Isa na iyong bangin na wala nang koneksyon o nakapagitan. Kung titingnan ay parang napaka-imposible na may tulay na tumayo roon nang napakatagal. Iba talaga ang nagagawa ng itim na mahika.

"How did you do it?" hindi makapaniwalang tanong ni Rosh.

Lumingon ako sa kanya at tipid na ngumiti sa prinsesang siyang buhat niya. "Si Divina ang tumulong sa akin..."

Lahat sila ay tumitig sa munting prinsesa na ngayo'y inosenteng ngumingiti habang nakapikit ang mga mata. "Prince Rosh..." usal niya.

"Namalikmata ba ako? Parang nakita ko ang anak ni Danna..."

"Tinawag siya ni Divina. Si Desmond ang isa sa nanguna upang tulungan ako."

"Seems like we've missed a lot of things while we were in a trance..." ngumisi ako sa sinabi ni Rosh.

"Mas mabuting ipagpatuloy na natin ang paglalakbay."

Nauna na akong naglakad sa kanila at tuluyan nang tinalikuran ang pinangyarihan ng makasalanang tulay. Gamit ang kapangyarihan ko biglang diyosa, pinalitan ko ang kasuotan kong napupuno ng dugo ng bago. Malinis at puti na karaniwang isinusuot ng mga diyosa.

"What happened to our carriage?" tanong ni Rosh.

"Hindi na nila kinaya." Pagsisinungaling ko. Mas mabuting hindi ko na sabihin na sila mismo ni Nikos ang siyang dahilan kung bakit wala na kaming sinasakyan ngayon.

"Siguro'y ilang oras na lang ay mararating na rin natin ang kubo." Ani ni Hua.

Gusto ko sanang hindi na kami tumigil at patuloy nang maglakad upang makarating sa kubo, ngunit alam ko na lubos na rin ang panghihina nila katulad ko.

"Nagbago ang aking isipan, siguro'y mas makabubuti na magpahinga muna tayo sa ilalim ng isa sa malalaking puno. Kailangan natin ng lakas, hindi natin alam ang siyang susunod natin haharapin..."

Walang tumutol sa kanilang tatlo. Si Nikos ang siyang pumili ng aming posisyon kung saan kami magpapahinga. Si Hua naman ang naghanap ng maliliit na kahoy na siyang gagamitin niya sa pagsiga ng apoy, habang nakaupo na kami Rosh at nakasandal sa malaking puno.

Nanatiling nasa braso niya si Divina na hanggang ngayon ay natutulog. "I'm sorry..."

Niyakap ko ang aking mga binti at itinago ko ang aking mukha sa aking mga tuhod habang nakatitig ako sa unti-unting nagliliyab na apoy.

"Lahat ng nilalang ay may kahinaan, Rosh. Naiintindihan kita... kayong tatlo... kung siguro'y hindi ako diyosa at hindi nalalaman ang kakayahan ng tulay, nasisiguro kong sa sandaling magkita si Dastan ay sasama ako... ako rin ay higit nang nangungulila sa kanya..."

Hind siya sumagot sa akin. Katulad ko ay nakatitig na rin siya sa apoy.

"Wala pa tayo sa kalahati ng ating paglalakbay, Rosh. Ngunit habang tumatagal mas mahirap ang siyang sumasalubong sa atin..."

"Mahirap ngunit nalampasan mo. I was too hesitant to cross that bridge... dahil alam kong mawawalan ako ng bisa. I am really sorry..."

"Rosh..." hinawakan ko ang braso niya. "Hindi sa lahat ng pagkakataon malakas ka. Naiintindihan ko ang iyong kahinaan. Ang importante ay ligtas tayong lahat at maramin nang nilalang ang siyang nakalaya..."

Yumuko siya kay Divina at hinaplos niya ng kanyang ilang daliri ang pisngi ng prinsesa. "Thanks to this silly princess..."

Ngumiti ako.

Nang matapos sa pagsisiga si Hua at bumalik na si Nikos na may mga dalang mga prutas, pinili na namin na mas lumapit sa apoy para higit kaming mainitan.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now