Chapter 1
Aeriane's POV
"Protect her!"
"Shield the Princess!"
"Just stay behind us, Princess!"
"Princess! Don't be hard headed!"
"Aeriane makinig ka!"
Di ko na pinakinggan ang mga sinabi nila. Kinuha ko ang baril ng isa sa mga nagpoprotekta sakin at tinulungan silang pagbabarilin ang mga humarang samin. Kahit anong pigil nila sakin ay hindi nila ako mapipigilan. Ang ayoko sa lahat ay yung pinoprotektahan ako. Parang inaunderestimate nila ang kakayahan ko. Para saan pa't magiging susunod na reyna nila ako?
Matagal tagal rin bago natapos ang barilan. Umatras na ang kalaban dahil kaunti nalang sila. Marami rami rin ang sugatan at.....namatay. Mabuti nalang walang namatay sa amin. Pero sugatan marami.
Ito ang sinasabi ko. Dahil sa pagpoprotekta sakin, nasusugatan at nasasaktan sila. And worst minsan namamatay pa.
Sumakay na ulit kami sa sasakyan dahil hinarang nga kami dito sa highway. Buti nalang walang ibang tao dito maliban sa aming nagbabarilan.
Nang makasakay na rin ako ay tiningnan ako ng masama ng security head namin. Here we go again.
"Aeriane. Ilang beses. Ilang beses ka ba namin pagsasabihan! Ginagawa namin to para sa seguridad mo! Ikaw ang susunod na mamumuno sa amin kaya dapat lagi kang ligtas!"
"Oo alam ko! Pero kaya ko ang sarili ko! Ilang beses na din. Ilang beses ko na din kayong sinabihan na di ko gusto na may iba pang masaktan ng dahil sa akin!"
"Naiintindihan ka namin. Pero bilang tauhan mo, prayoridad ka namin." mahinahong sambit ng isa sa mga kasama ko dito.
"Tauhan? Para sakin pamilya kayo. Kasama kayo sa clan kaya pamilya ko na rin kayo! At di ko hahayaang masaktan ang isa sa pamilya ko!" nakita kong lumambot ang tingin nila sa akin. Kahit anong gawin nyo, di ko hahayaan mangyari ulit ang nangyari noon.
"Bahala na ang iyong ama ang kumausap sayo." at pagkatapos nun at wala ng nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay.
Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng nag aalalang ama at lolo ko.
"Nabalitaan kong hinarang kayo ng mga Miranda. Ayos ka lang ba anak?" nag aalalang tanong ni daddy.
"Sir, I'm really sorry for what happened. Di talaga nakinig sa amin si Aeriane. Nakisali talaga siya sa barilan. At ang dahilan niya ay yun na nanaman." napabuntong hingi nalang sila daddy at lolo sa narinig nila.
"Alam mong delikado anak. Kahit minsan lang. Hayaan mo namang protektahan ka nila. Pero di na kita pagsasabihan pa dahil alam kong di ka rin naman ULIT makikinig." sorry dad. But I don't want to lose anyone anymore. I treasure you all.
Pumasok kaming lahat sa dining hall para kumain.
Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis nako at humiga sa kama. Habang nakatulala sa kisame, napangiti nalang ako hindi dahil glow in the dark galaxy style ang kisame ko kundi dahil nag aalala silang lahat sa kapakanan ko. Natutuwa ako na natatakot. Natutuwa ako na mahalaga ako sa kanila at nag aalala sila sakin. Pero natatakot rin ako baka mangyari ulit yung nangyari noon.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa Garden para magpahangin. Nadatnan ko dun si lolo na malalim ang iniisip.
"Lo, maaari bang tumabi sayo ang napakaganda mong apo?" tanong ko sa kanya. Narinig ko tumawa siya at pinaupo ako sa tabi niya.
"Alam mo apo, di naman maling maging mahina minsan. Di naman maling mangailangan ng tulong sa iba. At di naman masama kung hahayaan mo ang ibang taong magprotekta sayo. Di sa lahat ng panahon, malakas tayo. Alam kong gusto mong maging malakas para hindi ka na nila protektahan pa. Maaari ka namang maging mahina kahit paminsan minsan."
YOU ARE READING
I'm inlove with my Robot
Teen FictionAeriane is the heiress of the most powerful clan, Saavedra clan. Her life is in real danger. Everyone in the clan would risk their life for their heiress. Their next Queen. But Aeriane wouldn't allow anyone to risk their life for her. She won't allo...
