Sa tuwing sasapit ang araw ng mga Nanay (Mother's Day) ang ate ni Rica, ay laging umuuwi upang batiin at Regaluhan ang kanilang Ina ng ibat-ibang mga mamahaling mga gamit at damit
Bago sumapit ang araw ng Mother's Day, medyo napa aga ng walong araw ang pag uwi ng kanyang nakatatandang kapatid. Halos lahat ng Atens'yon ay paniguradong sa kaniya na naman. Kung sa bagay kahit naman wala ang kanyang ate ay Hindi parin naman siya nabibigyang pansin at halaga ng kanilang Ina.
ISANG ARAW naisipang ipagluto ni Rica, ang kanyang Ina ng mga paborito nitong mga pagkain ngunit hindi man lang ito tinikman or tinigna man lang ng kanilang ina, abala ito sa pagkain ng Friend Chicken na binili pa sa KFC ng kanyang Ate. Isang Gabi, bigla nalang naglaho ang ate ni Rica ng wala man lang paalam, nag alala ng labis ang kanilang mahal na ina.
" Bakit tila ba balisa ka 'Ma?heto po ang tubig at maupo po muna kayo," sambit ng Dalaga sa kanyang ina habang hinahagod niya ang likuran nito
" Dalawang araw na kaseng hindi umuuwi ang ate mo, alam mo naman 'yon hindi naman niya ugaling umaalis ng walang paalam?" pag aalalang tugon sa kanya ng kanyang ina
" Oo nga pala! nakalimutan ko pong sabihin sa iyo 'Ma. Pinapasabi po ni ate na may inaasikaso lamang siyang importanteng mga bagay tungkol sa kanyang trabaho, dahil sa pagmamadali'y nakalimutan na niyang magpa alam sa'yo kaya ipinasabi nalamang po niya sa akin, kaagad din po s' yang babalik bago sumapit ang araw ng mga ina, isa pa pong bilin n'ya. Dapat po kainin ninyo lahat ng mga pagkain ihahanda ko sa iyo, ok po?" panghihikayat at pagpapa kalma nito sa kanyang mahal na Ina
Pumayag naman ang ina ni Rica, limang araw bago sumapit ang Mother's day. Unang araw pinagluto niya ito ng Dinuguan
" Hmm...ang sarap neto! mas masarap kaysa sa iba mong niluto nitong mga nakaraang araw" naka ngiting pagpuri ng kanyang ina Sa kanya
Pangalawang araw (Adobo)
Pangatlong araw (Bulalo)
Pang apart ( Miswa with MeatBalls)at ang panghuli...
" Sabi mo ay uuwi din kaagad ang ate mo, bakit hanggang ngayon ay pala parin s'ya? Kinain ko naman lahat ng mga pagkaing inihanda mo. Sabihin mo nga sa'kin nag sisinungaling kalang ba? Upang tikman ko lahat ng mga walang mga kwentang luto mo!!" galit na litanya ng ina habang nanlilisik ang mga Mata nito na nakatuon sa kinaroroonan n' ya.
" Sandali po Mama, kukunin ko s'ya" nangingiting sagot ni Rica sa kanyang Ina
" Anong kukunin? sinong s'ya?tila ba ang Saya niya ngayon?" pagtatakang tanong ng kanyang ina sa kanyang sarili
Pagpasok ni Rica, dala niya ang isang bagay na may kandila pang nakalagay sa may itaas nito, labis naman ang pagka gulat ng kanyang ina sa nakita
" Happy Mother's Day Mama " naka ngiting pagbati ni Rica sa kanyang ina, habang hawak-hawak nito ang isang tray na may laman. May lamang ulo ng tao
" A-An-anong ginawa mo sa kanya! Ba-bakit mo hawak ang ulo niya?" Natatakot at nauutal na wika ng ina habang umaagis ang masagang tubig sa mga mata nito
" Sabi ko naman po sa iyo Mama, darating s'ya sa araw na ito, wala nga lang buhay. Heto narin po ang huling putahe na maihahanda ko sa iyo mula sa katawan ni Ate " natutuwang tugon ni Rica, sa ina habang tumatawa ito ng pagka lakas lakas na animoy nasisiraan na
" Anong ibig mong sabihin na huling putahe? huwag mong sabihin na...hi-hin-hindi maaari!" namumutla at natutulalang tugon ng ina sa babaeng kaharap niya
Tama po Mama, naalala n'yo po ba yung masarap na Dinuguan?syempre galing 'yun sa Dugo niya. iyong mga laman-laman galing naman iyon sa Dibdib, hita at puwetan niya. Iyon namang bulalalo syempre alam na, sa buto-buto niya. Iyon namang miswa na may Meatballs, galing naman iyon sa mga daliri niya sa kamay at paa. Naalala n'yo po ba nung may nakapa kang parang kuko ng manok dun sa Meatballs? kanya po iyon, ang sarap po niya di ba?Heto nalang po ang natira" Masayang paglalahad niya sa kanyang ina
Hindi malaman ng kanyang ina kung ano ang kanyang gagawin, gusto man niyang iluwa lahat ng kanyang kinain ay wala na rin siyang magagawa, kung hindi umiyak sa tabi habang pinagmamasdan ang ulo ng kanyang anak na may nakalagay pang kandila sa may huluhan nito. Gumuho ang Mundo ng Ina dahil sa nasaksihan pero mas guguho ang Mundo ni Rica sa katotohanang malalaman
" Nakakatakot ka! Pero mas nanaig ang awa ko sa'yo, pinatay at kinatay mo ang iyong sariling Ina" pagsisiwalat ng kanyang nagisnang ina.
" Hindi 'yan totoo, paano iyon mangyayari? kahit nga nobyo ay wala siya anak pa kaya?nababaliw ka na yata 'Ma?" natatawa at di makapaniwalang tugon niya sa kanyang nagisnang ina
" Bata palang ang iyong Ate ng pagsamantalahan siya ng kanyang mga tuyuhin at ikaw ang naging Bunga n'un, kaya naman sa tuwing nakikita ka niya ay kumukulo talaga ang dugo niya sa iyo. Manang-Mana ka talaga sa iyong mga Ama, mga demonyo kayo!!" galit na wika ng ina inahan
" Hi-hindi...hindi!!!" sigaw ni Rica, dahil sa kanyang nalaman nabitawan niya ang ulo ng kanyang tunay na ina at gumulong gulong ito sa may tabi ng kurtina. Muling bumalik sa kanyang mga alaala ang malupit at karumaldumal na pagpapahirap na ginawa niya sa kanyang sariling ina
Isang gabing maulan habang abala ang kanyang ate sa panunuod ng telebisyon, inabutan niya ito ng gatas
" Ate mag gatas ka muna" naka ngiting sambit ni Rica sa kanyang kapatid
" Salamat " pabalik na tugon nito sa kanya at sinimulan na nga itong inunom ng ate n'ya
" Mabuti at Gising ka pa?" Pagtatanong ng kapatid Kay Rica
" Ah wala Ate, pinaghahandaan ko kaseng ipagluto si Mama ng mga paborito niyang mga pagkain kahit na limang araw lang sana?" Sagot ni Rica, sa tanong ng kapatid
" Saan ka naman kukuha ng mga ipapakain mo sa kanya aber?akala mo marami kang pera ah, siguro kinukupitan mo si Mama no? " pagalit na tugon sa kanya ng kanyang ate
" Kaya nga hinihintay kita e, upang may mailuto ako" natutuwang tugon ni Rica, sa nakatatandang kapatid. Ilang minuto lang ang nakakalipas at hindi na nga ito makapagsalita at makagalaw. Nilagyan ni Rica ng Anesthesia ang gatas na ibinigay niya sa kanyang ate, habang pinuputulan niya ito ng mga daliri. Wala itong tigil sa pagluha, 'di man lang ito makasigaw at makagalaw. Ang bawat paghihirap ng Ina mula sa kanyang mga kamay ay siya na niyang nadarama ngayon
Ang buong paliligid ay nagliyab na ngunit hindi ito pinapansin ni Rica, dahil sa labis na pagsisisi sa nagawa sa kanyang tunay na Ina
" Mama, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?maiintindihan naman kita, patawarin mo ako hindi ko naman alam. Mama!!! " iyan na lamang ang mga huling nasambit ng Dalaga habang ang buong paligid ay nilalamon na ng apoy. Nilapitan niya ang ulo ng kanyang ina at niyakap niya ito ng mahigpit
Ang kanyang itinuturing na ina ay nakalabas man sa nagliliyab na silid, ngunit kasabay din n'un ang pagtakas niya sa kanyang katinuan
— Walang maidudulot na maganda ang inggit at galit sa kapwa—
BINABASA MO ANG
Espesyal na Putahe
Mystery / ThrillerHuwag itago ang ugat ng nakaraan upang di maging itim ang bunga ng kasalukuyan.
