Chapter 1.

56.8K 808 106
                                    

Sanay na sanay na ang paningin ko sa dilim. Mas tumalas ang pakiramdam ko at kahit nanghihina ako, alam ko na kaya ko na tumakas. I have been silently planning my escape. And it's tonight.. Or never.

"Oh, isang bote ng tubig ka lang ngayon at tatlong pandesal." The door opened, and the man in dark blue jacket came in and threw a plastic bag with a logo of a well known super market.

Kasabay non ang pagbukas ng dim na ilaw. It wasn't that bright, kaya napa kurap lang ako.

"Kung hindi ka ba naman kasi gago, edi sana matagal ka na naka alis dito." He said again at sinipa palapit sa akin ang plastic bag.

Nakatayo lang sya at naka tingin sa akin.

I guess, I would never forget that face in my entire life. He's been the one who is tasked to give me food and water. Alam ko rin ang strategy nila. They give me enough food and water to keep me alive and still sane, but not too much to make me gain mg strenght. It was clever, actually.

"Oh kumain ka na ha." Nagkamot ng ulo ang lalaki. He closed the door and sat at the chair in front of mine. "Oh, bakit naka tanga ka pa? Kumain ka na!" Sigaw nya pa.

Hindi ako nagsalita. I got the bread and the bottled water from the plastic. I took my time in eating habang abala sa lumang cellphone nya ang lalaki. He was all focused, hindi nya namalayan na tumayo na ako at kinuha ko sa ilalim ng upuan ang tin can na ginawa ko'ng kutsilyo.

Pinagbigyan nila ako one time when I asked a coke in can. They thought they're clever enough dahil walang kasamang pagkain ang binigay nilang iyon, but I was smarter. Tinago ko ang tin can na hindi naman na nila hinanap and made into a sharp knife.

I stood next to him.

Tiningala nya ako, and that's the time I covered his mouth with my hand, while the other hand holding the knife lodged into his stomach.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata nya. He was terrified. He knew what happened. Bumagsak ang cellphone nya, it broke in three pieces. I wanted this to be over, kaya inikot ko ang patalim sa kanya. Napa igik sya bago sya bumagsak mula sa kinauupuan nya.

I would mourn his death if he won't survive after this, but right now, I need to get his jacket bago pa tuluyang kumalat ang dugo nya. I changed intp his pants, shoes and baseball cap. Payat lang ng kaunti ang lalaki sa akin at kung tama ang hinala ko na mga naka inom ang mga madadaanan ko sa labas, they won't really recognize me.

Mariin ako'ng napapikit habang nakita ang halos hubad na lalaki sa harap ko. I'm not like this, this isn't me, but I had to do this. Ipagdadasal ko na lang na sana mabuhay sya. I got the keys from his pocket. Kapag umaalis na sya ay nila lock nya na ang pinto sa kinaroroonan ko'ng kwarto na walang bintana. Cold concrete walls.

Huminga ako ng malalim, ibinaba ko ang cap sa mukha ko at dahan dahan na pinihit ang seradura para makalabas ako. Walang tao. Agad ako'ng tumalikod at yumuko para i lock ang pinto. Nagulat ako ng may umakbay sa akin mula sa likod ko.

"Pre naman. Sabi ko naman sayo wag mo na dalhan ng pagkain ang gago na yan, eh. Dapat dyan mamatay na. Hindi rin naman mapapakinabangan." Then he laughed. His words are slur and he smelled of liquor.

Hindi ako sumagot. My freaking heart beats faster. Kinakabahan ako.

Bigla nya ako'ng tinapik sa balikat. "Sige pre. Balik ka na sa pwesto mo. Baka hinihintay ka na nila Magno." Then he chuckled at susuray suray na umalis na.

I stayed immobile for a second. Kinakabahan ako. Pero kailangan ko lakasan ang loob ko. I wanted to leave this horrible place. Kahit makirot pa ang ilang pasa at sugat ko. I have to go. Bahala na.

Still Madness [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon