nila ngayon si Mama Netty.
"Oh, A. Naka-uwi ka na pala." Si Mama Netty.
YOU ARE READING
The Campus Nerd
General FictionSi Alice ay isang campus nerd, tampulan ng tukso dahil sa kanyang salamin at mala-manang na kasuotan. Pero ang hindi nila alam ay ang tunay nitong pagkatao.
