Chapter 01 - The Only Constant Thing

Start from the beginning
                                    

Hindi na ako makasagot sa kaniya at bigla siyang niyakap. Natapos na din itong magligpit ng mga dadalhin kong damit para sa bagong bahay ng pamilyang aking titirhan. Lumabas na ito ng kwarto naming magkakapatid habang dala-dala ang duffel bag na rinegalo sa akin ni Papa noong birthday ko.

Bago ako lumabas ng kwarto namin ay tiningnan ko muna ang mga kapatid ko na umiiyak. Si Angeline na edad 14 at dala-dala nito si Anthony na 8 months palang, habang si Roger naman ay nakahawak sa kamay ng ate nito. "Kuya, 'wag mo kaming kalimutan ha?" Roger begged. Napalunok ako dahil alam kong mawawalay ako sa tatlo kong kapatid at sa Mama ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Roger pati narin ni Angeline at ng maliit kong kapatid. "Hinding hindi ko kayo kakalimutan. Hinding hindi." I looked at them whilst crying, ang sakit kasi alam kong hindi ko na sila mababantayan at hindi ko kayang iwan sila ni Mama.

Alam kong labag sa loob ko. Pero kailangang isakripisyo ko ang sarili ko alang-alang sa kinabukasan ng pamilya ko. Labag man para sa akin, pero alam kong kailangan ko para sa kanila.

Niyakap ko silang tatlo atsaka kinapa-kapa ang mga mukha nila para maalala ko kung ano ang mukha nila. "Mami-miss ko kayong tatlo." Umiiyak parin sila kaya tinahan ko sila. "Angel, you're the ate na ha? From now on ikaw na ang magiging ate at kuya, alagaan mo nang mabuti ang dalawang bunso." Paalala ko sa kaniya na kinatango naman nito.

"Kuya, bibisitahin mo naman kami diba?" Tumango ako sa tanong nito sa akin.

"Gagawa ako ng paraan."

Pagkalas namin ay sakto namang tinawag ako ni Mama para lumabas. "Nak, naghihintay na sila sa iyo sa labas." Ani Mama habang nakangiti ng matipid sa akin. Alam ko ang ngiting iyan at ayaw na ayaw kong makitang pinipilit nito ang kaniyang sarili na ngumiti kahit na alam kong may itinatago itong poot sa loob ng kaniyang puso.

Nakikita ko ang katawan ng babaeng mag-aampon sa akin. Nakatayo lang ito sa harap ng sofa namin habang hawak-hawak nito ang bag na puno ng damit ko. She looks like the type of woman na makikita mo sa mga magazine, yun bang nagmamay-ari ng mga damit na mamahalin o 'di kaya isang asawa ng mayamang businessman sa bansa.

Red ang lipstick nito at kulay brown ang buhok niya na nakastyle na parang pang 80's. I think kasing edad niya lang si Mama. Napangiti ito nang makita niya ako. "Gelo, come here." She ordered, nagdalawang isip pa ako na lumapit sa kaniya pero wala na akong nagawa dahil siya na mismo ang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Gelo, from now on you're going to be living with us ha?" Utos nito sa akin.

I am already 17 at alam kong sumunod. Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin.

Thats what I wanted to say at least. Pero mukha naman itong mabait kaya naman tumango na lang ako sa kaniya kahit umiiyak aki. Lumingon ako para tingnan si Mama na bigla na lamang umiyak. "Maam Abeline, pa-pakialagaan ng mabuti si Gelo." Paalala nito sa babaeng nasa harap ko.

She nodded atsaka hinalikan ako sa noo. "He's going to be the perfect person ever made." Nakangiti nitong sinabi kay Mama.

Agad siyang kumalas sa pagkakayakap niya kaya naman ay tumakbo ako at yumakap kay Mama. "Ma, mami-miss kita." Ani ko rito atsaka siya hinalikan sa kaniyang pisnge.

"Mag-aral ka ng mabuti nak ha? At sundin mo palagi ang utos ng Mom mo." Alam kong labag sa kaniyang sabihin ito, na ipamimigay nalang niya ang anak niya nang basta't-basta pero alam ko naman na, In life you have to make a sacrifice.

And I was a sacrificial lamb for them — and that includes her pride as a mother.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya pero agad niya akong binitawan atsaka pinalapit ako kay Abeline. Hinawakan naman ako sa kamay nang babae atsaka lumabas na kami ng bahay namin. Napalingon ako sa kanila na umiiyak. "I love you." Ang huli kong nakitang sinabi ni Mama hanggang sa pumasok na kami sa loob ng magarang sasakyan nang taong aampon sa akin.

Narinig ko na lamang na umandar na ang sasakyan at pinagmasdan ko ang bahay namin na agad nang nawala dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan na sinakyan namin.

Hinawakan ng babae ang kamay ko. "Gelo, I know it's hard but in life kailangan mo ring magsakripsiyo." Mahina at malambing nitong sinabi sa akin habang hinimas ang kamay ko. Nakatingin ang babae sa akin ng mataimtim, she was sympathizing.

Bigla naman nitong kinuha ang bag ko na nakapatong sa taas ng upuan na kung saan siya nakaupo atsaka binaba ang bintana ng sasakyan niya at tinapon ito sa labas na kinabigla ko.

"From now on, everything's going to change dear." She added. Napatingin naman ako sa kaniya, dahil nabigla ako sa kaniyang ginawa.

Hindi ako naimik dahil tina-try kong itahan ang sarili ko. Natatakot na ako.

Dahan-dahan naman nitong pinunasan ang luha ko, habang nanginginig ako sa takot. "Papa-aralin kita, bibigay namin lahat ng gusto mo." She assured me.

"P-paano naman po ang mga kapatid ko? Si Mama?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. She sighed and then smiled whilst looking at me.

"Don't worry. Buwan-buwan papadalhan namin sila ng pera." She answered. "I know it's hard for you to stomach everything right now but I promise you. This will make sense someday."

"Gelo, you will change. You will be a better version of yourself. I will take care of you, the Gustilyo's will take care of you." She added.

Napatingin naman ako sa kulay honey brown nitong mata. "From now on, you will be Daniel Rouge Gustilyo." Nakangiti nitong sinabi sa akin.

"From now on you will be one of the Gustilyo's."

And that was the day, I proved to myself that the word 'change' was the only constant thing in this world.

© 0528/3120






VOTE AND COMMENT 🤍
Pero mas need ko comments 😭

So how's the first chapter?

ROUGE (androgynousxstraight)(bxb) -ongoingWhere stories live. Discover now