Liham ni Peter

26 4 1
                                    


"Isang dosenang taon ng pagsusumamo. Napakahabang panahon ng pagdurusa. Pagluluksa sa paglisan ng aking pinakamamahal na ama. Paghahanap ng malalambot na kamay na sasalo sa akin tuwing nalulugmok sa kalungkutang nadarama. Araw-araw ay nagdarasal ng isang himala – ang milagrong muling makapiing ang puwersang dumaramay sa akin sa kasiyahan at maging sa kapighatian.

Kinalakhan ko na ang pagkasabik sa pagkalingang inaasam-asam. Gutom na gutom at uhaw na uhaw sa pagmamahal na nais na makamtan. Nagmamadaling pawiin ang mga sakit at hapdi sa aking kaloobanm Mga silakbong nagpapabigat ng aking damdamin at nagpapagulo ng aking isipan. Pilit na hinuhuli ang mga kasagutan sa mga katanungang labindalawang taon kong tinago at kinimkim.

Pumapatak ang aking mga luha. Umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan. Patuloy lang ito sa pagdaloy habang binabalik-balikan ng aking mga alala ang mga pinakamadilim na bahagi ng aking buhay. Tatlong taon. Mahigit talong taon na ang nakalipas simula ng madaanan ko ang dilubyong pumigil sa aking mabuhay blang obra-maestra ng Panginoon na kompleto at buo bilang tao.

Tatlong mahahabang taon ang upias nang maaninag kong muli ang anino ng aking ama. Lahat ng aking paghihirap ay parang mga bulang naglaho. Kasama ang malamig na simoy ng hangin at maliit na patak ng ulan sa kalangitan, natanggal ang kirot na matagal ng nananatili sa aking puso. Napalitan ito ng ligayang hindi ko maipaliwanag.

Ang buhay nga ng isang nilalang ay parang gulong, minsan nasa ibabaw at minsan naman sa ibaba. Nakasalalay sa atin kung paano pamahalaan an gating buhay at kung paano tayo maghusga sa isang sitwasyon. Maaaring tanggapin natin ang mga pagsubok sa ating buhay bilang motibasyon o gawin natin ito bilang sisira sa atin. Ang ngiti ni itay ang nagsisilbing kanin ko. Ang luha ni itay ang tumatayo bilang tubig ko...."

Mga huling katagang nabasa ko bago isara ang liham para sa akin ng anak ko. Naglalaman ng mensahe para sa akin- para sa ama niyang hindi niya man lang naging ama.

"Anak... Peter... Patawad sa paglisan ko... Sa pagiging duwag ko..."

Liham ni Peter (Completed)Where stories live. Discover now