Chapter 26

29 27 0
                                    

'Kiely  POV'

Another school trip sponsored by our school for us all 3rd year students. Papunta kami ngayon sa beach, same late listed kaming walo. Ewan ko sinadya na naman siguro ito ng Groupo ni Micco. Kasalukuyan kaming nasa bus nagbabyahe pa papunta sa paroroonan namin, magkatabi kami ni Archer, syempre.

Matapos nong mangyari samin sa CR, Hindi naman kami nagka awkward sa isa't isa o sadyang ako tong malandi na hindi nakakafeel ng awkward. Nakasandal pa ang ulo ko sa balikat ni Archer habang siya nakapikit ang mga Mata.

"Eherrmmm! Eherrmmm, love team naba yan Kiely?"-sigaw ni Clark na nasa likod namin

"Aweeee, May love team na pala tayoo ng di natin alam"

"Ngayon mo pa ba alam Clark Keener? My gudnes late updated ka Rin pala hindi lang late listed"-sabat ni Livvy sa tabi niya, magkatabi din kasi sila, gayon din Si Valerie at Demicco si Dim at Spenser naman ang magkatabi

"Bakit? Eh anong tawag niyo sa isa't isa ni Livvy Ka M.U? Lovers din Kaya kayo"

Biglang natahimik si Valerie, ngunit kabaliktaran naman ang Kay Clark.

"Uy Buyag! Anong lovers! Porket love team kayo? Lovers din kami buang"

"Eh ano nga ba kayo? Kala mo hindi ko nahahalata na halos yata lahat ng makakasama mo kung papipiliin si Livvy talaga eh"

Umayos ako ng upo, nakapikit parin si  Archer walang pake sa kaingayan ko. Ganyan naman kasi siya minsan hinahayaan akong tumalak ng tumalak o mag-ingay, kasi Sabi nga naman niya hindi niya ako kayang pigilang tumahimik.

"Eh, seriously! Di pwedeng gusto ko lang siya kasama kasi masaya?"

"Huweee! Masayang kasama Kaya? Eh kasing ingay kayo ng bunganga Kaya siguro gusto mo siya laging kasama, O di kaya may iba pang rason"

"Hoy! Kiely walang ibang rason ah, ikaw ah binibigyan mo ng malisya ang mga ginagawa namin"

I smirk, syempre! I used to flirt with many guy kaya alam na alam ko kinikilos ng mga to! Lalo na si Clark at Micco, kala niya hindi ko alam , na ge-gets ko lahat na ginagawa niya, di naman ako Bobo o tanga dzuh!

"Bakit? Guilty ka naman?"

"Uy buang! Hindi ako guilty"

"Sege murahin mo pako ng pinabisaya Sasapakin na talaga kita"

"Eh sa hindi naman ako guilty eh! Ayos ayosin mo Kiely, baka ikaw tong guilty sating dalawa, baka nga nagseselos ka lang kasi gusto mo ko"

Eh! Seriously pano ko naman siya magugustuhan nababaliw na talaga itong lalaking to.

"Hoy! Kapal ng pwet mo! Kung gusto kita, ede sana ikaw Yong nilalandi ko sa simula pa lang"

"Malay natin, ako pala yong gusto mo, tapos si Archer naman yong niligawan mo"

"Niligawan! Baliw ka na ba hindi ko niligawan si Archer! Sa ganda kong to ako ang manligaw ew!"

Speaking of panliligaw, hindi pa yata nanliligaw si Archer sa akin? Pero bahala na nga, kailangan ko pa sigurong antayin na ligawan niya ko, kaya ko namang maghintay.

"Oh baka ginayuma mo?"-dagdag na naman ni Clark na ikinairap ko na naman.

"Will you shut your fvcking mouth Kung Wala ka ng ibang masabi, isipan mo nga pano ako manggagayuman eh hindi naman yon kailangan sakin"

"Will, you both shut up, naka headset nako lahat lahat naririnig ko pa rin ang ingay niyong dalawa"

Sabay kaming natigilan ni Clark, Wala eh nagalit na ang Hari ng Katahimikan si Spenser. Naging tahimik ang byahe simula nong nagsalita si Spenser, minsan na nga lang magsalita galit pa tsk.

Dumating na kami sa paruruunan namin na ikina- excited ko ng sobra, pagtayo ko sa kinauupuan ko ay napahawak agad ako sa Ulo ko dahil sa biglang umikot ang aking paningin

"Are you okey?"

Tumango ako sa tanong ni Archer

"I'll carry your things"

Saad nito na hinayaan ko naman, pagod lang siguro to sa byahe kaya nahihilo ako, nakababa na kami sa bus, at kami na lang yata ang panghuling dumating, what do I expect? Kami ang panghuling bus, kasama ang mga gamit na kinakailangan sa trip na ito. Late Listed life nga naman, pero ewan ko ba mukhang nasisiyahan na akong ma late-listed kasi ansaya kasama nitong walo.

Naglalakad na kami sa buhangin bitbit ang mga bag namin, except sakin kasi bitbit ni Archer Yong bag ko, pa senyora lang minsan, infernes Gentleman si Archer today na ikinangingiti ko kapag nalilingon ko siya, ansarap ng tubig ng dagat sobrang linaw bigla ko yata na gustuhang lumangoy na agad agad. Hapon na kasi mga alas kwatro kaya ayos lang.

"Ano room natin?"

"Room 26 Daw"-sagot ni Micco

"Iisa lang tayong Room lahat!?"

Sigaw Ni Livvy

"Oo, daw punishment sa late Listed na naman"-walang gana kong sagot

"Oh my gudnes! Pano Tayo magkakasya sa iisang room?"-aniya naman ni Valerie

"3 beds daw yon eh tsaka pagkakasyahin natin, maliliit kayo grabe naman kung hindi kayo magkasya sa isang Kama"

Sabay kaming tatlo na napairap.

"Mag iinarte pa kayo! Eh natulog nga Tayo sa lupa at gubat"

May point nga naman si Clark, ngayon pa kami mag-inarte eh mas grabe Yong naranasan namin don sa unang school trip.

"Eh sa baka may gawin kayo samin!!"-sigaw ni Livvy na ikinahalakhak ni Demicco, Clark At Dim.

"Hoy baliw! Hindi naman siguro kami ganon ka siraulo para gawin sa inyo yan Livvy"-saad ni Dim

"Oo nga! Hindi kami rapist at buang, kaya wag Makapal ang mukha masyado ah?"- Clark

Nakapasok na kami sa Resort na tutuluyan namin at si Spenser ang kumuha sa Susi sa Receptionist at dumiritso na kami sa Room 26 pero syempre may nag guide samin papunta don, kasi baka mawala kami di namin sa ulo itong Resort. Pagkadating namin sa Room namin ay agad kaming napabuntong hininga.

May tatlo Kama na Dalawang tao lang dapat ang kasya sa isang Kama, pano kami matutulog nito magsisiksikan? My gudnes Para kaming sardinas nito ngayon.

Inilagay na Nila ang mga bag nila, may isang sofa din dito na pwede namang may isang matulog don, lumapit ako sa kurtina at hinawi iyon, tumambad sa akin ang magandang View ng dagat Glass ang dingding kaya maganda din kahit papaano.

Alam kong Na-iinis kaming lahat dahil sa Iisa lang ang room namin, but seeing this place makes our self calm.

Why Can't We Be? (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz