Featured Song:
Save Myself
ED SHEERAN
I gave all my oxygen to
people that could breath.
I gave away my money
and now we don't even speak.
Sawang-sawa na ko, lahat na lang ng nasa paligid ko ay 'di totoo. May pamilya naman ako pero parang wala rin naman. May kaibigan naman ako pero lahat ay mapagkunwari at mga benipisyo lang ang habo. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nabubuhay sa mundong ito e.
Buti na lang may isang taong alam ko ay naging totoo sa akin. Nakatingin ako ngayon sa kanya.
R. I. P.
MELINDA H. FLORES
BORN: JAN. 25, 1980
DIED: DEC. 2, 2010
Oo, iniwan ako ng nagiisang taong kilala ako. Pero kahit na ganoon at alam kong lagi naman siyang nasa tabi ko. Nararamdaman ko pa rin siya dito sa puso ko. Alam kong kong hindi ako iiwan ng mama ko.
Ilang minuto pa akong nagtagal sa sementeryo habang sinisilayan ang puntod ng mama ko. Pinunasan ko muna ang mga patak ng luha sa pisngi na kanina pa naguunahan.
Isang malamig na umaga iyon ngunit ramdam ko naman ang mainit na pagkalinga niya. Pumikit muna ako ng ilang saglit, pinakiramdaman ang mahinahong pagaalo niya sa aking puso.
"Babalikan nalang ulit kita, mama..."
Tahimik kong pinagmasdan ang langit at kaagad naman akong napangiti. Salamat ma, okay na ulit ako. Hanggang sa muli.
Tumalikod na ako at tahimik na nilisan ang lugar na iyon. Alas sais na ng umaga, mukhang kailangan ko nang umuwi at maghanda sa pagpasok sa iskwela.
Life can get you down,
so I just numb the way it feels.
Isang mahabang sermon naman ang ibinungad sa akin ng step mom ko pagdating sa bahay. As usual, wala na naman sa bahay si tatay, busy sa pagtatrabaho. Dahilan kung bakit nawalan siya ng oras sa akin.
Pagpasok ko sa paaralan, nakahanda na ang sangkatutak na mga kaklase ko papunta sa akin. Hindi dahil sa sikat ako, pero parang ganoon na nga. Kaagad ko namang linabas ang notebook ko na naglalaman ng mga sagot sa assignment namin. Sikat ako dahil ako ang puntahan ng mga tamad kong kaklase.
"Bat hindi ka nagsend sa GC ha?" reklamo ng isang kaklase ko sa akin. Sa dulo, sila pa ang galit. Sa dulo, ako pa ang may mali, ako pa ang may kulang. Hinayaan ko na lang, gaya ng lagi kong ginagawa.
Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Tatakas na sana ako ng nagring na ang bell, pero hindi naging sapat iyon upang hindi ako mahuli ng mga bully kong mga kaklase.
Hanggang ngayon, nanginginig parin ako kapag tinitignan nila ako gaya ng ginagawa nila sa akin ngayon. Agad naman akong inakbayan ng isa sa kanila habang ang isa pa ay tinatapik-tapik ang balikat ko. May dalawa pa pero sumunod lang sila kung saan nila ako dinala.
"Ilabas mo na." panghihingi nito ng pera sa akin. Hindi ako makatingin sa kanila habang inilalabas ang wallet ko. Nang maakita nila iyon ay kaagad naman nilang kinuha iyon. Walang araw na hindi nila ako tinigilan. Ilang buwan ko na rin itong nararanasan. Wala akong magawa habang hawak parin ng dalawa sa kanila at nakatingin sa pagsimot ng dalawa sa natitira kong pera.
Bakit hindi ko magawang magsumbong? Dahil wala din namang mangyayari. Ilang beses ko na ring sinubukan, pero mukhang walang may paki sa sitwasyon ko ngayon. Mapaparusahan sila pero babalikan ulit ako upang gawin ulit iyon, na mas matindi na kaysa sa una.
Sa likod ng maayos kong uniporme, nagtatago ang mga pasa't galos na nanggaling mula sa kanila. Bat pa ko magsusumbong? Hassle lang naman.
Dumaan na naman ang araw ng wala man lang akong karamay. Ang tatay ko? Kung wala sa amin ay lasing naman pagkauwi. Isa pang dahilan kung bakit ako nahihirapan. Wala rin akong kaibigan, walang karamay at walang masusumbungan. Wala na yata talaga akong pag-asa.
And all the one's who love,
they just left me on a shelf.
No farewell.
San nga ba nagsimula?
Sa pagtulong ko.
At sa pagkawala ng nanay ko.
Ilang taon na rin ang nakalilipas ng tinulungan ko ang kaklase ko mula sa pamububully ng mga nagbubully din sa akin ngayon. Natulungan ko ba siya? Hindi ko alam. Pero nabunton ang galit nila sa akin pagkatapos niyon. Isang araw, nalaman ko na lamang na lumipat na siya ng ibang paaralan, at ako na ang bagong biktima.
Sampung taong gulang naman ako ng mamatay si Mama mula sa lung cancer. Hindi ko pa rin makalimutan na kahit na malapit na siyang malagutan ng hininga ay ako pa rin ang iniisip niya. Sapagkat bago siya mamatay ay napagalaman naming may ibang kalaguyo pala si tatay.
Alam kong masakit na ang nararamdaman niya noon. Hindi lang dahil sa sakit niya, kundi sa ginawa ng taong dapat ay masasandalan niya sa mga panahong iyon.
Pero kahit na ganoon, binalewala niya iyon, binalewala niya ang sarili niya, at ituon ang atensiyon sa akin.
My dad was wrong,
cause I'm not like my mom.
She just smiled,
and I'm complaing in a song.
Ilang buwan ng mamatay siya ay napagalaman kong ginamit pala ni Mama ang perang pagpapagamot niya sa mga gastusin ko sa paaralan at savings ko. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Mama at tuluyan ng nawasak ang ugnayan namin ni Papa.
Simula noon ay wala na akong kinausap at pinagsamahan. Tila tinraydor na ako ng mundo. Tila ibinagsak lahat ng kamalasan sa akin.
Buti na lang, nandito pa rin ang gitarang naiwan sa akin ni Mama. Sa kaniya iyon dati, at naaalala ko siya tuwing tinutugtog ko iyon. Nagiging okay ako sa tuwing ginagamit ko iyon. Ibinabalik nito sa akin ang mga panahong nakalipas na, sa tuwing tutugtugan ako ni Mama ng isang kanta. Ito ang naging sandalan ko. Ito ang naiwan sa akin na ala-ala ni Mama.
Tuluyan ko nang binitawan ang gitarang iyon, kasabay ng pagbitaw sa lahat ng pangako ko kay Mama.
"Magpakatatag ka a? Wag mong susukuan ang buhay..."
Hindi ko alam kung may magbabago pagkatapos ng desisyon kong ito. Pero alam kong pagsisihan nila ang ginawa nila sa akin. Napaiyak na lamang ako sa panlulumo at nagdesisyon na tumuntong na sa upuan kaharap ng nakahanda ng lubid.
Bigla kong naalala ang mga taong naging sanhi ng desisyon ko. Yung mga bully, mga mapagkunwaring tao at pabayang Tatay.
Wala akong magawa, at ito na lang ang natitirang choice ko. Kasabay ng pagsukbit ng ulo ko sa lubid, ay naalala ko si Mama. Napaiyak ako dahil doon, "Patawad mama. Sa muli nating pagkikita..."
Sa aking panaginip. Ayos na ang lahat, nagsisi na ang mga bully at naexpell na mula sa paaralan. Naging maayos na ang mga kaklase ko at nakadepende na lang sa mga sarili nila. At ang tatay ko? Nagluluksa kasama ng bago niyang asawa.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang tila imposibleng pangyayaring iyon, kahit sa panaginip lang. Kasama ko na ngayon ang Mama ko, wala na akong maihihiling pang iba.
Before I save someone else,
I've got to save myself.
Before I love someone else,
I've got to love myself.
Nang biglang nagising ako sa panaginip na iyon. Habang nakahiga dito sa putting silid ay makikita ang saya't galak ng aking Tatay.
Posible pala ang panaginip kong iyon, ang kaibahan nga lang, buhay ako.
Mukhang may misyon pa ako sa mundong ito.
YOU ARE READING
Stories Behind Thy Lyrics
Randomsong lyrics turned into short stories. featured songs: #1 save myself by ed sheeran #2 before it sinks in by moira dela torre (on going)
